Ara's POV
Gang
"Thank you po sa dinner," sabi ko sa Pamilya Mariano habang bahagyang yumuko bilang paggalang. Tulad ng inaasahan, ngiti lang na tipid ang isinukli nila. Parang laging may unwritten rule na bawal maging masyadong animated kapag nasa harap ng pamilya nila. Pero sanay na rin ako, kaya hindi ko na lang pinapansin.
"Take care, Ara," sabi ni Tito Zyle, na tumango pa bago muling ibinalik ang atensyon sa hawak niyang cellphone.
Tumango rin si Tita Zein. "Drive safely. And please, Ara, next time, magpaalam ka muna kay Zielle bago ka dumating, ha?"
"Yes po, Tita. Sorry po ulit sa abala," sagot ko, pilit na ngumingiti kahit medyo kinakabahan ako sa tono niya. Hindi naman siya galit, pero sa ganitong pamilya, ramdam mo na agad ang bigat ng bawat salita kahit pa simpleng paalala lang iyon.
Pinaalalayan pa ako ni Lolo Zee papunta sa pinto. "Huwag kang masyadong magpagabi, Hija" sabi niya nang mahinahon. Kahit seryoso ang tono, ramdam ko naman ang genuine na concern niya.
Nasa kotse na ako at papalayo na nang mapaisip. Tss, ibang klase talaga ang Pamilya Mariano. Minsan napapatanong na lang ako kung paano nakakasabay si Zielle sa kanila, lalo na’t ang daming pinoproblema ng babaeng iyon na hindi na napapansin ng pamilya niya.
Pero sino ba naman ako para magreklamo? Sila ang nagpakain sa akin, tapos sasama pa loob ko? Napailing na lang ako at binuksan ang radyo para kahit paano’y maalis ang pagod ko ngayong gabi.
Bago ko pinaandar ang kotse ko, may kumatok sa bintana. Napakunot ang noo ko pero binuksan ko rin ito. Si Zielle.
"Nandito pa ang mga Blaze Legend," malamig niyang sabi habang nakapamulsa, "kung ayaw mong sundan ka nila, iligaw mo na lang sila."
Tss. Of course, she’d know. Hindi ko rin maiwasan ang kaba sa sinabi niya. Mukhang hindi pa rin tapos ang gulo.
"Noted," sagot ko, medyo sarcastic, pero sineryoso ko na rin ang paalala niya. Hindi naman ako tanga para ipahamak ang sarili ko.
Tumango lang siya at umalis na parang walang nangyari. Siya na talaga. Cool under pressure kahit kailan.
Napabuntong-hininga ako, tinignan ang rearview mirror, at sinigurong walang nakasunod. "Let’s see kung sino ang mas magaling sa laro ng habulan." Ngumisi ako at pinaandar ang kotse, iniisip kung saan ko sila idadaan para maligaw nang tuluyan.
Kitang-kita ko na ang itim na van na nakasunod sa akin. Napangisi na lang ako at umiling-iling habang tinutukan ang manibela. Tss. Ang obvious naman ng mga 'to, akala mo hindi ko sila mapapansin?
"Let’s play, then," bulong ko sa sarili ko, nilakasan ang volume ng music sa kotse para mag-focus. Hindi ko na inisip kung anong gagawin nila, basta ang alam ko, hindi ako basta-basta mahuhuli.
Biglang bumilis ang takbo ng van, pero tinapatan ko lang ito. Sa bawat liko ng daan, iniiba ko ang ruta, dinadaan ko sa mga eskinita at shortcut na kabisado ko. Hindi nila alam kung saan sila dadalhin ng paghabol nila.
Napangisi ako ulit nang makita sa rearview mirror na mukhang nalilito na sila. "Nice try, boys."
Pagdating ko sa isang madilim na bahagi ng daan, binagalan ko ang takbo para bigyan sila ng illusion na hinahabol pa rin nila ako. Pero sa likod ng mga mata ko, may plano na akong natutuloy.
Pagdating sa intersection, biglang preno, liko pakanan, tapos pasok sa isang shortcut na alam kong hindi nila kabisado. Agad akong tumigil at pinatay ang ilaw ng kotse. Tahimik.
YOU ARE READING
Stay With Me
Ficção GeralSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?
