Ara's POV
Nang mag weekend's ay wala naman akong ginawa kundi nagkulong lang sa kuwarto, bababa pag kakain, nasa kuwarto lang ako nag-aaral, binabasa
lahat ng book na patungkol sa pinag-
aralan namin. Hindi rin naman ako
makakalabas dahil naulan.
****************************************
Good morning Monday!
Nagising ako ng 4:00 AM at ginawa ko
ulit ang routine ko at nang mag-saktong 6 AM, nag-asikaso na ako para pumasok. Pagtingin ko sa phone, nag-post si Mikha sa page ng AIS-may pasok daw. I mean, ang lakas-lakas ng ulan, pero may pasok pa rin? Isn't it crazy? Parang di sila naaawa sa mga students. Napabuntong-hininga na lang ako habang nagbibihis. Tuloy kahit umaga pa lang, parang gusto ko nang magpahinga.
Nakasuot na ako ng uniform, pero sinuot ko rin ang itim kong sweater dahil ang lamig talaga, lalo na't sobrang lakas ng hangin sa labas. Pakiramdam ko, kahit anong dami ng layers, malamig pa rin.
Bumaba na ako at nagpaalam kina Mama at Papa. Buti na lang pumayag na silang i-drive ko yung sasakyan na bigay ni Dad-pinilit ko rin kasi sila. Sayang naman kung hindi ko gagamitin, diba?
Sumakay na ako sa kotse at pinaandar ito. Naririnig ko ang patak ng ulan sa windshield, malakas pa rin ang hangin, pero kaya naman ng sasakyan ko.
Halos wala akong makitang tricycle, jeep, o bus sa kalsada-puro kotse lang ang nakikita ko. Parang lahat ng tao ay nagdesisyong gumamit ng sariling sasakyan ngayon dahil sa lakas ng ulan.
Pagdating ko sa school, tumigil na rin ang ulan, pero grabe pa rin ang ihip ng hangin. Kung hindi lang ako mabigat-bigat, baka nadala na ako ng hangin!
"Good morning Ma'am Zahaira!" Bati saakin ng guard, tumigil ako sa paglalakad at huminto sakanya.
"Good morning din," tipid kong sagot sabay ngiti ng konti. Diretso na akong pumasok sa campus, ramdam ko ang malamig na hangin na humahampas kahit sa loob.
Naglakad na ako papunta sa building namin. Konti pa lang ang mga estudyante na nasa paligid, siguro dahil sa sama ng panahon kaya't late na papasok ang iba. Ramdam ko pa rin ang kakaibang lamig ng hangin, kaya't niyakap ko nang mas mahigpit ang sweater ko.
Habang papunta sa hallway, napansin kong medyo nag-ipon na ang tubig sa gilid ng mga daan. Tsk. Sana ayusin na nila 'to, lalo na't laging binabaha kapag ganitong tag-ulan.
"Zahaira." Papasok na sana ako ng makasalubong ko si Mikha, tinaasan ko siya ng kilay.
"Hm?"
"Tara sa SSG OFFICE, may pag-uusapan tayong mga Council's."
Napabuntong-hininga ako pero tumango na rin.
"Sige." sagot ko, sabay lakad papunta sa SSG Office kasama si Mikha. Medyo tahimik kaming naglakad, pero ramdam ko ang bigat ng usapan na baka mangyari. Kung may emergency na ganito, malamang may mga issues na naman sa activities.
Pagdating namin doon, nakita ko agad sina Anne at Christine, parehong seryoso ang mga mukha ganon rin ang iba. Tumayo ako malapit sa kanila at hinintay na magsimula si Mikha sa pag-explain.
"So, what's the issue this time?" tanong ko, bahagyang nakataas ang kilay.
Napairap ako habang patuloy lang sa pagbuntong-hininga, ang intense pa naman ng ambiance pero tungkol lang pala sa bagyo.
"So, ano nga 'tong urgent meeting para lang sa bagyo?" tanong ko, medyo naiirita. Seryosong tumingin sa akin si Mikha.
"Zahaira, dahil malala na ang sitwasyon ng bagyo, kailangan nating mag-plano kung sakaling maapektuhan ang mga upcoming events. Pwedeng ma-postpone o, worst-case scenario, ma-cancel," sagot niya, nakakunot ang noo.
YOU ARE READING
Stay With Me
General FictionSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?
