Ara's POV
Umuwi din agad ako sa bahay dahil tinawagan ako ni Ezekiel, and natatakot ako because he said hinahanap ako ni Lola Clarissa! I'm so dead. Alam mo naman si Lola, kapag hinanap ka na niya, ibig sabihin may kasalanan ka. Diyos ko, ano bang ginawa ko this time?
e hindi lang naman ako nakapag paalam
sakanila hehehe!
Pagdating ko sa bahay, nakita ko si Ezekiel na nakaupo sa sala, parang walang pake, pero alam kong naunang masermonan yun. Pumasok ako ng dahan-dahan, pero hindi nakaligtas sa akin ang malalim na buntong-hininga ni Lola.
"Saan ka nagpunta? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin o sa magulang mo," seryoso at malamig na sabi ni Lola Clarissa. Now I’m feeling more nervous than ever. Yung tipong alam mong wala ka namang ginawang masama, pero dahil sa tono niya, parang may mali na agad. Masama na ba ang hindi makapag
paalam?
"La, nagpunta lang po ako kina Kristell. May mga kaibigan din naman akong kasama," paliwanag ko, trying my best to stay calm. Pero alam ko, she’s not the type to let it go that easily.
Pinaupo ako ni Lola sa sofa, wala na akong nagawa kundi sumunod agad. kaharap ko siya habang si Ezekiel naman ay katabi ko, nakatingin lang sa cellphone niya, hindi alintana ang tension sa paligid. Si Troy naman, wala pa—baka hindi pa nila uwian.
"Sino naman kaibigan ang sinasabi mo, Ara?" seryoso niyang tanong, na lalo pang nagpatindi ng kaba ko.
"Si Kristell po, La. Kasama ko rin po sina Claude at at yung iba pa pong mga barkada," mabilis kong sagot, trying to sound casual, pero alam ko na hindi siya agad maniniwala.
"Kristell? barkada? Hindi ko sila kilala. Basta't tandaan mo, Ara, kailangan mong ipaalam kung saan ka pupunta," diin ni Lola, and I could tell na hindi siya ganun ka-impressed sa explanation ko.
Si Ezekiel, wala pa rin sa mood na makisali sa usapan. Nakanguso lang at abala sa cellphone niya, pero ramdam kong naririnig niya ang lahat.
"Ikaw naman, Ezekiel, magbasa ka kaya ng libro! Puro cellphone ang hawak mo!" sabi ni Lola, halatang inis.
Napairap si Ezekiel pero hindi rin siya sumagot. Tahimik lang siyang nag-scroll sa phone niya, hindi pa rin tumitingin sa amin.
"Lola, okay lang po 'yan, nagrereview naman si Ezekiel minsan. Baka naman may ginagawa siya importante sa phone," sabi ko, trying to ease the tension, pero napatingin sa akin si Lola, raising an eyebrow.
"Review ba kamo? Kung ganun, sana nga. Pero mas mabuting magbasa ng libro!" Bumaling ulit si Lola kay Kiel "Ezekiel, kanina ka pa nag-ce-cellphone ha," sabi ni Lola, halatang iritado. "Nag-review ka na ba? Baka may quiz kayo!"
Napabuntong-hininga si Ezekiel at ibinaba ang phone niya. "Lola, tapos na po ako mag-review, promise. I'm just checking something important," sagot niya, pero halata sa tono niya na gusto na niyang matapos ang usapan.
"Checking what? Kung ano-ano lang yan, baka puro games!" dugtong ni Lola
Napangiti ako nang konti, pero hindi ako sumabat. Alam kong mas mabuting hayaan ko silang mag-usap kaysa makisali pa ako.
"Wala po akong games sa cellphone, Lola," sagot ni Ezekiel, halatang nahihiya na.
"Ah ganon ba? Edi mabuti kung ganon," sagot ni Lola pero hindi pa rin maalis ang kunot sa noo niya. "Basta siguraduhin mo lang na hindi ka napapabayaan sa pag-aaral, ha."
Tumango na lang si Ezekiel at ibinalik ang tingin sa cellphone niya, pero halata namang medyo naiilang pa rin.
Tahimik akong nanood ng eksena, sinusubukang pigilan ang pagngiti. Seryoso si Lola, pero nakakatuwa ang paraan niya sa pagdidisiplina sa amin.
YOU ARE READING
Stay With Me
General FictionSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?
