Ara's POV
Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Matthew, pero pinili kong buksan ang bintana ng kotse para lang madama ang malamig na hangin. Hindi ko alam, pero parang ang saya lang ng vibe ngayon, kahit hindi ko pa alam kung anong plano niya.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko, sinulyapan siya habang nakapirmi ang mga mata niya sa daan.
"Sa Enchanted Kingdom," kalmado niyang sagot na parang wala lang.
Nanlaki ang mata ko. "Sa Santa Rosa 'yon, diba?"
"Yeah, why? Ayaw mo ba?" tanong niya, kaswal lang pero may konting ngiti sa labi.
"No," nakangiti kong saad. "Actually, excited ako."
Napatingin siya sa akin nang saglit, ngumiti pa lalo. "Good. Let's make today unforgettable."
At kahit na hindi ko pa alam kung anong mangyayari, napangiti na lang ako. Minsan talaga, hindi mo na kailangan magtanong. Basta kasama ko siya, parang okay na.
Nakaramdam ako ng antok kaya ipinikit ko muna ang aking mata. Ang lamig ng hangin na pumapasok sa bintana ng kotse at ang kalmadong musika na tumutugtog mula sa stereo ay parang isang lullaby na nagdadala ng katahimikan sa isip ko.
"Matulog ka muna kung gusto mo," saad ni Matthew, ang tono niya ay parang halos bulong lang. "I'll wake you up when we get there."
Tumango ako nang bahagya, hindi na nag-aksaya ng oras para sagutin pa siya. Napapansin ko ang unti-unting pagbigat ng talukap ng mga mata ko.
Habang unti-unti akong dinadala ng antok, ramdam ko ang kalmadong biyahe-ang tunog ng makina, ang banayad na pagliko ng sasakyan, at ang presensya ni Matthew sa tabi ko. Sa kabila ng lahat, nakaramdam ako ng kakaibang kapayapaan.
Matthew's POV
Habang binabaybay namin ang daan, napansin kong pumikit na si Ara. Tahimik siya ngayon, at kahit papaano, ang gaan lang tingnan na parang relaxed siya. Hindi ko maiwasang ngumiti. She trusts me enough to fall asleep while I'm driving-parang big deal para sa akin 'yon.
Hininaan ko ang volume ng music sa stereo para hindi siya magising. Paminsan-minsan, sinisilip ko siya. Ang payapa ng mukha niya, parang ang layo niya sa lahat ng problema. It's moments like this that remind me why I keep doing everything to make her happy.
"You're beautiful," bulong ko, kahit alam kong hindi niya maririnig. Napailing ako sa sarili ko, pero hindi ko mapigilan. She just has that effect on me.
Habang papalapit kami sa Enchanted Kingdom, napansin kong medyo traffic na. Pero ayos lang. This time with her is worth every second, kahit nasa loob lang kami ng kotse.
At dahil nga traffic, nagkaroon ako ng chance para pagmasdan ang mala-anghel niyang mukha. Her soft features, the way her lashes rest against her cheeks, and the slight pout on her lips-parang lahat ng problema ko sa mundo, nawawala kapag tinitingnan ko siya.
Napansin kong biglang kumilos ang ulo niya, parang may binubulong sa panaginip. Napangiti ako. Ano kaya ang pinapanaginipan mo, Ara? Sana ako.
Hininaan ko ulit ang aircon, baka giniginaw siya. Kinuha ko yung jacket ko sa likod at maingat na inilagay sa ibabaw niya. Ayokong magising siya, gusto ko lang siyang komportable.
"You don't even know how much you mean to me," bulong ko habang binibigyan siya ng isang sulyap. Tuluyang napa-isip ako
What did I do to deserve someone like her?
Hindi ko na napigilan, mabilis kong hinalikan ang labi niya.
"Please choose me," mahina kong bulong habang nakatitig sa mukha niyang payapa pa ring natutulog. Ang hirap itago ng nararamdaman ko, lalo na kapag kasama ko siya.
YOU ARE READING
Stay With Me
Fiksi UmumSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?
