CHAPTER 90

36 10 8
                                        

Ara's POV

Sunod-sunod ang pasyente naman, and all cases are different. Some are minor, others are more complicated. Ngunit sa kabila ng lahat ng stress, alam kong it’s all part of the process. I was managing the ER on my own today. As much as I wanted to have more staff around, I knew I had to step up and make it work with what we had.

"Doc, we have another patient," isang nurse ang sumingit habang may hawak na medical chart.

"Okay, let's see," sagot ko agad habang nagmamadaling lumapit. Nasa labas na ng ER ang bagong pasyente, isang matandang lalaki na may chest pain.

Mahirap maging doctor, but I knew this was what I signed up for. It wasn’t just about the title or the recognition. It was about making a difference, no matter how small the step, no matter how heavy the responsibility.

Pero I can handle this! kayang kaya ko to!

Matthew's POV

9 months later

"Bilis! Bilis! Manganganak na ako!!!!" Sigaw sa akin ni Ara, oo she's pregnant, and pregnant na pala siya nung ipatayo namin ang hospital. Hindi ko pa rin lubos maisip na magiging parents kami. Lahat ng nangyari, mabilis, pero masaya ako. Ang sakit ng ulo ko sa excitement at kaba, parehong nararamdaman ko.

Walang ibang narinig kundi ang malakas na hiyaw ni Ara, at kitang-kita ko ang sakit at hirap sa kanyang mukha. Nasa ospital kami, at ito na nga ang hinihintay na moment—ang araw na magiging magulang kami. Hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan, pero alam ko, kailangan ko siyang suportahan sa lahat ng aspeto.

"Baby, mag-relax ka lang! Nandito ako!" Sabi ko habang hinawakan ko ang kamay niya. Agad ko ring tinawag ang mga nurse at doctor, at sabay kami nagtulungan upang maayos ang lahat.

"Ang sakit, Matthew!" Iyak na sabi ni Ara, at kitang-kita ko ang pagkabahala sa kanyang mata.

"Konti na lang, love. Kakayanin mo 'to." Pinunasan ko ang pawis niya at hinaplos ang kanyang buhok. Alam kong madali lang sabihin, pero alam ko rin na ang mga sandaling 'to ay mahirap para sa kanya.

Huwag na lang magpatalo, isang malalim na hinga at ang naririnig ko lang ay ang mga tunog ng panganganak. Every minute felt like an eternity. When the doctor signaled it was time, I couldn’t help but feel my heart race. Hindi ko kayang ilarawan kung gaano ako kabado.

But after what felt like forever, narinig ko na ang unang hiyaw ng aming anak. Biglang tumulo ang mga luha ko nang makita ko ang maliit na nilalang na hawak ng nurse. "It’s a boy." she said, smiling.

I turned to Ara, who was exhausted but smiling. "You did it, baby. You’re amazing."

With tears streaming down my face, I kissed her forehead, then gently reached for our son. My heart swelled with pride and joy as I held him. "Welcome to the world, little one."

Ara looked at us with so much love in her eyes, and I could feel the same overwhelming sense of love and responsibility flooding my chest. Hindi ko na kailangan ng anumang bagay pa. Ang pamilya namin—mga pangarap namin—ay naging totoo.

"Ano pong ipapangalan niyo sa bata?" tanong sa amin ng nurse habang tinitingnan ang mga dokumento.

"Mateo Araviel.." sagot ko, medyo kinakabahan pero excited din. Alam ko na it's a name that represents both of us—si Mateo, parang ako, and Araviel, something unique na may special meaning sa amin ni Ara.

"Mateo Araviel," ulit ng nurse habang isinusulat ito sa chart. "Magandang pangalan po."

Ngumiti ako, at tinitigan ko si Ara. "He's going to be amazing, just like you," sabi ko, puno ng pagmamahal sa kanya.

Stay With Me Stories to obsess over. Discover now