CHAPTER 54

22 10 0
                                        

Ara's POV

Mugto na mugto na ang mata ko kakaiyak. Nung pagpasok ko nga dito kanina sa classroom, nagulat ang lahat, pero hindi ko sila pinansin. Pilit ko na rin iniiwasan si Enzo, at si Heaven naman ay nakita kong mugto na rin ang mata. Hindi na sila magkatabi ni Enzo; nasa unahan na si Heaven.

Natapos ang lahat ng klase na tulala lang ako, palabas na sana ako sa gate ng tawagin naman ako ni Secretary Milky at papuntahin ako sa Dean's Office sa totoo lang natatakot ako dahil wala
naman akong ginagawang ng masama kaya bakit ako tatawagin? aish bahala na nga.

Dean's Office

"Good morning po, Dean," bati ko, pilit na may ngiti sa labi kahit sobrang kaba na ang nararamdaman ko.

Tiningnan lang ako ni Dean, walang emosyon sa mukha. "Maupo ka, Zahaira" sabi niya, sabay turo sa upuan sa harap ng desk niya. Tahimik akong naupo, hinihintay kung ano ang sasabihin niya.

"Bakit niyo po ako pinatawag?" tanong ko, sinubukang panatilihin ang boses ko na kalmado kahit na kinakabahan na talaga ako.

Nagbuntong-hininga siya bago nagsalita. "I have some news that concerns our family..."

Our? Lo ampon lang po ako :)

"What is it, Dean?" tanong ko, nararamdaman ko ang pabilis na pintig ng puso ko. Alam ko nang may mabigat na balita siyang sasabihin, pero pilit kong pinipigilan ang sarili kong mag-panic.

"Lumalala na ang kondisyon ng stepmother mo," sabi niya, diretso ang tingin sa akin. "Stage 2 na ang cancer niya, Haira"

Parang nawala lahat ng hangin sa paligid ko. Tumitig ako kay Dean, hindi agad makapaniwala sa narinig ko.

"Stage 2?" ulit ko, halos bulong.

"Yes, stage 2," sagot ni Dean, seryoso ang boses niya. Ramdam ko yung bigat ng bawat salita.

Parang lumulubog ako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko alam kung paano ko dadalhin 'to.

"Is she... is she still in the hospital?" tanong ko, nanginginig ang boses ko.

Tumango si Dean. "Yes, Haira. She's still there. And she's not getting any better."

Pakiramdam ko parang biglang lumiit yung mundo ko. Sobrang bigat, hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas.

"Ano po bang klaseng cancer ang meron si Mom?" tanong ko, halos hindi ko maituloy.

Sumandal si Dean sa upuan niya, mukhang nag-iisip kung paano niya sasabihin. "Lung cancer. Stage 2 na, kaya mahirap na siyang makakain at huminga nang maayos."

Napatungo ako, ramdam ko na mas bumigat pa yung dibdib ko. Lung cancer.

"E, ano pong ginagawa ni Dad?" tanong ko, halos hindi ko na alam kung anong mararamdaman.

Nag-ayos si Dean ng salamin niya bago sumagot. "Your dad is doing everything he can. He's been talking to specialists and looking for more treatments. But you know how your dad is, hindi siya masyadong open sa nararamdaman niya, lalo na pagdating sa ganito."

Napatango na lang ako. Alam kong ganon nga si Dad, palaging pinapakita na kaya niya lahat kahit sobrang bigat na ng problema.

"Gagaling pa si Mommy, right, Lolo?" tanong ko, halos mahulog na ang boses ko sa kaba at pag-aalala.

Tumitig lang si Dean sa akin ng ilang segundo, bago siya huminga nang malalim. "I wish I could tell you that, but stage 2 cancer is serious, Zahaira. Pero hindi natin pwedeng mawalan ng pag-asa. May mga treatments pa na pwedeng subukan, and your mom is strong"

Stay With Me Stories to obsess over. Discover now