CHAPTER 82

17 6 0
                                        


Ara's POV

Ilang linggo na akong busy, ngayon na ang araw ng event na pinag-usapan namin ng mga Class Presidents. For the past few weeks, halos hindi na ako makapaghinga sa dami ng responsibilities ko bilang Class President. Requirements, meetings, at dagdag pa ang pagiging active sa Leadership Seminar na ito. Honestly, drained na ako, pero kailangan kong panindigan 'to.

Pagdating ko sa venue, kitang-kita ko ang dami ng tao. Students from different sections, teachers, and even some administrators were there. "Ayos 'to," bulong ko sa sarili habang hinahanap ang mga kapwa Class Presidents.

"Ara, dito ka!" tawag ni Alcantara mula sa gilid ng stage. Agad akong lumapit.

"Kompleto na ba tayo?" tanong ko sa kanila habang nilalapag ang dala kong mga files sa table.

"Almost," sagot ni Yosheen habang nagche-checklist. "Si Salazar nalang ang wala."

"Putcha! late na naman siya?" tanong ni Ramirez habang inirapan si Yosheen.

"As usual," sabay sabi namin ni Alcantara. Nagtawanan kami kahit papaano, nakabawas din ng tension.

"Anyway, Ara, ikaw na mag-welcome speech ha? Since ikaw yung may pinaka mataas na involvement dito," sabi ni Yosheen.

Napatingin ako sa kanila, "H-ha? Ako?"

"Oo naman, Ms. Vice President ng Asia International dati pa lang. Kaya mo 'to," sabat ni Alcantara habang nag-aayos ng projector.

Huminga ako nang malalim. "Fine. Pero dapat after nito, kayo naman ang sasalo sa ibang parts, ha?"

"Deal," sabay-sabay nilang sagot.

Minutes later, nagsimula na ang program. Tumayo ako sa stage, hawak ang mic. Kitang-kita ko ang mga mata ng attendees nakatingin lahat sa'kin.

"Good morning, everyone," panimula ko. "On behalf of the organizing committee, we welcome you all to this year's Leadership Seminar. Today is not just about titles and positions, but about the responsibilities we carry as leaders..."

Habang nagsasalita ako, napansin ko si Nathan sa audience, nakangiti habang nakatingin sa'kin. Bigla akong na-distract, pero agad akong bumawi.

"...and with that, I hope this event inspires everyone to step up and create positive change in our school."

Natapos ko ang speech nang maayos.

Si Alcantara naman ang sumunod pagkatapos ko. Tumayo siya sa harap ng stage, hawak ang mic na para bang sanay na sanay sa ganitong mga presentations.

"So, this is the Leadership Seminar," panimula niya, medyo may confidence sa boses. "This isn't just an event for us to talk about rules and responsibilities. It's about collaboration, teamwork, and understanding what it truly means to lead."

Habang nagsasalita siya, naririnig ko ang tahimik na bulungan ng ibang students sa audience. Mukhang na-impress sila sa delivery ni Alcantara.

"Leaders are not just people with titles. Leaders are individuals who inspire, motivate, and create opportunities for others to grow," dagdag pa niya, sabay ngiti sa crowd.

Napatingin ako kay Yosheen, na tila natawa nang bahagya. "Mukhang pinaghandaan ni Alcantara 'to ah," bulong niya sa'kin.

"At least may effort," sagot ko, sabay irap.

Natapos ang speech ni Alcantara nang may palakpakan mula sa audience. Lumapit siya sa'min habang iniabot ang mic kay Yosheen.

"Top that," bulong niya kay Yosheen na may bahid ng biro, bago umupo.

Stay With Me Stories to obsess over. Discover now