Ara's POV
Nakaramdam ako ng gutom after kong tumambay sa balkonahe, masyadong sumakit yung ulo ko sa tensyon kanina. Pero napamaang na lang ako sa nadatnan ko sa dining area.
Kausap ni papa si Matthew at Nathan.
Tumigil ako saglit sa pinto, never na naging seryoso makipag-usap si Papa sa mga kakilala ko. And yet, here he was, nakatapat kay Matthew at Nathan, parang may matinding usapan. Parang may something off.
"Pa." Tawag ko. Pero hindi nila ako pinansin kaya ang ginawa ko, dumeretso ako sa ref at binuksan yon pero nakikinig talaga ako sa pinag-uusapan nila.
"Tito, I know I hurt Ara but I'm serious now. I want to make things right," sabi ni Matthew, tumingin sa papa ko ng matagal.
Nakaramdam ako ng init sa katawan. Si Matthew? Serious? Bigla na lang ako napatingin sa kanila, pati na si Nathan na nakatayo lang, tahimik at parang nagmamasid.
Papa sighed, hindi ko alam kung galit o nag-iisip. "You've had your chances, Matthew. I can't let you hurt her again."
"Then let me prove it," sabi ni Matthew, parang may matinding determinasyon sa boses niya. "I'll do whatever it takes."
Binagalan ko ang kilos ko, kunwari'y abala sa pagbukas ng ref at paghahanap ng kahit ano. Pero sa totoo lang, para akong investigator sa tahimik na nakikinig. Ayokong lumapit sa kanila dahil ayoko pang magpakita ng reaksyon.
Tahimik lang si Nathan, pero napansin kong napatingin siya kay Papa. At doon niya binitawan ang mga salitang hindi ko inaasahan. "Tito, I also care about Ara. I always have."
Napapikit ako saglit, pilit nilalabanan ang namumuong kaba. Diyos ko, anong drama ba ang napasukan ko ngayon?
Bumuntong-hininga si Papa, halatang mabigat ang sitwasyon. "My daughter is not some prize to be won." aniya, diretso ang tingin kay Matthew at Nathan. "If you truly care about her, you'll respect her decisions-hindi yung kayo ang nagdedesisyon para sa kanya."
Napalunok ako, pakiramdam ko lalo akong bumabaon sa sahig. Pero tama si Papa. Hindi naman ako Trophy para pag-agawan, at lalong hindi ako isang laro na kailangang mapanalunan.
Tumahimik si Nathan, halatang nag-iisip sa sinabi ni Papa. Si Matthew naman, mukhang hindi magpapatalo. "I understand, Tito. But I'm not giving up on her. I'll wait for Ara to decide."
Biglang napatingin si Nathan kay Matthew, halata ang iritasyon sa mukha niya. "Same goes for me, Tito. I'll respect Ara's choice-pero hindi ako aatras."
Halos maibagsak ko ang pinto ng ref sa narinig ko.
Sinarado ko na ang pinto ng ref at doon lang nila ako napansin. Sabay silang napatingin sa akin, pero tinapunan ko lang sila ng malamig na tingin.
"Ara." unang tawag ni Matthew, pero hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa counter para kumuha ng tubig.
"Nagugutom ka ba?" biglang tanong ni Papa, pero kahit siya hindi ko tinapunan ng tingin. Sobrang awkward ng atmosphere kaya gusto ko na lang matapos 'to.
"Busog pa ako." malamig kong sagot habang iniinom ang tubig na kinuha ko. Pero nararamdaman ko ang matitinding tingin nina Matthew at Nathan na parang naghihintay ng sasabihin ko.
"Ara," seryoso namang tawag ni Nathan. Huminto ako, huminga nang malalim, saka tumingin sa kanilang dalawa.
"Pwede ba? Tama na 'tong drama n'yo. Nakakairita," matigas kong sabi. "Kung may gusto kayong patunayan, gawin n'yo nang tahimik. Hindi 'yong pati si Papa dinadamay n'yo."
YOU ARE READING
Stay With Me
General FictionSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?
