Sa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na...
"I want you to be my fake girlfriend."
Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?
Magandang umaga sainyo, guys. Or, well, para sa akin, walang magandang umaga ngayon. This is so hard to say, but I have to tell you. Yung PART TWO ng story ko, the one na sobrang excited akong i-share sainyo, hindi na po siya maipupublish.
Ganito kasi 'yon, let me explain. Every time na nagsusulat ako, nilalagay ko muna lahat ng chapters sa Notes ko. Para alam niyo na, everything is organized, tapos kapag kompleto na, saka ko siya nililipat sa Wattpad. I know, bad habit kasi hindi ko siya sinisave agad sa Wattpad. Like, super relaxed ako na parang, "Ah, safe naman sa Notes ko." Pero guys, mali talaga ako. Don’t ever do this mistake.
You know what’s frustrating? Tapos na po lahat ng chapters ng PART TWO. As in, kumpleto na, ready to upload na lang sa Wattpad. Imagine my excitement, ‘di ba? Pero kanina, nung chineck ko yung Notes ko… wala na. As in, gone. Deleted. Na-erase. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero wala na talaga siya. Yung pinagpuyatan ko, pinag-isipan ko, lahat ng emotions at ideas ko, nawala nang parang bula.
Alam niyo yung pakiramdam na parang gusto mong magwala pero wala kang magawa? Ganon ako ngayon. Kasi hindi lang siya basta kwento, guys. It was my heart and soul, everything I poured into this story. And now, it’s gone.
I know, baka iniisip niyo, "Eh, Ate, gawin mo na lang ulit!" Pero, hindi ganon kadali. Yung thoughts ko habang ginagawa ko yung PART TWO, hindi ko na maibabalik. The way I imagined the scenes, the emotions I felt while writing them, gone din. Kaya sobrang hirap para sa akin na mag-rewrite kasi hindi na siya magiging authentic, hindi na siya magiging ganon kaganda.
Kaya with a heavy heart, gusto kong sabihin sainyo na hanggang PART ONE na lang talaga ang kwento ko. I’m so sorry, guys. Alam kong marami sa inyo ang nag-aabang at na-excite sa mga susunod na mangyayari. Alam kong may expectations kayo, pero hindi ko na maibibigay 'yon.
Pero kahit ganon, sobrang grateful ako sa inyo. Kasi without you, wala itong story na 'to. Kung wala kayong suporta, hindi ko rin naman magagawa yung PART ONE. Kaya kahit hanggang doon na lang ang kwento, sana ay tumatak siya sainyo.
I know this is sad news, pero gusto ko lang din sabihin na kahit hindi ko na maipagpapatuloy ang kwento, "forever with me" kayo sa puso ko. Salamat sa pagmamahal, suporta, at oras na binigay niyo sa story na 'to. Mahal ko kayo, and I hope kahit papaano, naging parte ng buhay niyo itong kwento ko.
But....
May bago ho akong story na gagawin, at sana suportahan niyo 'yon gaya ng pagsuporta niyo sa una kong story. Naiiyak ako habang sinusulat 'to, pero I need to move forward. Hindi madaling tanggapin na nawala na yung pinaghirapan ko, pero iniisip ko na baka ito ang way para mas makagawa ako ng mas magandang kwento.
Guys, alam niyo ba, habang iniisip ko yung bagong story, biglang bumalik yung excitement ko. Kasi na-realize ko, this is a chance to create something even better. Pero syempre, hindi ibig sabihin na nakakalimutan ko na yung una kong story. Laging special 'yon para sa akin at sana sa inyo rin.
Kaya sana, guys, samahan niyo ulit ako sa bagong journey na 'to. Hindi ko magagawa 'to kung wala kayo. Kayo ang nagbibigay ng lakas sa akin para magsulat ulit kahit ang sakit ng pagkawala ng PART TWO :<
Thank you talaga sa lahat ng suporta, pagmamahal, at oras na binigay niyo sa una kong story. Hindi kayo nakakalimutan ng puso ko, at promise, gagawin kong worth it ang bagong kwentong 'to.
Watch out, kasi this time, mas magiging careful na ako. Wala nang Notes-Notes lang, save agad sa Wattpad! Thank you ulit, and I love you all. Let’s start this new chapter together!
P.S. Wag na wag niyo akong gagayahin, ha? Learn from my mistake. Always save your work in multiple places! Hays. Thank you, guys. For everything.
Watch this 👇
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.