Jaime Everest Logan POV
"Jaime."
Tila tumigil ang paghinga ko nang banggitin nito ang pangalan ko. Sabihin niyo sa akin na kasama lang ito sa imahinasyon ko. Gusto kong kurutin at sampalin ang sarili ko. Si Jonas. N-Nandito si Jonas.
Tumataas-baba ang dibdib nito at habol ang hiningang nakatitig sa akin. Tagaktak rin ang pawis niya. Habang nakatitig ako sa kanya ay napansin ko ang laki ng pinagbago niya. He's not the same Jonas that I used to know before. Mas naging matured ito. Mas naging malapad ang dibdib nito, mas nagkaroon ng muscle ang braso nito at lumaki rin ang katawan niya kumpara noon na medyo fit pa ito. Walang pag-aalinlangan ko itong tinulak upang magsara ang elevator.
"Shit! Jaime!" Sigaw niya.
Papasok pa sana ulit siya, pero mabilis kong pinindot ang 1st floor. Halos masira ito sa mabilis at malakas na pagpindot ko. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa sobrang kaba at tensiyon. Napasandal ako sa dingding ng elevator at napahinga nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko. I hold my chest to calm myself, pero wala itong silbi. Hindi ako makapag-isip ng maayos.
Binibiro ba talaga ako ng tadhana? Bakit ngayon pa? Aligaga akong naghintay na bumukas ang elevator. Paano kung nandoon na siya at hinihintay ako sa baba? Anong gagawin ko?
Damn it! Shit!
Nanlalamig ang mga kamay ko at hindi na ako mapakali. Saktong pagbukas ng elevator ay mabilis akong tumakbo palabas. Palinga-linga ako habang binabaybay ang daan palabas. Wala akong pakialam sa mga tinging ibinibigay sa akin ng mga tao. Ang importante ay makaalis na ako dito.
"Jaime!"
Narinig ko ang pagtawag nito kaya't domoble ang kaba na nararamdaman ko. Please, please. Huwag niyo pong hayaang maabutan niya ako. Nang tuluyan akong makalabas, deretso kong tinungo ang sasakyan ko.
Habang tumatakbo ako, kinakalkal ko rin ang bulsa ng pantalon ko upang hanapin ang susi. Shit! Bilis! Bilis! Nang makuha ko na ito, mabilis kong binuksan ang sasakyan. I was about to hop inside when a strong arm stopped me from doing it.
May malakas na kamay na pumulupot sa bewang ko upang hindi ako tuluyang makapasok sa loob ng sasakyan. Hawak-hawak rin ng isang kamay niya ang pintuan ng sasakyan kaya't hindi ko ito maisara. Kaagad akong napalingon at sumalubong sa akin ang nag-aalab niyang mga mata. Nagtatagis rin ang bagang nito.
Nahigit ko ang hininga ko nang makitang sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Sinamaan ko ito nang tingin. I smack his arm on my waist.
"Bitawan mo ako!" Inis kong bigkas at pilit inaalis ang kamay niya sa pintuan ng sasakyan pati na rin sa bewang ko. Hindi ito nagpatinag at hindi man lang nagsalita. Nakatitig lang ito sa akin. Nakakunot ang noo at tila pilit inaanalisa ang mukha ko.
Aaminin ko na nakaramdam ako ng kakaiba namg magdikit ang balat nito sa balat ko at hindi ko ito nagugustuhan. Pagkailang, sakit, at galit ang nangingibabaw sa nararamdaman ko ngayon habang nakikita ko siya. Gusto kong sumabatan ito sa lahat ng kasalanan niya, pero mas mabuting itikom ko na lang ang bibig ko.
"Ano ba?! Sabing bit—What the?! Hoy! Anong ginagawa mo?! Akin na 'yan!"
Nabigla ako nang hablutin nito ang susi ng sasakyan sa kamay ko. Walang imik niya akong sapilitang pinapasok sa loob ng sasakyan. Nilukob naman ako nang takot. Iniharang ko naman ang mga paa ko para hindi niya ako tuluyang maipasok. Nagagawa kong pigilan ito sa gusto niyang gawin dahil natuto na rin akong mag-gym ngayon.
"J-Jonas! Bitawan mo nga ako! Ano ba?! Nasasaktan ako!" Reklamo ko at pilit na nagpupumiglas sa hawak niya.
Hindi niya ako binitawan. Mabilis niyang kinuha ang mga hita ko saka madali lang niya lang akong nabuhat at naipasok sa loob ng sasakyan. My blood is boiling right now.