Bago pa man niya mahalata na natigilan ako, tumuloy ako sa paglalakad at tinungo ang luggage ko. Nakikita ko pa sa peripheral vision ko ang likuran niya mula sa puwesto ko habang naghahanap rin siya ng damit sa kaniyang closet.
He confidently showed those well-built muscles as if he's alone in this goddamn room. The way he moves his arm defines the muscles in his arms. He's really good at captivating someone's attention with that simple move. Pero hindi ako naapektuhan doon.
Kumuha na lang ako ng malaking T-shirt at denim short saka tumayo. Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin si Jonas na nagbibihis. Dumeritso ako sa isa sa mga pinto na sa tingin ko ay comfort room. Nang tuluyan akong makapagbihis, tiningnan ko muna ang mukha ko sa salamin. Napabuntong-hininga ako at napahawak sa dibdib. Napansin ko ang pamumula ng pisngi ko.
The fúck?! Why the hell am I blushing?!
Kaagad kong kinalma ang sarili ko at tinapik-tapik ko pa ang pisngi. Lumabas na ako ng comfort room nang ma-kalma ko na ang aking sarili.
"Where are the clothes that I bought you one time?" Kinalkal ni Jonas ang luggage ni Mave. May inilabas siyang dilaw na T-shirt na may print na 'Handsome'. "Here. This looks good on you." Ipinatong pa niya ito sa katawan ni Mave.
Mave digs inside his luggage and reaches for the shirt with a Doraemon print, then he shows it to his Dad. Hindi ko mapigilang mapahagikhik nang makita ang mukha ni Jonas. Hindi ito maipinta.
"But I want this one, Dad."
Napakamot si Jonas sa kaniyang ulo. "But this one suits you well. It says 'Handsome.'"
"I know, but I love Doraemon. Papa bought this." Ngiting-ngiting sabi ni Mave. Jonas heaved a deep sigh. I saw his face flinch a little bit. Ang bilis niyang maapektuhan sa sinabi ni Mave.
"Okay." Pagsuko niya saka ibinalik sa luggage ang hawak na binili niyang damit at kinuha ang T-shirt na may print ng Doraemon saka tinulungan sa pagpapalit si Mave.
Napasandal ako sa pinto ng banyo habang pinagmamasdan sila. Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan sila ng litrato. Sigurado akong hindi magiging madali ang mga susunod na araw na magkasama sila gayong hindi niya pa alam ang mga hilig ni Mave. Well, I'm willing to help him though. I'm not that selfish.
Nang makuntento, ibinalik ko na sa aking bulsa ang cellphone at nilapitan sila. Bumaling ang kanilang tingin sa akin kasunod noon ang pagtungo ni Mave sa puwesto ko na may ngiti. Napatingin ako kay Jonas. Nagsalubong ang tingin namin. Umiwas ako at tumingin kay Mave. Ginulo ko naman ang buhok niya. Narinig ko naman ang mga yabag ni Jonas na paparating sa puwesto namin. Tumayo ito sa may bandang gilid ko.
"Let's go, son." Wika ni Jonas sa kaniya. Binuhat naman siya ni Jonas.
Napakamot na lang ako sa aking ulo saka nagmadaling kumuha ng sunscreen sa loob ng luggage namin at sumunod sa kanila palabas ng kuwarto. Habang pababa kami, mga ingay na galing sa mga kaibigan ni Jonas ang naririnig ko.
They are watching basketball. Nakita ko rin na panay ang kain nila ng chips.
"Bossing/Jaime." Halos sabay-sabay na sabi nila ng mapansin kami. Pinatay naman ni Felix ang TV saka sila tumayo lahat.
"Mabuti bumaba na kayo, magpapaalam lang sana kami." Saad ni Khalil habang ibinababa ang hawak na pringles sa mesa.
"Aalis na kayo? Dito na lang kayo mananghalian mamaya." Suhestiyon ko pero umiling lang sila.
"Hindi na Jaime. May kailangan pa kasi kaming asikasuhin." Nakangiting sabi ni Sylvester.
Tumango na lang ako. Hindi na ako namilit pa dahil base pa lang sa mga mukha nila ay may kailangan talaga silang asikasuhin. Hindi ko na kailangan pang tanungin ang bagay na iyon.