Someone's POV
"Boss, pasensiya na. Hindi ko siya napigilan."
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kubyertos at binalingin ko ito nang masamang tingin. Pabagsak kong ibinaba ang mga ito sa mesa at pinunasan ang labi ko.
"How come? Hindi ba at sinabi ko na sa'yo na gawin mo ang lahat para hindi niya makita si Jaime?! Paanong nakita niya pa rin ito?!"
"B-Boss, nagpunta siya sa hospital kung saan nandoon rin ang Señorito. Pinigilan ko siya, pero nagawa niya pa ring makatakas sa akin."
"Idiot! Nakita ba niya ang mukha mo?!"
Hindi ko mapigilang mapatayo dahil sa sinabi nito. This stupid freak!
"H-Hindi po, boss." Napatungo ito.
"Siguraduhin mo lang dahil kung hindi, ito ang tatama sa'yo." Itinaas ko ang kamay ko na may hawak na baril.
Nakita ko ang pagguhit nang takot at pangamba sa mukha niya. Tama, matakot ka talaga. I can pull this trigger if he disappoints me.
"O-Opo, boss."
"Now, get out!"
Nagmadali itong umalis. Inilapag ko sa lamesa ang baril at napakuyom ang kamao dahil sa inis. Hindi pa dapat ito ang oras para makita niya si Jaime. Naibato ko ang baso ng wine dahil sa galit.
Ang isa ring 'yon tatanga-tanga nagawa pang harangin ang lalaking 'yon. Siguraduhin niya lang na hindi siya nakilala dahil siguradong masisira lahat ng plano ko.
I'll probably slit his throat if he made a goddamn mistake.
Jonas Gustavade Del Fierro POV
I admit, I hurt him so much. Everything that I said that day was true. I really wanted to get the child and offer him money in exchange. I realized that it was really the dumbest decision that I have made. But that was the best option in my mind to make things right. It's the best option to protect them, especially my child.
Totoo rin na gusto kong mag-settle down kasama si Valerie dahil siya naman talaga ang una kong minahal. We've been together for almost six years, and I don't want to waste that. Besides, I need her. May mga bagay na kailangan kong isakripisyo para sa ikakabuti ng lahat.
Even though I had to sacrifice Jaime and our baby, I sacrificed my happiness.
Naging kami ni Jaime after Valerie broke up with me. It was my mistake to enter into a relationship without being certain about my feelings. Sumakatuwid, panakip-butas lang ang ginawa ko sa kanya.
That is the first thing that I made. Ginawa kong panakip-butas si Jaime para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. At first, everything is going well, but then it becomes real. I have to admit that I fell, but that doesn't seem real, naguguluhan pa rin ako.
Dahil sa nangyari sa amin ni Valerie noon, nagalit ako sa mga babaeng nakikita ko. Iniisip ko na parehas lang silang lahat. And Jaime came into my life. Si Jaime pa lang ang unang lalaking naging karelasyon ko and I know to myself that I am a straight guy, pero para malimutan ko ang sakit na nararamdaman ko hinayaan ko ang sarili no'n.
Then Valerie contacted me again and wanted to fix everything between us. Doon na nagsimulang magbago ang lahat. Nagdesisyon ako ng padalos-dalos at hindi ko man lang inisip ang mararamdaman ni Jaime. Pero bukod sa naunang dahilan ko, may mas mabigat pa akong dahilan kung bakit ginusto kong gawin 'yon kahit alam ko sa sarili ko na siguradong masasaktan ko siya ng sobra.
I wanted to protect my child, and I want him to leave my messed up life. Ayokong maging dahilan ako upang hambambuhay niyang kamuhian ang mga magulang niya. Gusto kong lumayo na siya sa akin. Mamuhay ng payapa at tahimik malayo sa gulong mayroon ang buhay ko.