Jaime Everest Logan POV
"Nakapagpasya ka na ba, anak?" Tanong ni Mama matapos ang mahigit sampung segundong pagtahimik namin after I told them about Jonas' plan. Ikinuweto ko sa kanilang dalawa ni Papa ang pamimilit ni Jonas na tumira na kami sa puder niya. I need opinions para makapagpasya na ako sa maaari kong gawin.
"Nagdadalawang-isip pa po ako, Ma."
Napatingin ako kay Papa ng tumayo ito. Alam kong ayaw niya talaga kay Jonas. Nang malaman nga niya na ipinakilala ko si Mave kay Jonas ay nagalit pa ito sa akin peron kalaunan ay naging maayos ulit kami.
Sa ngayon, hindi ko lang alam kung ano ang naiisip niya, pero batid ko na hindi ito natutuwa sa sinabi ko.
"Kung anuman ang pasya mo, Jaime. Ikaw na ang bahala basta ang akin lang ay maging maayos ang apo ko." Sabi nito at tinalikuran kami ni Mama. Sinundan namin ito ng tingin hanggang sa makalabas siya ng bahay.
Nagkatinginan kami ni Mama. Ngumiti ito na pinapahiwatig niyang ayos lang iyon. Hinawakan nito ang kamay ko. Ngumiti na lang ako kahit nalungkot ako bigla dahil alam kong nagtatampo si Papa sa akin. Sa kanilang dalawa ni Mama, si Papa ang mas naging apektado sa nangyari sa akin noon. Hindi ko naman siya masisisi kung may galit pa rin siya kay Jonas dahil maski ako ay galit pa rin sa kaniya, pero pinapakisamahan ko na lang siya para sa anak namin.
Siguro kung may connection man kami ni Jonas, 'yon ay dahil kay Mave.
"Jaime, hindi ko man napagdaanan ang napagdaanan mo, pero alam ko pa rin ang ganyang pakiramdam. Iyong kailangan mong mamili sa pagitan ng dalawang desisyon na parehong matimbang sa'yo. Para sa kasiyahan ng anak mo o para sa ikakabuti niya? Dalawang pagpipilian na mahirap pagpilian." Makahulugang sabi niya.
Napaisip ako. Kasiyahan ng anak ko ang makasama si Jonas sa iisang bahay, pero ikakabuti niya rin na mailayo kay Jonas para hindi mag-krus ang landas nila ni Valerie. Imposibleng hindi magkita silang dalawa dahil may koneksiyon ito sa ama niya at ayokong dumating 'yung point na masaktan siya dahil dito.
He's out of this problem, and as long as I can keep this matter between me and Jonas, I'll keep it. Hindi kailangang madamay ang anak namin sa kung ano mang gulo na mayroon kami.
But how long can I keep it from him when he's part of this family? Mabigat akong napabuntong-hininga.
"Bilang ina, kung papipiliin ako, mas pipiliin ko ang kasiyahan ng anak ko. Katulad mo, mas pinipili ko lagi ang ikakasiya mo dahil kung pipiliin ko ang ikakabuti para sa'yo, hindi ka magiging masaya. Ngunit, sinasabi ko lang 'yon dahil iyon ang sarili kong opinyon. Ikaw pa rin ang masusunod."
Napatingin ako kay Mave na nakikipaglaro kay Aki. Isa itong Alaskan Malamute na bigay ni Jonas sa akin. Tss. Kahit saan n alang ako magpunta lagi na lang may mga bagay na nagpapaalala sa akin sa lalaking 'yon.
Napatingin ako kay Mama nang hawakan niya ulit ang aking kamay. "Pero anak, kung sakaling pipiliin mo ang kanyang kasiyahan, lagi mo ring iisipin kung ito ba ay nakakabuti sa kanya o hindi. Bilang isang magulang, laging mong isaisip ang magiging epekto nito sa kanya."
Napanguso na lang ako sa sinabi ni Mama. "Ma, mas naguluhan tuloy ako." Reklamo ko kaya natawa siya at hinaplos ang ulo ko. Natawa na lang rin ako.
"Pero anak, mas maiging magdasal ka muna bago ka mag-desisyon."
Napatango naman ako. Tama nga naman si Mama. Nakangiti kong pinagmasdan si Mave ng makita kong tawa ito ng tawa habang nakikipaghabulan kay Aki. Bahala na kung ano ang magiging desisyon ko. Ang importante ay hindi mawalay sa akin ang anak ko.