Kaagad namang binuhat ni Jonas si Mave at tinungo ang medyo may kalaliman ng dagat. Wala akong naririnig kung hindi ang galak at tuwa sa boses ni Mave habang karga-karga siya ni Jonas. Ibang saya ang namumutawi sa mga labi ni Maverick, ibang-iba sa tuwing ako lang ang nakakasama niya o si Lerwick. It is more accurate to say that he looks complete with his real daddy.
Napangiti ako at napabuntong-hininga upang pigilan ang luha na kumawala sa mga mata ko. Tumungo ako sa pinakamalapit na niyog at umupo saka sumandal. Pinagmasdan ko silang dalawa.
Maybe I chose the right decision.
Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan sila ng litrato at mga videos. I'm always capturing every moment in Maverick life. Hindi ako nagpalyang gawin iyon because I believe that memories will never fade away, we should cherish every memory in our lives, even if they are bad or not. Those memories will help us become better people in some ways. Dito rin natin makikita kung ano-ano ang masasayang napagdaanan natin na nangyari sa ating mga buhay at mga alaalang nagbigay sa atin ng aral.
Nahagip naman ng mata ko ang cellphone ni Jonas. You know what is funny? I never touched his phone when we were still together. Ni ipahiram niya ito sa akin ay hindi niya ginawa. He always guards his privacy. Nakakapagtaka nga at ipinahawak niya ito sa akin as if he is confident that I won't sneak into his phone.
Well, wala naman talaga akong balak pakialaman ang cellphone niya except when it started to vibrate. A text message appeared on the screen. Napatitig ako sa screen at unang kita ko pa lang sa mensahe, tumaas kaagad ang kilay ko.
Valerie:
Don't forget our date later, Hon.
Hon. Kulang na lang ay umikot ang mata ko ng 360°
So they are still in a relationship. Good for them. Ayoko sanang buksan ang mensahe pero dahil napindot ko na, binasa ko na lang. Napakunot noo pa ako ng wala man lang itong password. Akala ko ba ay napakahalaga sa kaniya ang kaniyang privacy? Napatigin pa ako kay Jonas na busy pa ring makipaglaro kay Mave.
Ibinalik ko ang tingin sa messages at nag-scroll. Wala akong ibang nakikita kung hindi puro sweet mesaages nilang dalawa. Wow, ang sweet. Sa sobrang ka-sweetan nga nakakasuya na. Scroll lang ako ng scroll hanggang sa mapatigil ako nang makita ko ang pangalan ko.
Matagal na ang mensaheng ito.
Valerie:
Will you stop chasing Jaime? He already left you. It's obvious that he doesn't love you, and besides, you told me that you love me. Stop wasting your time on them, Jonas.
Pambihira talaga ang babaeng 'to. Bukod sa selfish ay manipulator rin. Tsk. Pero hindi talaga iyon ang nakakuha ng atensyon ko. It is about the fact that he really wants to find us. Mabuti na lang at hindi niya kami kaagad nahanap noon dahil kung nagkita kami that time na hindi pa naghihilom ang sugat sa puso ko, malamang maapektuhan ako ng sobra.
I stopped reading the messages. Ibinalik ko na ito sa home. I was trying to delete the evidence of me sneaking into his inbox when I saw the gallery in the history. It was a photo of Mave and me. Napakunot noo ako nang makita kong halos lahat ay stolen shots. I scrolled through his gallery. These photos were taken recently. Noong mga panahon na nakikipagkita pa siya sa amin ni Maverick para mamasyal. The last one was taken earlier kung saan magkasama kami kanina sa dagat. So all this time pasikreto na niya kaming kinukuhaan ng litrato?
Napatigil ako sa isang litrato. It was a moment when we accidentally kissed each other at the zoo. Wagas ang ngiti ni Zian habang nakamuwestra pa ang mga kamay na pumapalakpak. Nagsimula na namang tumibok ng malakas ang puso ko at mukhang nagkakagulo na naman ang mga bubuyog sa tiyan ko.