I was checking the email that Easter sent to me yesterday. It is about Everlasting and its newly developed product. Actually, I know about this product, pero nakaalis na kami ng simulan ito.
Kailangan kong i-check itong maigi, ayoko namang masayang ang perang pinuhunan ko at pati ng ibang investors ko sa produktong ito kung hindi ito papatok sa masa. Kailangan lang ng approval galing sa akin para mailabas na ito sa market.
Napatingin ako sa wall clock, pasado alas dose na pero eto at gising pa rin ako. Bukod kasi sa bagay na ito ay binabagabag rin ako ng pabor na hinihingi sa akin ni Jonas.
'When are we moving to Daddy's house, Papa?'
Bumalik sa ala-ala ko ang tanong ni Mave noong saktong pag-uwi ni Jonas. Wala akong naisagot sa kanya at tanging soon na lang ang isinagot ko kahit wala naman talaga akong balak. Ang kaso nga lang ayokong paasahin ang anak ko at ayoko ring magtampo siya sa akin dahil nag-promise ako.
Binalingan ko ng tingin si Mave na mahimbing na natutulog. Siguro ay kakausapin ko muna sina Mama at Papa at pati na rin si Lovely bukas. And speaking of him. Hindi pala nakauwi si Lovely kanina. Saan kaya nagpunta ang lalaking 'yon?
Lovely Salvador POV
I bit my lower lip to prevent myself from crying, but no matter how much I tried, I still couldn't help it. Kapag sumasagi sa isipan ko ang mga problema ko, hindi ko na mapigilan.
I was stuck in between. Naiipit ako sa dalawang bagay na napaka-importante sa akin. I'll choose between the freedom of my parents and Jaime and Mave. I really have to decide. If I choose my parents' freedom, Jaime and Mave will be in danger, but if I choose Jaime and Mave, my parents will disappear.
I wanted to ask for help from the authorities, but Diego blackmailed me. Papatayin niya ang mga magulang ko. Akala ko ang hinihingi lang nito sa akin ay lahat ng information about Everlasting na naka-saved sa flashdrive ko which I gave to him personally last time, pero nagkamali ako dahil ang mas puntirya nito ay ang kaibigan ko at ang anak niya.
Napadukdok ako sa bar counter at napaiyak. Hindi ko rin puwedeng hingin ang tulong ni Kuya dahil ayokong madagdagan pa ang iisipin niya. Ayokong madamay siya sa bagay na ito. Wala rin siyang kaalam-alam na hawak ni Diego ang magulang namin.
At first akala namin talaga nasa Singapore sila at inaasikaso ang business namin doon. Akala namin ay ayos lang sila dahil sa mga messages na natatanggap namin, pero nagkamali kami ng akala dahil si Diego pala ang nagpapadala lahat no'n.
"Hey, are you okay?"
Napatunghay ako sa taong kumalabit sa akin. Hindi ko ito kilala at hindi ko rin masyadong maaninag ang mukha niya. Medyo may tama na rin kasi ako ng alak. I wipe my tears away, hoping that I can see his face clearly.
"Y-Yes?" Patanong kong sagot sa kanya. Umupo ito sa tabi ko.
I stared at him. Singkit na mata, matangos na ilong, kulay abong buhok na medyo natatabunan ang kanang mata niya, perpektong jawline na mas nade-define kapag ngumingiti siya at mapupulang labi na ni minsan ay hindi man lang nakalimutang lagyan ng lip gloss. Umiwas ako ng tingin. Edi siya na ang perfect.
"Pasensiya na, ayoko namang mang-usisa, pero mukhang mabigat ang problema mo. Ayos ka lang ba?" Tanong niyang muli sa akin. "I'm Lucas by the way. Here take this." Napatingin ako sa panyo na inilahad niya sa akin.
Kinuha ko ito mula sa kamay niya at pinunasan ang aking pisngi pati na rin ang ilong ko na may sipon. Napansin ko pa ang pagngiwi nito ng suminga ako. Eh sa hindi ako makahinga. I diverted my eyes somewhere else because of shame.
BINABASA MO ANG
Hiding Series 1: Hiding The Billionaire's Son
Storie d'amoreM-PREG Jaime Everest Logan