Lucas Dominic POV
Putángina! Kaagad akong napadapa at napagulong nang paulanan ako ng bala ng tatlong natitirang tauhan ni Harold. Akala ko ay sampu lang ang nakatoka sa akin! Hindi ko inakalang aabot pala sila ng dalawampu!
Kaagad akong nagtago sa isang puno. Magpapahinga na muna ako saglit. Nakakahingal rin ang makipagbakbakan sa kanila. Binuksan ko ang cellphone ko kung saan konektado sa mga CCTV ng bahay ng Salvador pati na rin ang ilang ikinabit ko kanina. Napamura na lang ako nang makitang sira ang nasa South. Sinong hinayupak ang sumira no'n?! Bwisit!
"Lucas, Saint's location?"
"T-Teka lang, bossi—shít!"
Kaagad akong napayuko ng barilin na naman nila ang pinagtataguan ko. Mabilis kong inilabas ang revolver at mabilis na binaril iyong tatlong mga gágo. Sinabing nagpapahinga pa ako eh! Nang bumulagta ang mga ito, umupo ako sa damuhan at hinanap ang kinaroroonan ni Saint.
"Fúck! Nasa veranda kung saan ang kwarto nina Jaime at Mave, boss!" Saad ko at napatayo rin nang makitang may isang tauhan ni Harold ang pumasok sa loob ng kwarto ni Lovely.
Dumaan ito sa bintana ng kwarto niya. Kung tinatanong ninyo kung paano ko nalaman. I have full access to their CCTV kahit saang bahagi ng bahay iyon. Tatakbo na sana ako papunta doon nang matigilan ako. Teka, bakit ba ako nag-aalala? Eh ano nama—Aish! Kaagad na akong tumakbo para patayin ang háyop na iyon.
"Shít!" Napatalon ako nang may bala ng baril na tumama mismo sa gilid ko. Napatingin ako sa direksyon ni Marvin nang marinig ko ang tawa nito.
"Saan ka pupunta, Lucas? Nagmamadali ka yata?"
"Fúck you! Tae ka ng tatay mo! Wala ka na doon." Asar kong saad at binaril ang isang lalaking nakasalubong ko.
"Pupuntahan mo 'yong Lovely mo?" Tatawa-tawang saad nito. Kung pwede lang siya ang patamaan ko ng bala, ginawa ko na.
"Shut the fúck up, Marvin. Ayusin mo na lang ang trabaho mo kung ayaw mong mawala sa'yo iyong Lambo."
Narinig ko lang ang tawa nito hanggang sa nakita kong natumba ang isang kalaban na babarilin sana ako. Tsk.
"Paano ba 'yan, niligtas kita. Dagdag points 'yon. Plus 10 for a total of 33."
"Mama mo plus ten!" Iritang saad ko at inakyat ang isang palm tree na konektado sa kwarto ni Lovely.
Hindi na ito nagsalita pa at tumawa lang ang gágo. Nang tuluyan akong makaakyat, ginamit ko ito upang makatawid papunta sa isang maliit na terrace na konektado sa kwarto ni Lovely. Kaagad akong nagtago at inilabas ang cellphone ko upang i-check ang footage sa kwarto niya. Napakunot ang noo ko nang makitang nakapatong ito sa kanya at pilit na hinahalikan ito. Tángina! Kaagad kong binaril ang sliding door at pumasok sa loob.
Walang pag-aalinlangan ko itong nilapitan, hinila, at sinipa dahilan para mapa-upo ito sa sahig.
"Putángina mong gágo ka!"
Third Person POV
Hawak ang isang semi-automatic gun, walang pag-aalinlangan tinungo ni Jonas ang silid kung saan sina Jaime at ang anak nito. The door was locked, but it didn't stop him from going inside the room. He used lock picks to break into the room. A hard metal object was swung in his direction: a baseball bat, to be exact. He immediately bent down to avoid it. Thanks to his reflexes and sharp senses, he easily dodged it. He recognizes who it is based on his voice and scent. Alam nitong si Jaime ang may gawa no'n. The room was dim, which was the reason Jaime didn't recognize the person with whom he was dealing.