Third Person POV
Mabilis pa sa alas kwatro nagbihis muli si Jonas ng panibagong damit. Hindi ito mapakali habang pinagmamasdan ang sarili niya sa salamin. Makailang ulit itong nagpalit ng damit at titingnan muli ang kabuuan sa salamin. Daig pa nito ang may kakatagpuang kasintahan dahil sa pagkabalisa at pagpapalit-palit ng susuotin. Napaupo ito sa kama at pinagmasdan ang orasan sa relong nasa palapulsuhan niya.
Isang oras pa bago ang pagkikita nila ng anak niya at hindi na ito makapaghintay. Kung puwede lang na pabilisin niya ang orasan ay ginawa na niya. Tumayo ito at tumingin muli sa relong nasa palapulsuhan niya bago pabalik-balik na naglakad sa loob ng kuwarto niya. Samu't-saring tanong ang pumasok sa isipan niya. Pinasadahan niya ng kamay ang buhok nito saka tiningnan muli ang sarili sa salamin.
"Will my son love this clothing?" He asks himself while fixing his collar. Napabuntong-hininga ito.
"What should I say to him later?" Tanong nitong muli sa kaniyang sarili.
"Damn! I don't know what to do." Reklamo nitong muli at lumapit sa bintana upang lumanghap ng sariwang hangin.
Pinasadahan niya ng daliri ang medyo magulo nitong buhok pababa hanggang sa batok nito at hindi niya mapigilang mapangiti. Isang ngiti na umaabot sa kaniyang mga mata. Ito ang unang beses na napangiti siya ng malaki. Bukod sa nais niya makita ang kanyang anak, nananabik rin siya na makita ang naging ina at ama ng kanyang anak sa hindi malamang dahilan.
"Why would I think of him? Am I crazy?" Kausap nito sa sarili at ipiniling na lamang ang kanyang ulo upang mawala ang isiping iyon.
Nakarinig siya ng katok mula sa pinto at kasunod nito ay ang boses na kilala niya.
"Babe? Are you there?"
Nawala ang ngiti sa mukha nito at kaagad tumungo sa pinto upang pagbuksan si Valerie. Kaagad na pumasok si Valerie sa loob at ipinulupot ang kamay sa leeg niya.
"Babe, ilang araw ka ng hindi nagpapakita sa akin. I missed you." Bulong nito sa mapang-akit na tinig at masuyong hinalikan ang labi niya. Hinayaan niya lang ito hanggang siya na mismo ang bumitaw sa halik.
"I'm sorry, I have stayed at my office. I have been really busy for the past five days."
He lied. Mas inilapit naman ni Valerie ang sarili niya kay Jonas at kinagat nito ang ibabang labi niya. Jonas knows what she's doing. Napalunok ito. Valerie looks hot in what she's wearing, a fitted sleeveless dress, showing off her curves. Masyado rin itong maikli kaya kitang-kita ang maputi at makinis nitong hita. Hinawakan naman ni Jonas ang kamay ni Valerie at marahang inalis sa leeg niya. Napakunot noo naman si Valerie dahil sa ginawa nito sa kanya.
"Valerie, maybe we should talk later after I come back. May kailangan akong puntahan ngayon." Seryoso nitong sabi saka napatingin sa wrist watch niya.
Inis namang napaupo si Valerie sa kama at napahalukipkip. Nalukot ang mukha nito na kanina lang ay masaya pa.
"Pupuntahan? Is that really important at kaya mong unahin 'yan kaysa sa akin na girlfriend mo?" Nagtatampo nitong tanong sa kanya.
Jonas heaved a deep sigh. "Nakasalalay dito ang kompanya ko, Valerie. Whether I like it or not, kailangan ko pa ring puntahan 'yon." Sagot nito at pinipigilan nitong magtaas ng boses.
He lied again.
Tumayo naman si Valerie sinalubong ang tingin ni Jonas.
"Is that really about the company or something else?" Nakataas ang kilay nitong tanong. May mapanuring mata ito na nakatitig sa mga mata niya.