Jaime Everest Logan POV
Pababa ako ng hagdan nang makita ko si Lovely sa sala ng bahay. Panay ang tunog ng cellphone nito at panay rin ang reply niya. Tila balisa ito na nakatingin roon. Hindi ako nito napansin na nakatayo na pala ako sa likuran niya. Tumunog ang cellphone niya hula ko ay tawag ito, ngunit tinitigan niya lamang ito.
"Lovely?" Pagtawag pansin ko sa kanya. Napansin ko ang sobrang pagkagulat nito na halos mabitawan na niya ang cellphone niya. Kaagad niyang inilagay sa bulsa ng pantalon niya ang kaniyang cellphone bago ako harapin.
Napansin ko na medyo namumugto ang mata nito at hindi talaga siya okay. "Ayos ka lang?" Masuyong tanong ko. Isang ngiti ang ibinigay niya sa akin, pero halatang iniiwasan niya ang paningin ko. Hinawakan ko siya sa braso.
"Sigurado ka? Ilang araw na kitang hindi napapansin dito sa bahay. May problema ka ba?"
Marahan niyang inalis ang kamay ko sa kaniyang braso. Umiling ito. "Wala naman, Jaime. Medyo stress lang talaga ako sa work ngayon. Pasensiya na kung hindi na kita nakakausap lately." He explained, but there's really something about him. I know that he's lying. Mas pinili ko na lamang na huwag nang magtanong pa at ngumiti na lang.
"Okay. Basta nandito lang ako kung may problema ka, Love." Seryosong sabi ko at binitawan na ang braso niya. Tumango ito at ngumiti.
"S-Salamat, Jaime."
"Ano ka ba. Ako nga ang dapat magpasalamat sa'yo dahil ikaw ang tumulong sa akin no'ng panahon na kailangang-kailangan ko. Kaya nandito lang ako kapag kailangan mo rin nang tulong."
Napansin ko ang panunubig ng mata niya, pero kaagad niyang iniwas sa akin ang paningin niya at saka siya napabuntong-hininga. Medyo nabigla pa ako ng yakapin ako nito. Tinapik ko naman ang likuran niya. Alam kong may mabigat siyang problema, pero hindi niya lang sa akin sinasabi.
"Sige, Jaime. Alis muna ako ha? May kailangan lang akong puntahan." Sabi niya pagkatapos niyang kumalas sa yakap.
"Sige. Ingat ka, Love." Nakangiting saad ko. Tanging tango lang ang isinagot niya sa akin bago siya lumabas ng bahay.
Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Saktong pagtingin ko sa hagdan, nakita ko si Lerwick na bihis na bihis rin. Napakunot noo ako.
"May lakad ka?" Tanong ko. Tumango siya at inayos ang cuffs ng business coat niya.
"Oo. May kikitain lang akong supplier."
Napatango-tango naman ako sa sinabi niya. "Sige, ingat ka."
Nang makaalis ito ay isinara ko ang main door at napabuntong-hininga. Habang hinihintay ko si Mave na magising, naglinis muna ako ng bahay at nagluto na rin. Nang matapos, narinig ko ang maliliit nitong yabag na pababa ng hagdan. Bitbit ang cookies at gatas ay lumabas ako ng kusina. Nakita ko itong kusot-kusot ang kaniyang mata habang pababa ng hagdan na medyo magulo pa ang buhok.
Habang lumalaki si Mave mas nagiging kahawig niya si Jonas. Ibinaba ko sa center table ang gatas at cookies at saka nilapitan siya at binuhat. Sumagi naman sa isipan kong malapit na ang birthday niya.
This February 23 na 'yon. Hindi ko alam kung saan kami magce-celebrate dahil hindi ako makapagpasya kung babalik ba kami sa Spain o dito na lang muna.
"How's your sleep, 'nak?"
"Good, Papa. Are we going to see Daddy today?"
Ibinaba ko siya sa sofa at saka inayos ang kaniyang buhok. Every time he woke up, lagi na lang niya hinahanap si Jonas.
"I don't know, 'nak. I think Daddy is busy today." Sagot ko na lang at iniusog ang cookies palapit sa kanya. Kumuha ito ng isa at kumagat.
"But I wanted to see Daddy, Papa. Can we see him?" Napanguso pa ito at pinagdaop ang kaniyang palad pagkatapos ay nag-puppy eyes pa ito.
Napakamot na lang ako sa kilay ko. Wala na talaga akong takas sa taong 'yon. Wala bang araw na hindi ko siya makikita? Wala akong choice kung hindi i-dial ang number njya. Makailang dial na ako pero walang sumasagot. Tsk. Ano namang pinagkakaabalahan no'n? Inis kong tiningnan ang screen ng phone ko. Huwag niyang sabihin sa akin na inuna pa niyang inatupag 'yung Valerie niya? Bwisịt na 'yon.
"Is he not picking, Papa?" Malungkot na tanong sa akin ni Mave. Ibinaba ko ang cellphone ko.
"Sorry, 'nak. I think busy talaga si Daddy."
Tumango na lang siya at napayuko saka hindi na umimik pa. Malungkot ko na lang siyang pinagmasdan. Nasasaktan ako para sa kanya. Masyado siyang naiipit sa sitwasiyong ito. Nasasaktan ako dahil mas apektado si Mave sa aming dalawa ni Jonas. Binuksan ko na lang ang TV at nanood ng balita.
"Breaking News: Dalawang yate na pagmamay-ari ni Diego Santos ang sumabog kagabi nang alas dose ng hating-gabi. Nagkakahalaga ang mga ito ng mahigit sa sampung milyong piso bawat isa. Tinitingnan pa ng mga otoridad kung ito ba ay sinadyang mangyari. Sa ngayon ay makakapanayam natin si Mr. Santos."
Napatutok ako sa screen ng telebisyon dahil sa balita. Napalunok ako nang makilala kung sino ito. He is Diego. My ex-boyfriend. Nang ipakita ang mukha nito sa screen ay mas napatitig ako roon. Gano'n pa rin, wala pa rin namang pinagbago. Nabubwisịt pa rin ako sa pagmumukha niya.
Diego is my ex-boyfriend before Jonas came to my life. Mabait naman si Diego noong naging kami. Kaya lang nagbago ang pag-uugali niya simula no'ng dumating na kami ng mahigit dalawang taon na magkarelasyon. Mas lumabas ang tunay niyang ugali. Masyadong seloso at lagi akong pinipilit na makipagtalik sa kanya na mabuti naman at hindi nangyari, idagdag pang minsan niya akong sinaktan dahil sa sobrang selos niya. No'ng una, pinalagpas ko pa pero no'ng umulit na naman siya, I decided to break up with him. Mahal ko siya noon, pero hindi naman ako gano'n katánga sa pag-ibig.
Pinatay ko na lamang ang telebisyon dahil naasiwa ako sa pagmumukha niya. Akala mo isang santo pero sa loob rin ang kulo. Narinig ko namang may nag-doorbell kaya iniwan ko muna si Mave at tinungo ang main door. Lumabas ako ng bahay at nakita kong may tao sa labas ng gate.
Nang tuluyan akong makalapit, nabigla pa ako nang makita ang isang taong hindi ko inaasahang bubungad sa akin ngayon.
"Jonas?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Pinasadahan ko ito ng tingin at nakita kong wala sa ayos ang necktie nito, gulong-gulo rin ang buhok niya at nakikita ko ang eyebags nito sa likod ng suot niyang eyeglasses.
Okay, walang halong biro. Ang guwapo niya pa rin sa itsura niyang ito kahit pa mukhang pinagsamantalahan siya ng limang bakla diyan sa kanto. Ngunit hindi lang 'yon ang ikinakataka ko.
"Paano mo nalaman ang bahay na 'to, Jonas?"
"I have my ways, Eve." Matamlay nitong sagot. "I'm sorry if I didn't answer your call earlier. May meeting pa akong tinapos." Seryosong paliwanag nito.
"Meeting? Maniwala baka Valerie kamo." Bulong ko. Kaagad na kumunot ang noo nito.
"What?! Are you saying anything?" Masungit niyang tanong. Mukhang wala sa tulog ang kumág na 'to ngayon. Plastic akong ngumiti sa kanya kahit gustong-gusto ko na siyang ipagtabuyan. Mahirap na baka marinig ni Mave.
"Wala. Ang sabi ko anong ginagawa mo dito at kaaga-aga ay nambubulabog ka na agad?" Walang ganang tanong ko sa kanya.
"I just want to check on both of you. Okay lang ba kayo?" Seryosong tanong nito kaya ako naman ang nagtaka.
Nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata nito. Hindi ko mawari kung bakit niya 'yon natanong sa akin. Umiwas ito ng tingin at napabuntong-hininga siya.
"Okay naman kami. Bakit mo naman natanong?"
"N-Nothing. Can I see Mave?" Pakiusap nito. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango na lang at pinagbuksan siya ng gate.
Nang makapasok ito sa loob, isinara ko ang gate at pinagmasdan siya na naglalakad patungo sa main door ng bahay. Mas nagtaka ako nang makitang hindi maayos ang paglalakad niya. Weird.