Chapter 36

148 9 0
                                    

Jaime Everest Logan POV



Waiting hurts. Forgetting hurts. But not knowing what decision to take can sometimes be the most painful. Whatever choices that I consider this time still have consequences. Before, hindi naman mahirap para sa akin ang mamili sa kanilang dalawa. I would always go for Lerwick but today, nahihirapan ako.

Kung puwede lang, hindi na ako mamili, ginawa ko na, pero hindi puwede, kailangan ko pa ring mamili.

For the past weeks, pinatunayan naman ni Jonas ang magandang hangarin niya sa amin. Siguro ay sapat na ang rason upang suklian ko rin ito ng kabutihan. I'll set aside everything at ang iisipin ko muna sa ngayon ay ang kaligtasan niya. Iyon naman ang importante.

I heave a deep sigh. Nakokonsensiya talaga ako sa ginawa ko sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung anong meron sa sarili ko at naiinis ako kapag nakikita ko siya. I questioned everything that he does. I don't have any hatred towards him, but rather... annoyance, resentment, sulking?

Hindi ko alam. Gano'n lang naman ang nararamdaman ko that time noong umalis siya at akala ko...okay. This is weird. My thoughts are getting weirder and weirder.

Ipiniling ko ang ulo ko. Kaya lang siguro laging kinokontra ng isipan ko ang bawat bagay na sinasabi niya sa akin at ang mga bagay na ginagawa niya para sa amin ng anak niya dahil takot akong magtiwala sa kaniya. Gano'n lang 'yon.

Napatingin ako kay Jonas na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Although he suffered from Hypovolemic shock, the doctor said that he's stable now. Mabuti na lang at nadala siya dito kaagad bago pa man mas lumala ang kalagayan niya. Sa ngayon, hinihintay na lang namin siya na magising. Halos apat na oras na ang lumipas matapos namin siyang dalhin dito sa ospital.

Nakaupo ako sa nag-iisang upuan na nasa tabi ng kanyang hospital bed habang kandong-kandong ko si Mave. Katulad ng pakiusap ni Khalil, mas pinili ko munang manatili sa tabi ni Jonas. Mas pinili kong manatili sa kanyang tabi kahit pa nag-aalala rin ako kay Lovely, pati na rin sa mga magulang niya, at siyempre kay Lerwick. Tinawagan ko na rin naman si Lerwick kanina at pinaliwanag ko sa kaniya ang nangyari. Pili lang naman ang sinabi ko, nag-alibi na lang ako na na-aksidente si Jonas. Sinabi ko rin sa kaniya na dadaanan ko siya bago ako umuwi sa bahay para kumuha ng ilang mga gamit namin ni Mave. Natuwa naman ako at naintindihan niya iyon kaya kahit papaano ay nawala ang bigat sa dibdib ko.

"Papa, why is Daddy still sleeping?"

"It's the side effect of his medicine, 'nak. Maybe later he will wake up." Nakangiting sagot ko at inayos ang kaniyang buhok.

Nahihirapan rin akong ipaliwanag sa anak ko ang totoong nangayari kung bakit nandito si Jonas. I don't want to lie to him. Kailangan rin sa mga anak natin na sinasabi natin ang katotohanan pero dapat maintindihan nila ito nang mabuti. At first, he cried. He kept saying that he doesn't want to lose his Dad. Para sa akin bilang isang magulang, nasaktan ako nang makita na gano'n na lang ang takot ni Mave na mawala si Jonas. Napagtanto ko kung gaano kahalaga at kamahal ni Mave si Jonas.

Pinagmasdan ko si Jonas. He's peacefully sleeping. Dumako ang mata ko sa kamay niya. May iilang galos rin pala ang kamay nito. Kumirot naman ang puso ko, ni hindi ko man lang talaga ito napansin. Itinaas ko ang kamay ko upang hawakan ito pero naiwan rin ito sa ere. Naikuyom ko na lang ang kamay ko, hindi ko na itinuloy ang balak ko at ibinalik na lang ang tingin sa kaniyang mukha.

"Gumising ka na, Jonas. Gusto pa kitang makausap." Mahinang saad ko sapat na upang marinig niya. Marami kaming dapat pag-usapan.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto kaya napabaling ako roon. Nakita ko si Khalil na may bitbit na paper bag. Kaagad bumaba sa kandungan ko si Mave at tumakbo papunta sa kaniya. Nakangiti niyang hinawakan sa ulo si Mave.

"Mag-lunch muna kayo, Jaime."

Tumango naman ako. Malapit na rin kasi mag-alas dose. Isinara nito ang pinto at lumapit siya sa sofa saka umupo roon. Kaagad umakyat si Mave at umupo sa kaniyang tabi. Tumayo ako at tumungo sa kanila saka umupo sa katapat nilang upuan.

"Ayos ka lang ba?"

"Medyo nabigla lang talaga ako sa nangyari, pero sa ngayon ayos na ako." Nakangiting sagot ko.

"Salamat nga pala." Nakangiti niyang sabi at inusog ang pagkain sa harapan ko na tinanggap ko naman.

"Salamat sa?"

"Sa pananatili sa tabi ni Jonas." Sinserong saad niya.

Hindi naman kaagad ako nakasagot. "Maraming salamat at hindi mo siya iniwan." Dagdag niya pa.

"Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin. Ginagawa ko lang ito para sa lahat ng ginagawa niya para sa amin ni Mave. I'm just returning the favor."

Hindi naman ako nakatanggap ng sagot mula sa kaniya. Nilagyan ko ng pagkain ang plato ni Mave.

"I don't want to bring up the past anymore, pero alam ko naman ang nangyari sa inyo noon and I'm sure nahihirapan ka pa rin na magtiwala sa kaniya." Sunod nitong sabi dahilan para mapatingin ulit ako sa kaniya.

"Pero pwede ba akong humingi ng pabor sa'yo, Jaime?" Dagdag niya.

Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. "Anong pabor?"

"I'm not asking you to forgive him for everything, pero pwede bang bigyan mo siya ulit ng isa pang pagkakataon? Maaari bang pagkatiwalaan mo siya ulit?"

Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Umayos siya ng upo saka sumandal sa sofa. Nagtatalo ang isipan at puso ko sa kaniyang pabor kaya hindi kaagad ako nakapagsalita. Inilihis ko ang aking tingin sa malayo, tinatantiya ang magiging sagot ko sa kaniyang katanungan.

"Khalil kasi...."

"Alam kong mahirap sagutin kaya hindi na kita pipilitin. I'm not in the right place para hilingin iyon sa'yo, but I'm just hoping that you'll realize the sacrifices that he had done for you and for Maverick. I hope mapatawad mo siya." Nakangiti at mahinahon nitong sabi.

"I'll—"

We heard a soft groan. Kaagad kaming napabaling ng tingin sa kung saan si Jonas. Kaagad kaming napatingin sa kung saan si Jonas. Kaagad na tumayo si Khalil. Unti-unti ko namang naramdaman ang malakas na tibok ng puso ko. Hindi ko maikakaila ang tuwa na nararamdaman ko ngayon sa puso ko.

"Daddy!" Masiglang wika ni Mave at kaagad na bumaba sa upuan. Batid ko ang saya sa mukha niya. Patakbo itong tumungo sa kama ni Jonas.

"Jonas, kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Khalil sa kaniya ng idilat nito ang mga mata. Nanatili lang akong nakaupo dahil pakiramdam ko napako na ako sa kinauupuan ko.

Inilibot niya ang kaniyang mata sa buong paligid hanggang sa tumigil ito mismo sa akin kaya nahigit ko ang hininga ko. Halos limang segundo rin ang tumagal ang titig nito sa akin saka ko nakita ang tipid na ngiti sa labi niya. At mas lalong nagwala ang puso ko. Parang gusto na nitong lumabas sa rib cage ko. Bwisît, bakit ba ako kinakabahan?

"Papa! Daddy is awake! Come here!" Tawag ng anak ko sa akin at hinila ang kamay ko para tumayo. Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kaniya.

Tumigil kami sa mismong tabi ng kama niya. Iniwas ko ang tingin ko at tumingin na lang sa water dispenser na nandito. Eh kinakabahan nga kasi ako at siyempre meron ring slight na hiya at guilt. Aminado naman kasi talaga ako na mali ang ginawa kong pagbibintang sa kaniya. Malay ko ba na hindi talaga siya pupunta kay Valerie. Tsk.

"Jaime, dito muna kayo, tatawag lang ako ng doctor." Paalam ni Khalil at kaagad nilisan ang silid.

Pagkaalis niya, tumahimik ang buong silid. Hindi ko na nagawa pang makatingin sa kaniya. Kinakausap siya ni Mave at nakatayo lang ako dito na parang rebolto sa tabi ng kama niya habang nanatili pa rin sa water dispenser ang paningin. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang mainit at malambot na kamay na humawak sa kamay ko. At kahit pa pumikit ako at hindi tingnan kung kanino iyon, kilalang-kilala ko pa rin. Nakagat ko ang dila ko. Naghaharumintado kasi ang puso ko. Bwisît! Mukhang malala na ata ako.

"Eve."

Hiding Series 1: Hiding The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon