It's already 12:15 AM, but I can't sleep! Kanina pa ako nakatulala lang sa ceiling. Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at napabuntong-hininga. Hindi ako pinapatulog ng mga sinabi ni Lerwick sa akin. Tiningnan ko si Mave na mahimbing ang tulog. Inayos ko ang kumot niya. I stared at him for a while.
If I give Lerwick a chance, will Mave be happy?
Sigurado naman akong magiging mabuting ama si Lerwick kanya, pero hindi ko alam kung papayag ba si Mave na maging daddy si Lerwick. Napabuntong-hininga ako. I kissed his forehead and stood up. Lumabas ako sa veranda. I leaned on the railings and looked above the starry sky.
Maliwanag ang paligid dahil sa buwan. Napatitig ako ng matagal sa buwan. Whenever I look at the moon, I feel like I am not alone. Pakiramdam ko may kasabay akong nakatingin sa buwan ngayon. Someone who probably can't fall asleep tonight either. Nakakagaan rin sa pakiramdam kapag nakatingin lang ako sa buwan, saglit na nawawala ang kung ano mang bumabagabag sa isipan ko. Napaayos ako ng tayo at napatingin na lang sa daan na kitang-kita mula rito.
I saw a silhouette of a man standing tall under the lamppost, but I can't clearly identify whether it is just a shadow or a real human because it is far from where I am. May kaunting lilim rin ng puno na humaharang kaya hindi ko halos maaninag. Napakurap ako at nawala ito bigla. Ipiniling ko na lang ang ulo ko dahil baka guni-guni ko lang 'yon. Bumalik na lang ako sa loob at napagdesisyonan kong mahiga.
I hope I can sleep now.
The next morning, I was bombarded by a loud noise coming from Lovely. I covered my face with a pillow, but it didn't help at all. Niyugyog pa nito ang balikat ko na halos makalas na.
"Oh my! Báklaa! Gumising ka na diyan. We need to talk!"
I cover my whole body with a blanket. Ayoko siyang makausap. Inaantok pa ako. Hindi naman ito nagpatinag. Naramdaman ko na lang na hinihila nito ang dalawang paa ko. Kaagad akong napabalikwas at kunot-noo ko siyang tiningnan.
"Ano ba?! Inaantok pa ako, Love." Reklamo ko. I tried to kick him, but it's useless because he still holds onto my feet. I threw a pillow at him, but he dodged it.
"Hindi kita bibitawan hangga't hindi ka bumabangon diyan."
Tuloy lang siya sa paghila sa akin kaya nataranta ako. Malapit na kasi akong mahulog sa kama. Kapag nagkataon, siguradong lalagapak ang likod ko sa semento.
"Oo na! Babangon na! Just stop dragging me." Inis kong turan. Mabilis niyang binitawan ang mga paa ko at kaagad siyang umupo sa paanan ng kama. "Ano bang pag-uusapan natin?"
Hinampas niya ang braso ko. "Tell me about it, dali!"
"Huh? Ano namang sasabihin ko?"
"About you and kuya! Ano pa ba?" Sarkastikong turan niya. Napamaang ang labi ko habang nakatitig sa kanya.
"How did you know?"
Wala naman siya no'ng kinausap ako ni Lerwick kahapon. So, how did he know about it? Tumaas-baba ang kilay nito. The mischievous grin doesn't leave his lips.
"Duhh, I have ears everywhere. The walls are not thick enough to cover any secrets."
Tss. Umayos ako nang upo sa kama saka sumandal sa headboard ng kama. I told him everything that Lerwick said yesterday.
"Oh my! Kyaaah! I can't believe it! Umamin na si kuya sa'yo! Oh my gosh! Sa wakas! Hindi na siya torpe!"
Halos makalas ang aking mga braso sa pagkakayugyog nito ng sunod-sunod sa akin. Konti na nga lang at lalabas lahat ng earwax ko sa lakas nang pagkakasigaw nito. And take note, ang lapit-lapit niya sa akin ngayon kaya pakiramdam ko ay pati eardrums ko ay mababasag na.