Third Person POV
"A-Anong nangyari, Khalil?" Kinakabahang tanong ni Jaime sa kaniya.
Doble-dobleng kaba ang nararamdaman niya. Siguro ay ito ang unang beses na makaramdam siya ng sobrang pag-aalala para kay Jonas.
"Tito? Why did you mention Daddy's name? What happened po?"
Ngayon lang umimik si Maverick na nasa backseat. Nagpabalik-balik ang tingin ni Khalil sa mag-ama.
"Khalil, huwag mo akong titigan lang ng ganiyan. Sagutin mo ako, anong nanyari kay Jonas?" Mahigpit na kinuyom ni Jaime ang kaniyang kamao dahil nanginginig ang mga kamay niya sa kaba.
"I don't know, Jaime. Isusugod nila dito si Jonas sa hospital. Naabutan nila itong walang malay sa bahay ninyo."
Napatakip si Jaime sa kaniyang labi dahil sa nalaman. Kaagad niyang nilingon si Maverick na nakatingin lang sa kanila. Kasunod naman noon ay ang isang itim na sasakyan na pumarada sa unahan nila at kaagad lumabas ang tao sa backseat.
"Sina Marvin." Puna ni Khalil at kaagad bumaba ng sasakyan. Sunod naman na bumaba si Jaime at pinuntahan si Maverick sa backseat.
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa anak. Kaagad niyang binuhat si Maverick at mabilis silang nagtungo sa puwesto nila Marvin at Khalil kung saan kasama rin sina Lucas at Felix.
"J-Jonas..." Tawag nito sa pangalan ni Jonas nang makita niya ang kalagayan nito. His palms were sweaty, and his heart was beating so hard against his chest.
Nanlalamig ang buo niyang katawan. Tila natuod na siya sa kaniyang kinatatayuan. Naalala niya ang sitwasiyon ni Jonas kanina ng iwan nila ito. He's too dumb to notice that he's not okay. Aminin man niya o hindi, pero puno ng pagsisisi ang nararamdaman niya ngayon na hindi niya man lang inalam ang kalagayan nito at nagawa pa niyang mainis dito.
Nagsilabasan naman ang mga nurses na may bitbit na stretcher. Kaagad nilang inilagay doon si Jonas. Mabilis nilang ipinasok sa loob ng hospital ang pasyente.
Sinundan nila ito. "Papa, what happened to Daddy?" Tanong ni Maverick habang nakatingin sa ama niyang si Jonas. Hindi magawang sumagot ni Jaime dahil maski siya ay sobrang nag-aalala. Pre-occupied ang utak niya. Parang sinapok ng martilyo ang ulo niya dahil sa mga nangyayari.
Nilagyan nila ng oxygen si Jonas. "What happened to Mr. Del Fierro?" Tanong ng doctor sa kanila.
Nakuha ang atensiyon ni Jaime dahil sa tanong ng doctor. Kaagad siyang napatingin sa kanila. "He has a serious injury in his right abdomen and a gunshot wound on his left arm. Nagamot na siya sa clinic, pero kulang sila sa kagamitan. Maraming dugo ang nawala sa kaniya." Khalil answered the doctor.
The doctor nodded. "Dapat dito niyo siya dinala sa hospital. He is in bad condition right now. He has a weak pulse." Wika ng doctor.
Nakikinig lamang si Jaime sa kanila. "D-Daddy!" Tawag ni Maverick at pilit inaabot ang kamay ni Jonas habang buhat-buhat siya ni Jaime. Napatingin sa kaniya ang doctor. Pinagmasdan niya ang mga ito.
"Papa, what is happening to D-Daddy?" Maverick started to sob. Mabilis siyang dinaluhan ni Jaime at pinakalma.
"H-He's fine, 'nak. He just needs some treatment." Pagpapakalma niya sa anak. Nangingig ang mga tuhod nito. Any moment magco-collapse ata siya.
"A-Ah, Mave? Dito ka muna kay Tito. Okay?" Agaw pansin ni Khalil at kinuha si Maverick sa braso ni Jaime.
"Sir, dito na lang po muna kayo sa labas. Bawal po kayo sa loob." Pakiusap ng nurse na humarang sa kanila pagdating sa emergency room.
Wala silang nagawa kung hindi ang sundin ito. Umupo sina Lucas, Marvin, at Felix sa isa sa mga sofa na nasa waiting area.
"Tito? Is Daddy, okay?" Tanong ni Maverick kay Khalil. Napatingin si Khalil kay Jaime na ngayon ay tulala pa rin hanggang ngayon.
"He's going to be okay." Nakangiting sagot ni Khalil kay Maverick at ginulo ang buhok nito.
"But why is he not m-moving?" Maverick became teary-eyed. Kaagad na napatingin si Jaime sa anak. Kaagad niya itong dinaluhan.
"Come here, 'nak." Kinuha niya ito kay Khalil at dinala niya ito sa isa sa mga bakanteng sofa saka umupo siya doon, kandong-kandong si Maverick.
"He's going to be okay." Sabi nito sa anak at pinunasan ang pisngi na may luha.
"I want to see Daddy, Papa. I want to see him." Pakiusap ng anak sa kaniya. Hinaplos niya ang pisngi ng anak. The innocence in his voice pained him even more. He can feel the warm liquid beneath his eyes.
Bago pa man ito tuluyang tumulo, mabilis niya itong pinunasan gamit ang kaniyang kamay.
"We will be able to see him later, but for now, we need to wait first." Mahinahong saad nito kahit pa man naghaharumintado na ang puso niya sa sobrang pag-aalala sa kalagayan ni Jonas.
Hindi na nagsalita pa si Maverick at sumandal na lang sa dibdib ng ama habang hinihintay nila ang doktor na umasikaso kay Jonas. Samu't-saring bagay ang bumabagabag sa isipan ni Jaime. Mas nangingibabaw nga lang dito ang sobrang konsensiya na nararamdaman. Wala ng ibang ginawa si Jonas kung hindi ang protektahan sila. Nailagay pa nito sa peligro ang buhay niya para sa kanila.
Hindi niya dapat ito nararamdaman. Dapat wala na ang ganitong klaseng pag-aalala sa puso niya para sa dating kasintahan pero hindi niya ito maiwaksi. Hindi niya mapigilang mapaiyak dahil sa lahat ng mga bagay na binabato niya kay Jonas. Ngayon lang niya napagtanto ang lahat ng sakripisyong ibinibigay sa kanila ni Jonas. Naging manhid siya sa lahat ng kabutihang ginagawa ni Jonas para sa kanila dahil sa sobrang galit niya rito noon.
Hindi mo rin kasi masisisi ang taong labis na nasaktan, nagiging sarado ang isipan para protektahan ang sarili. Kahit pa ang isang tao ay nagbago, hindi niya ito makikita dahil sa nasira na nitong tiwala.
Tumunog ang cellphone ni Jaime. Kaagad niyang tiningnan ang caller at nakita niyang si Lerwick ito. Napapikit siya ng mariin dahil dito. Nagmulat siya at sinagot ang tawag.
"L-Lerwick."
"Saan ka na, Jaime?"
"N-Nandito na ako sa hospital." Pinilit nitong binibigkas ng maayos ang kaniyang sagot.
"Are you okay? Umiiyak ka ba?"
"Hindi. Ayos lang ako. Saan ka?"
"Nandito ako sa third floor. Room 218. Hihintayin kita dito, Jaime."
Napahugot ng malalim na hininga si Jaime. Napatingin siya sa pintuan ng emergency room na kung saan kasalukuyang ginagamot si Jonas. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Kailangan siya ni Lerwick, pero may parte sa kaniya na hindi niya gustong iwan si Jonas. He needs to make sure that he's fine, ngunit hindi niya rin pupwedeng hindi-an si Lerwick dahil ngayon lang humingi ng pabor sa kaniya ang kaibigan, kailangan niya rin itong suklian dahil sa dami ng naitulong nito sa kaniya.
"Jaime? Are you still there?"
Napabalik siya sa reyalidad ng magsalita si Lerwick sa kabilang linya. "A-Ah, Oo. Hintayin mo na lang ako diyan." Sagot niya kahit ang totoo, hindi niya talaga alam kung ano ba dapat niyang gawin. Naiipit siya sa dalawang bagay.
Pinatay niya ang tawag. Napatingin siyang muli sa may pinto ng emergency room.
"Jaime." Napabaling ang tingin nito kay Khalil. Lumapit ito sa sa kanila ni Maverick. "Si Lerwick ba 'yon?"
Tumango siya bilang sagot. Kaagad niyang pinunasan ang kaniyang pisngi na medyo natuyuan na ng luha.
"I know that he needs you, but Jonas needs you right now. Mas kailangan ka niya ngayon, Jaime." Nangungusap ang mga mata nito habang nakatingin kay Jaime.