Sumunod ako sa kanya papasok ng bahay. Nang makapasok sa loob, nakita kong kaagad siyang sinalubong ng yakap ni Mave. Maingat kong isinara ang pintuan at lumapit sa kanila. My forehead creased when I saw Jonas flinch when Mave held his right arm.
Nakakapagtaka ang kalagayan nito. Sa meeting ba talaga ito galing? Iwinaksi ko na lamang sa isipan ko ang kung ano mang iniisip ko. Tss. Why do I care anyway? Hinayaan ko na lang silang mag-bonding at dumiretso na lang sa kusina para magluto ng agahan. I baked cookies earlier at para lang naman 'yon kay Mave.
I'll be making pancakes this morning. Gumawa na rin ako ng kape para sa sarili ko. Natigilan naman ako at saka sumilip sa mag-ama sa sala. Titimplahan ko ba siya ng kape o hindi? Huwag na nga lang. Bakit pa ako mag-aabala? Tsk. I was about to put the mug back in the coffee mug rack when suddenly I stopped because I heard footsteps heading towards here. I'm sure it was Jonas.
Kaagad akong dumiretso sa fridge para kumuha na lang ng...Ano nga bang kukunin ko dito? 'Tsaka bakit ba ako natataranta?! Kumuha na lang ako ng tubig at saka baso at uminom. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatayo ito sa may arc ng kusina habang ang kaniyang mga kamay ay nakalagay sa bulsa ng slacks niya.
Ibinaba ko ang baso sa mesa at tumingin sa kanya. Nilunok ko ang tubig at tinaasan siya ng kilay.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Mave asked me to get him some water."
Napatango naman ako at kumuha ng isa pang baso doon sa itaas ng lababo. Medyo mataas 'yon kaya tumingkayad ako at naramdaman kong tumaas ng kaunti 'yung laylayan ng damit ko. Habang kumukuha ako, ramdam ko ang titig nito sa likuran ko. Tumayo tuloy ang balahibo ko sa aking batok. Pasimple akong napabuga ng hangin at nilagyan ng tubig ang baso saka naglakad papunta sa kanya at inabot ito.
Nasa sahig lang ang mga mata ko habang inaabot ko ito sa kanya. Halos abutin ako ng sampung segundo, pero hindi niya pa rin ito tinatanggap. Nangunot naman ang noo ko. Tumigin ako sa kanya na halos magtingala na ako dahil ang taas niya masyado. He's 6'2 while I'm just 5. Mukha akong kabute kapag kaharap ko siya.
"'Yan talaga ang ipapainom mo sa anak natin?"
Nag-echo naman ang sinabi nito sa pandinig ko. 'Anak natin' Kinilabutan tuloy ako. Tss. Hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy nito kaya tiningnan ko ang baso.
"Bakit? Tubig naman 'to ah?"
Unti-unti namang lumaki ang singkit niyang mata at itinaas ang kamay niya at saka tinuro ang baso.
"Pinapainom mo ng tubig galing sa nawasa ang anak natin, Jaime?" Hindi makapaniwalang tanong nito kaya nanlaki rin ang mga mata ko.
Halos tampalin ko ang noo ko nang marealize na doon pala ako kumuha ng tubig sa may gripo. Tángina. Napapamura ako ng wala sa oras. Bakit kasi lumilipad 'tong utak ko kung saan-saan? Mabilis akong tumakbo sa sink at ibinuhos roon ang tubig at saka taranta akong lumapit sa fridge at kinuha ang tubig na para kay Mave.
I bit my lower lip because of shame. Nakayuko kong inabot ulit ang baso sa kanya. Siguro ay pulang-pula na ang mukha ko ngayon dahil sa hiya. Gusto ko tuloy tumakbo papunta sa kuwarto at sumigaw sa unan. Nahihiya talaga ako.
Kinuha niya ito sa kamay ko kaya nakahinga ako nang maluwag. Tumalikod na ako upang kainin 'yung pancake na niluto ko. Sana umalis na siya dahil nate-tense ako ngayon. I heard him clear his throat.
"Jaime."
Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses nito. Nilingon ko ito at binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.