Third Person POV
Nasa labas na ng mansion ang buong tauhan ni Jonas. Felix and Lucas received small cuts and bruises from their opponents. Marvin got stabbed in his right arm, but luckily the wound is not that severe, and Khalil is still holding his nose. Samantala, si Blair naman ay ginagamot si Sylvester na nabaril sa kaliwang hita nito.
Ang ilan sa mga tauhan nilang sugatan ay pinabalik na sa headquarters upang doon gamutin. Naubos na rin naman nila ang lahat ng tauhan ni Diego. Paunang lunas lang naman ang mga natanggap nila para maibsan ang pagdurugo at impeksiyon. Kinakailangan pa rin nilang madala sa hospital.
Ang mga bomba naman ay na-defuse na rin nina Felix at Lucas kung saan muntik pang sumabog.
"Ilan sa tauhan natin ang nalagas?" Tanong ni Khalil na nagsisindi ng sigarilyo.
"Thirty." Matamlay na sagot ni Sylvester at napangiwi dahil sa iniinda nitong sugat.
"Hayóp talaga 'yang si Diego na 'yan. Lagi na lang tayong nauutakan." Inis na saad ni Lucas at napasandal sa sasakyan.
Natahimik naman sila. Tumayo si Khalil mula sa pagkakasalampak sa damuhan at pinagpag ang slacks.
"Nauutakan ba o natitimbrehan?"
May laman ang tanong nito. Pinagmasdan niya ang lahat na nakatingin rin sa kaniya. Salubong ang mga kilay ng mga ito. Umayos ng tayo si Lucas.
"What do you mean?" Umiwas ng tingin si Khalil saka napabuntong-hininga. He folded his arms across his chest. Tumingin ito sa malayo.
"Nothing. Iligpit niyo na lahat ng mga dapat ligpitin dahil maya-maya nandito na rin naman si Jonas." Utos nito.
Aside from Jonas, they also obey and respect Khalil as the second in command next to Jonas. He's also a Del Fierro by blood, which is why he also receives the same treatment as Jonas. Tumalima naman silang lahat.
"Blair, Marvin, at Sylvester mauna na kayong umalis. Kailangan naming balikan si Jonas sa loob at sina Mr. and Mrs. Salvador." Dagdag nito.
Sumang-ayon naman ang mga ito at inalalayan ni Blair si Sylvester paakyat ng sasakyan. Tumayo rin si Marvin upang sumakay, ngunit nakarinig sila ng pagsabog na nanggaling sa mansion. Kaagad na nagsikilos sina Felix, Lucas, at Khalil.
"Si bossing!" Nag-aalalang sigaw ni Felix habang kumukuha ng armas. Kumuha rin ng armas sina Khalil at Lucas. Kasama rin ng mga ito ang ilan sa mga tauhang natitira.
Patakbo nilang tinungo ang kinaroronan ni Jonas. Lumingon si Khalil at sinenyasan na umalis na sila Blair na tinalima naman nila.
"Akala ko ba na-defuse mo na lahat, Lucas?" Tanong ni Felix.
"Akala ko rin. Bwisît!" Hindi rin nito maiwasang kabahan.
Nakarating sila sa pinakaharapang bahagi ng mansion at bumungad sa kanila ang ilan sa mga tauhan ni Diego na pinagbabaril sina Jonas at ang mag-asawa. Walang pagdadalawang-isip nila itong pinaputukan na hindi naman kaagad nila naiwasan. Bumagsak ang mga ito. Kaagad na tumakbo sina Khalil, Lucas, at Felix papunta sa kinaroroonan nina Jonas.
"Shît!" Hindi mapigilang mapamura ni Lucas nang makitang may tama ng baril si Jonas sa braso nito. Bumaba ang kaniyang tingin at nakita niyang dumudugo rin ang tagiliran nito.
"Bossing!" Taranta nitong saad.
"Jonas!" Sunod namang bigkas ni Khalil at dinaluhan rin si Jonas. Jonas is still awake but listless. Hingal na hingal rin ito.
"Bring them to the hospital first. They need immediate treatment." Wika ni Jonas saka sinuportahan ang sarili na makatayo. Inalalayan naman siya ni Khalil.
"Kailangan mo na ring madala sa ospital, Jonas." Wika ni Khalil at kinuha ang kanang braso nito at inilagay sa balikat niya upang suportahan ito sa paglalakad.
Kaagad pinagtulungan nila Felix at Lucas ang mag-asawang Salvador na walang malay. Napatingin sila sa buong paligid at maraming mga basag na salamin, sirang pader, at kung ano-ano pang mga debris ang nagkalat. Ito ay dahil sa isang explosive device na itinapon ng mga kalaban ni Jonas.
Mabilis nilang tinungo ang labasan ng mansion at kasunod noon ay nakarinig ulit sila ng pagsabog. Nanggagaling ito mula sa basement ng mansion kung saan ikinabit ni Diego sa mag-asawang Salvador. Halos umuga ang lupa dahil sa lakas nito. Muntik pa silang matumba dahil dito.
"Felix! Bilisan mo. Kunin mo ang sasakyan!" Utos ni Khalil dahil nakikita na nitong nanghihina na talaga si Jonas. Walang pag-aatubili niya itong sinunod.
Nang dumating ang sasakyan, kaagad nilang isinakay si Jonas at ang mag-asawa sa loob. Ang ilan sa mga tauhan nila ay patakbo ng tinungo ang isa pang sasakyan na nakaparada at sumakay roon. Mabilis na nagmaneho si Felix upang makaalis na sila sa lugar.
"D-Don't bring me to the hospital, Khalil." Naisawika ni Jonas.
"Siraûlo ka ba? Kailangan mong magamot, Jonas!" Inis nitong wika at pinipigilan ang pagdurugo sa braso nito. Si Lucas naman ay pinipigilan rin ang pagdurugo ng tagiliran ni Jonas.
The wound in his stomach is not because of the bullet. Ito ay dahil sa pagsabog. Tila nahiwa ito ng matalim na bagay. Umiling lang si Jonas.
"Headquarters. J-Just bring me to the headquarters." Utos nito na papikit-pikit na ang mga mata.
"Tangîna mo, Jonas. Huwag kang pipikit diyan. Ayokong maging successor ni Lolo!" Pabirong saad ni Khalil sa kaniya kahit kabang-kaba na siya.
Jonas just hissed, pero parang matutulog na talaga ito.
"'Tsaka isa pa, kailangan pa ni Maverick ng ama, Jonas. Gusto mo bang maging ama ulit niya si Lerwick?" Dagdag nito kaya't mabilis na napamulat si Jonas.
Salubong ang kilay nito at anumang oras ay mapapatay na niya si Khalil. Napangisi na lang siya.
'Ang ganda talagang panakot si Lerwick.' Saad nito sa kaniyang isipan.