Chapter 23

321 13 0
                                    

Jaime Everest Logan POV



"Y-You killed people?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"S-Sabihin mo sa akin, pumapatay ka ng tao para saan?" I stood up and looked at him intently. I don't want to judge him, but the fact that I found out he killed people seriously kills me right now. He stood up to touch my shoulder, but I quickly stepped back.

"J-Jaime, I have reasons to do that." Dahilan niya, pero umiling ako.

"Jonas! Hindi mo ba alam ang sinasabi mo?! You killed people! Kriminal ka!" Sinalubong ko ang tingin niya at nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya.

Napatigil ito sa paglapit sa akin. I saw a hint of guilt and pain in his face. Umiwas ako ng tingin. I didn't mean to burst it out. Hindi ko sinasadyang sabihan siya ng gano'n pero wala na akong magagawa, nasabi ko na.

"Alam ko na kriminal ako sa paningin mo, ngunit kailangan ko 'yon gawin. May mga rason kung bakit ko 'yon ginagawa."

"Whatever that reason is! You're still a criminal, Jonas!" Hindi ko na mapigilan pa ang mga salita na lumalabas sa bibig ko.

Hindi mapirmi ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Tumaas-baba ang adam's apple niya na nagpapahiwatig na napalunok ito. Narinig ko ang pagmura niya. All I can see is pain.

"Pwede bang pakinggan mo muna ang paliwanag ko?" Pakiusap nito sa akin. Napayuko ako at napapikit nang mariin.

Hindi ko talaga alam kung paniniwalaan ko siya. Gusto ko na lang na hindi makinig sa kanya, pero may parte sa akin na gusto kong marinig ang paliwanag niya. Hindi ko alam. Napailing na lang ako at napahawak sa ulo ko. Napahugot ako ng malalim na hininga at tumingin sa kanya. I still need to know everything, even though there's a possibility that I'll hear something more disturbing compared to that.

"I-Ipaliwanag mo sa akin, Jonas."

Tumikhim ito at sumandal sa backrest ng upuan. Malayo ang paningin nito. "We're killing people for some reason, Jaime. We have to kill someone to save someone else's life. We kill people in order to survive. We kill those who are trying to destroy the Empire. We kill those people who sabotage and betray us. And we kill those people who try to harm our family. In short, I was bound to kill anybody just to protect the whole Del Fierro Family, the heirloom, and both of you, Jaime." Paliwanag niya sa akin.

Hindi ako nakaimik kaagad. Tumingin siya sa akin. So, all this bullshít is about protecting the Empire, the people who need it, and themselves?

"That is the reason why I am here. Pinoprotektahan ko kayo ni Mave sa mga taong gusto kayong patayin kanina. One of our enemies is after both of you. If I hadn't managed to beat them here quickly, you might have been gone from my life." Pagpaptuloy niya na ikinalunok ko.

"S-So, why do you have to kill somebody just to protect someone? Just to protect us, Jonas? We can just ask for help from the authorities, right?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Jaime, this is not as simple as you think. Authorities cannot do anything about this matter. They can't ensure your safety, and they cannot stop those people, just like what happened earlier." Seryoso niyang sabi.

Then, I remember what happened earlier.

"Y-You mean..." Hindi ko matuloy ang dapat kong sasabihin sa kanya.

"Hindi magnanakaw ang pumasok sa loob ng bahay niyo, Jaime. It was one of the people who wanted you dead, especially my son."

Mas lalong hindi ko matanggap ang huling sinabi niya. Napahawak ako sa dibdib ko. Nilukob ako ng takot para sa buhay ng anak ko.

Hiding Series 1: Hiding The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon