Jaime Everest Logan POV
Nagising ako kinaumagahan na masakit ang ulo. Parang nagkaroon ako ng hang-over dahil sa nararamdaman ko ngayon. Alas dos na ng madaling araw ako nakatulog kagabi dahil hindi talaga ako mapakali. Ewan ko ba kung sa kape ba iyon. Kinakabahan kasi ako kagabi sa hindi malamang dahilan. Napatingin ako kay Mave na mahimbing pa rin ang tulog ngayon. Inayos ko ang comforter niya saka umalis sa kama. Uminat-inat ako at hinawi ang kurtina sa bintana. Sumalubong sa paningin ko ang maaliwalas at magandang kapaligiran. Iba talaga kapag nakikita mo ang asul na karagatan tuwing umaga, parang nawawala ang kung ano mang nararamdaman mong sakit.
Bumalik ako sa kama at umupo saka kinuha ang cellphone ko sa side table nang marinig ko itong nag-ring. Tiningnan ko ang caller at kaagad kong nakita ang pangalan ni Lerwick. Mabilis ko itong sinagot.
"Hello, Rick. Kumusta? Napatawag ka?" Nakangiting bati ko, ngunit unti-unting nawala ang aking ngiti sa sunod niyang sinabi.
"P-Puwede ka bang pumunta dito sa hospital, Jaime? Nasa hospital ang mga magulang ko pati ang k-kapatid ko..."
Napatayo ako dahil sa gulat. Lumakas rin ang kabog ng puso ko. Kaya ba hindi ako makatulog kagabi at dahil kinakabahan ako?
"Bakit? A-Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko habang pabalik-balik ang lakad sa buong kuwarto. Narinig ko ang pagsinghot nito. I know it. He's crying.
"Dito ko na lang sasabihin. Please? I-I need you right now, Jaime." Pagmamakaawa niya sa akin.
"Oo sige, pupuntahan kita diyan."
"S-Sige. I'll text you the address."
Matapos ang pag-uusap namin, napatitig pa ako sa screen ng phone ko. Puno ng katanungan ang isipan ko. Nanginginig ang katawan ko dahil sa pag-aalala at kaba. Kinalma ko ang sarili ko at napatingin kay Mave na mukhang nagising na rin. Kaagad akong lumapit sa kinaroroonan niya.
"Mave, we need to go to the hospital."
Kinusot niya ang kaniyang mata. "Why did something bad happen to Daddy?"
Mabilis akong umiling. Hindi pa nga nakakauwi 'yon malamang doon talaga iyon nagpalipas ng gabi kay Valerie.
"Your daddy is fine. We need to see Dada and Tito Lovely. They are at the hospital."
"Why? What happened po?"
"I don't know, 'nak. Dada will tell us later." Saad ko at hinaplos ang kaniyang pisngi. Tumango siya kaya tinulungan ko siyang makababa ng kama.
Hindi ko lang talaga alam kung paano kami makakaalis sa lugar na ito dahil hindi ko alam kung may sasakyan ba dito papunta sa City. Masyado kasing malayo ang lugar na ito sa bayan. Siguro ay tatawagan ko na lang si Jonas mamaya.
Nang matapos kaming mag-ayos, kaagad akong nagluto ng agahan para kay Mave. Natanggap ko ang mensahe ni Lerwick kung saan ang ospital nila. Pagkatapos niyang kumain, kinontak ko si Jonas. Marami na akong tawag sa kaniya pero puro lang ring ang naririnig ko at walang sumasagot. Inis akong napatingin sa screen ng phone ko. Pambihira naman itong si Jonas kung kailangan hindi sumasagot. Tsk. Masyado ba siyang nag-e-enjoy sa company ng Valerie na 'yon? Napabuga ako ng hangin.
"Papa, why is Daddy not still here?" Napatingin ako kay Mave.
'Because he is with his so-called girlfriend.' lyan ang isinagot ko sa aking isipan, pero hindi ko iyon sasabihin kay Mave. Ngumiti lang ako saka ginulo ang buhok niya.
"Maybe he's really busy." Sagot ko. Nakita ko naman ang lungkot sa mukha niya.
"He's always busy." May bahid ng pagtatampo sa boses nito. Napabuntong-hininga ako at hinawakan ang pisngi niya.
"Because he had a lot of work, 'nak. That's why he's always busy. Just understand him, 'nak." Alibi ko kahit alam ko naman talaga kung saan siya nagpunta kagabi. Tumango naman ito.
"Let's go." Nakangiting wika ko at inilahad ang kamay ko na inabot niya naman.
Khalil Mason Del Fierro POV
"Jonas, hindi ka pa puwedeng umalis. Kailangan mo munang ipahinga 'yang katawan mo."
Kulang na lang ay batukan ko ito dahil sa katigasan ng ulo niya. Nandito kami sa clinic sa headquarters. Kakagising lang ni Jonas at ito na naman siya, aalis na naman para puntahan ang mag-ama niya. Hindi man lang muna siya magpahinga kahit sandali. Actually, hindi naman gano'n kalalim ang sugat niya sa tiyan, pero hindi pa rin maiiwasan na malagay sa panganib ang buhay niya lalo na at may tama rin siya ng baril sa balikat.
"I need to see them, Khalil. I need to make sure that they are fine."
"Tsk. Alam mong ayos lang sila. Nakita mo naman sa CCTV, 'di ba? Wala namang nangyaring masama sa kanila saka isa pa, hindi iyon mapupuntahan ni Diego." Pangungumbinsi ko sa kaniya para lang hindi siya umalis dahil kung nagkataon mapapahamak siya at malalagot rin ako kay Lolo.
Alam na kasi ni Lolo ang nangyari at galit na galit kay Jonas dahil padalos-dalos daw ito sa naging desisyon niya. Tsk. Ano pa bang aasahan niya dito kay Jonas? Mula pagkabata matigas na ang ulo.
"Hindi ako mapapanatag kung hindi ko sila makikita. Kailangan ko silang makita at nangako ako sa kanila kagabi na uuwi din ako kaagad." Pamimilit nito sa gusto niya kaya napabuntong-hininga ako.
Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil sa sinabi niya. "Sabihin mo na lang kasi kay Jaime kung bakit hindi ka nakauwi kagabi. I'm sure he will understand dahil alam na niya ang tungkol sa mga ginagawa natin." I suggested, and I hope that he will agree.
Tumingin ito sa akin. "I don't want to freak him out about this." Malamig nitong sabi.
"Ikaw ang bahala, basta sasamahan na lang kita para masigurong ayos ka lang."
"I'm not a handicapped person." He said flatly while wearing his jacket. Napangiwi pa ito.
Hindi raw niya magawang maisuot nang maayos ang jacket kung hindi pa ako tumulong.
Tsk. Kinuha nito ang susi ng sasakyan at lumabas na siya ng silid. Wala akong nagawa kung hindi sundan ito. Hindi naman bago sa akin na mapuruhan si Jonas sa mga labanan kahit pa nga sa mga trainings, pero hindi ko naman maiwasang mag-aalala dahil tao lang naman siya, hindi habang buhay lagi siyang kakapitan ng suwerte.
Nakasunod lang ako sa kaniya habang tinatahak namin ang daan palabas ng HQ. Ang ilan sa mga kasamahan namin dito rin ginamot pero si Sylvester at ang iba na kailangan ng seryosong gamutan ay dinala na sa hospital. We have some hospitals kaya ayos lang na dalhin ang ilan sa mga kasamahan namin doon na nasusugatan sa mga labanan. Itong si Jonas lang talaga ang matigas ang ulo. Mas gusto niyang dito na lang sa clinic gamutin. Paglabas namin ng HQ, agad na siyang sumakay ng sasakyan kaya agad na akong pumasok sa loob. Mahirap na at baka iwan na naman ako. Nagmaneho na ito paalis.
Napatingin ako sa kaniya na medyo maputla pa talaga at hindi gano'n kaayos ang itsura. Bilib talaga ako sa taong 'to, uunahin pa rin ang mag-ama niya kahit na siya itong kailangan talaga ng pahinga.
"Pagdating mo do'n sa isla, anong sasabihin mo sa mag-ama mo? Siguradong magtatanong sa'yo si Mave."
Matagal itong hindi sumagot kaya napatingin ako sa kaniya. "Tapos ganyan pa ang mukha mo. Parang nilunok mo ang isang buong gluta soap sa itsura mo." Puna ko.
Isang matalim na tingin ang natanggap ko mula sa kaniya. Nataranta naman ako dahil baka mabanga kami. "Tangîna, Jonas, mabanga tayo!" Tinuro ko pa ang daan.
"Tsk." Ibinalik niya ang tingin sa daan kaya nakahinga ako ng maluwag. "Stop blabbering nonsense, Khalil. I still can't forget what you said last night."
Sabi ko nga. Matapos ang ilang minuto na pagbabiyahe, nakarating kami sa isla. Kaagad itong bumaba ng sasakyan. Napabuntong-hininga na lang ako at bumaba na rin. Dumeretso siya papasok ng bahay habang ako, nakasunod lang. Sakto rin namang nakita namin sina Jaime at Maverick na palabas at bihis na bihis.
"Daddy!" Masiglang bati ni Mave at tinakbo si Jonas upang yakapin ang binti nito. Ginulo naman ni Jonas ang kaniyang buhok.
"Where are you going?" Tanong ni Jonas sa anak niya at binuhat ito dahilan para mapangiwi ako. Sarap talagang kaltukan nitong si Jonas. Hindi ba siya nag-iisip na may sugat siya.