Chapter 15

414 17 1
                                    

We are here at the park. Nakaupo kaming dalawa ni Jonas sa damuhan habang si Mave ay nakikipaglaro sa ibang bata na kasing edad niya lamang. Pinagmamasdan ko lang siya. Bumaling ako kay Jonas na nakatingin rin kay Mave. Tumingin ito sa akin kaya ibinalik ko ang tingin ko kay Mave.

"He's adorable," wika niya habang mataman niya akong tinitingnan. Nakikita ko kasi ito sa gilid ng mga mata ko, "you're really a great father and mother to him, Eve." Dagdag niya dahilan para maibaling ko na naman ang paningin ko sa kanya na ngayon ay kay Mave naman nakatuon.

"You raised him well." Saad niya habang nakangiti na hindi abot sa mga mata niya. It is just me or does his voice really have sadness in it when he says that?

"I wish I was there at that time. Sana ay nakita ko rin ang paglaki niya."

Tumingin ito sa akin. I was about to speak pero naunahan na niya ako.

"But I was a jerk that's why." Pag-aamin niya. Sobra pa roon. Gusto ko 'yang isagot, pero nanatili lang tikom ang bibig ko. Nakita ko ang pagsisisi sa mga mata niya, pero huli na rin naman ang lahat.

"Then, be a good father to him this time. Bawiin mo ang mga oras na sinayang mo dahil sa pagkakamaling ginawa mo noon sa akin—sa amin." Seryoso kong sagot sa kanya.

Tumingin ito sa akin. Matagal 'yon na tila kinakalkula niya ang maaari niyang sabihin sa akin. His pinkish thin lips were pursed tightly while looking at me sternly.

"Gusto kong makabawi sa anak ko, Jaime. Sa inyong dalawa." Inilihis ko ang tingin ko.

"Huwag mo akong isama sa plano mo. Mag-focus ka kay Mave dahil siya naman talaga ang mas may kailangan ng kalinga ng isang ama na si Lerwick ang nagbigay no'ng mga oras na wala ka."

Hindi ko gustong sabihin 'yon, pero para na rin mas makonsensiya siya sa ginawa niya sa akin noon. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pakuyom ng kamao niya pati na rin ang pagtagis ng kanyang bagang. Dumilim ang mukha nito pero nanatiing tikom ang bibig niya. I know that I hurt his ego. Well, wala na akong magagawa roon because that's the truth.

"Yeah. Lerwick." Pagsang-ayon nito sa malamig na tinig. Napabuga ito ng hangin at saka pinasadahan ng kaniyang daliri ang buhok nito. Tila pinipilit nitong pakalmahin ang sarili niya para hindi siya sumabog sa galit. Nakita ko ang paglabas ng ugat nito sa braso at pamumuti ng kamao nito dahil sa higpit ng pagkakakuyom niya.

Umiwas na lamang ako ng tingin. Napalunok ako at inaliw na lang ang sarili ko sa mga batang naglalaro. Medyo na guilty naman ako sa ginawa ko dahil alam kong sobra siyang nasaktan pero totoo naman 'yon lahat. Tumikhim ako para mawala ang mabigat na atmospera na nakapaligid sa amin.

"A-Ano pala ang pag-uusapan natin?" Pinilit kong maging maayos ang boses ko. Hindi kaagad ito nakasagot kaya tumingin ako sa kanya.

Mahinahon na ito sa ngayon. Nakayuko siya at binubunot ang mga damo na nasa tabi niya. Tumingin ito sa akin. Mataman niya akong tiningnan at no'ng nasabi na niya ang dapat sabihin ay napamaang na lang ang labi ko.

"Jaime, puwede bang sa bahay ko na lang kayo umuwi ni Mave?"

Matagal akong nakatunganga lang sa kanya dahil sa sinabi niya. Naningkit pa ang mga mata ko para basahin ang mukha niya kung nagbibiro ba siya o hindi. I hissed knowing that he's not kidding.

"Kung gusto mong makabawi kay Mave, hindi mo na kailangang hingin ang pabor ko para tumira sa bahay mo. Ayoko ng bumalik sa bahay na 'yun, Jonas. Puwede ka namang makabawi sa anak mo kahit hindi kami nakatira sa puder mo."

Sinong niloko niya? Tss. Titira kami sa Mansion ulit pagkatapos makikita namin ang babae niya? Ano na lang ang iisipin ng anak ko? Hindi ako tánga para payagan ang gusto niyang mangyari. Tumayo ako at pinagpag ang short ko. Naramdaman ko ring tumayo ito.

Hiding Series 1: Hiding The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon