Chapter 25

271 12 0
                                    

Buong biyahe ay tahimik lang naman kaming dalawa. Mas nagpapasalamat pa nga ako at silang dalawa lang ni Mave ang nag-uusap dahil sa totoo lang ayoko talaga siyang makausap.

Mahigit tatlumpung minuto ang naging biyahe namin, at habang palayo ng palayo ang nilalakbay namin, unti-unting nasisilayan namin ang dagat. Napakunot noo na lang ako. All this time, akala ko nagbibiro lang siya na titira talaga kami sa sarili naming bahay. I thought we were going to stay at the Mansion.

"Woah! Look Papa!" Excited na wika ni Mave kaya't nilingon ko siya. Malaki ang ngiti niya habang nakatanaw sa bintana ng kotse kung saan makikita ang asul na asul na karagatan.

"Are we going there, Papa?" Tanong niya sa akin.

Napangiti ako. Maverick really loves the sea. Gustong-gusto talaga niyang maglaro sa tubig-dagat at buhangin. Naramdaman ko naman na unti-unting bumagal ang takbo ng sasakyan ni Jonas.

"Ask your dadddy, 'nak." Sagot ko at binalingan saglit si Jonas na nasa daan ang paningin.

Hindi ko naman alam kung bakit tanaw na tanaw ang dagat sa dinadaanan namin at bukod pa roon ay bago sa akin ang lugar na nakikita ko. Hindi ko talaga alam kung saan ang bahay namin. Umiwas na ako ng tingin nang tumingin siya sa akin.

"Daddy, can we go there?"

Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtango ni Jonas. Kasunod naman doon ang pagkatuwa ni Mave. Hindi na lang ako umimik. Matapos ang sampung minuto, iniliko niya ang sasakyan sa isang feeder road. Dito mas nakikita na namin ang malawak na karagatan.

Nakaramdam naman ako ng kaginhawaan sa pakiramdaman. Sa tuwing nakakakita talaga ako ng dagat, gumagaan ang pakiramdam ko. It also gives me awe, peace, and joy. Mga ilang sandali ay may natanaw akong bahay. Hindi ganoon kalaki at hindi rin ganoon kaliit.

The house was built for a small family like our. Tila pinagplanuhan talaga ito. Hindi ko maitatanggi na gusto kong mapangiti ngayon. Walang halong biro, pero natutuwa ako. Sa likod nito ay makikita ang dagat.

Tumigil kami mismo sa labas ng gate. Napatitig ako sa kabuuan ng bahay pati na rin sa buong paligid. The front yard was full of flowers, mainly Hydrangea, Daylily, Gaillardia, Armeria, and Allium. Junipers were also placed at the corner where the walls are located. European fan palms were also planted within the whole area. Napaka-organize ng pagkakatanim nito. There are also benches with a back designed in a woven style placed within the coastal garden. Perpekto ito kapag gusto kong mag-relax at kapag kailangan kong mag-isip-isip.

Isa lang talaga ang masasabi ko. Ang ganda.

Nagising lang ako sa reyalidad ng pagbuksan ako ng pinto ni Jonas na kasama na si Mave. Nakita ko pa talaga ang ngisi sa labi niya. Akala siguro niya hinihintay ko talaga siyang pagbuksan ako.

"Hindi mo naman kailangang pagbuksan ako ng pinto." I said flatly pagkababa ko ng sasakyan. Isinara niya ang pinto ng sasakyan.

"Then, huwag ka nang matututulala sa susunod." Sagot niya. Mabilis ko siyang sinamahan ng tingin pero nakaalis na ito sa puwesto niya at nasa may compartment na ng sasakyan at ibinababa ang mga luggage.

Hindi na lang ako umimik pa.

Hinawakan ko si Mave sa kamay at dumiretso kami sa gate. Sumilip ako sa loob at nakita kong bumukas ang main door ng bahay at lumabas doon si Khalil kasama ang anim na kataong hindi ko kilala. Hindi nalalayo ang mga edad nila kay Jonas. Patakbong tinungo ni Khalil ang gate at pinagbuksan kami.

"Finally, dumating na rin kayo. Kanina pa kami naghihintay sa inyo dito." Puna niya. Wala akong masabi dahil nakatanga lang ako sa mga kasama niya. Kumakaway pa ang dalawang lalaki kay Mave.

Hiding Series 1: Hiding The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon