Chapter 34

161 9 0
                                    

Jaime Everest Logan POV



Nahimigan ko ang tunog ng sasakyan kaya tumigil ako sa paglalakad pati na rin si Mave.

"Jaime!"

Nakita ko si Khalil na lulan ng sasakyan ni Jonas. Huminto ako. Tumigil ito mismo sa tabi namin ni Mave.

"Sumakay na kayo. Ihahatid ko kayo sa ospital."

Kumunot ang aking noo at hinanap si Jonas kung kasama niya ba ito, pero wala akong nakitang Jonas. Hindi siya kasama. Nakakapagtaka naman eh may trabaho 'yon. Anong gagamitin niyang sasakyan?

"Hindi na. Mag-aabang na lang kami ng masasakyan. May dadaan naman siguro dito maya-maya."

Ang totoo niyan, hindi ko talaga alam kung may dadaan ba talagang sasakyan dito. Nagbabakasakali lang naman ako.

"Kahit maghintay ka dito hanggang magdamag, wala kang masasakyan. Ihahatid ko na kayo."

Dahil mukha ngang wala talaga kaming masasakyan, sumakay na lang kami. Habang nasa biyahe kami, napansin ko na panay ang tingin niya sa kaniyang cellphone.

"May problema ba?"

Kaagad niyang itinago ang kaniyang cellphone at umiling. Tipid itong ngumiti. Hindi na ako nagtanong pa. Naging tahimik ulit ang biyahe namin. Nasa daan lang naman ang paningin ko.

"Jaime, hanggang ngayon ba galit ka pa rin kay Jonas?"

Hindi ko inasahan na itatanong niya iyon sa akin ngayon. Galit pa ba ako kay Jonas hanggang ngayon? Umiling naman ako.

"Have you forgiven him already?"

Umiling ulit ako bilang sagot. Kumunot ang kaniyang noo hudyat na naguluhan siya sa naging sagot ko.

"You're not mad at him, pero hindi mo pa siya napapatawad? Possible ba 'yon?"

Natawa naman ako at napatingin sa labas. "Khalil, wala na akong galit kay Jonas. Pero hindi iyon magiging dahilan para patawarin ko siya."

I'm not mad at Jonas, ayos naman ako sa kaniya pero hindi ko pa talaga siya kayang patawarin. Matinding sakit ang idinulot niya sa akin noon na hanggang ngayon, hindi pa rin iyon naghihilom.

"Siya nga pala, bakit nga pala kayo magkasama ni Jonas kanina?"

Saglit niya akong tiningnan bago ibinalik ang tingin sa daan. Nakita ko naman na kumunot ang kaniyang noo.

"Ah...ano kasi..." napansin ko na medyo nag-aalalangan ito sa sasabihin niya. "Alam kong alam mo na ang tungkol sa trabaho ni Jonas kaya hindi na ako magsisinungaling sa'yo. Nagkita-kita kami sa headquarters kagabi. Hindi na siya nakauwi kaagad dahil natagalan kami kaya doon na siya nagpalipas ng gabi."

"Kayo ang magkasama kagabi?" Gulat kong tanong sa kaniya. Mas lalong kumunot ang kaniyang noo.

"Bakit? Akala ko ba nagpaalam sa'yo si Jonas kagabi?"

Kaagad akong umiwas ng tingin. "Akala ko kasi...nevermind." Iwas tinging saad ko. Nakaramdam ako ng guilt. Akala ko magkasama sila ni Valerie. Akala ko nagsisinungaling lang siya na makikipagkita siya sa mga kaibigan niya.

"Jaime, I know you're still doubting Jonas' gestures, but believe me, he's doing his best to protect you both. Sana makita mo iyon. Mahal niya kayong dalawa ni Maverick kaya ginagawa niya ang lahat upang protektahan niya kayo, even saving your friend—shît!"

"Ano 'yon, Khalil? Saving my friend?"

Naging balisa ito. He laughed, but it was a fake one. "You heard it wrong, Jaime. Huwag mo ng pansinin ang sinabi ko."

Hiding Series 1: Hiding The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon