Chapter 9

472 22 6
                                    

Third Person POV


Hindi maintindihan ni Jonas kung bakit hindi niya maalis ang tingin sa lalaking tinawag na Papa ng batang hawak-hawak ang kaniyang kamay. Hindi rin maitatatwa na tila ayaw na niyang pakawalan ang kamay ng batang nasa tabi niya. He stared at the kid who was very familiar to him.

Habang hila-hila nito ang kamay niya papunta sa lalaking nakatalikod mula sa kanya ay tila bumabagal ang buong paligid at wala siyang ibang naririnig kung hindi ang tibok ng puso niya.

"Papa," Maverick held his Papa's hand and shook it a bit, "this señor helped me earlier. He's the one that I'm talking about, Papa." Dagdag nito na malaki ang ngiti.

Tila walang naririnig si Jaime dahil samu't-saring bagay ang pumapasok sa kaniyang isipan. Hindi na niya alam ang gagawin. Umabot ng ilang segundo ang lumipas pero hindi pa rin humarap si Jaime. Walang nagawa si Jonas kundi siya na lang mismo ang lumapit sa harapan nito upang tingnan ang mukha ng lalake.

"Hey, Is this your—"

Napatigil si Jonas sa pagsasalita. Bumakas ang gulat sa mukha nito ng makilala kung sino ang lalaking nasa harapan niya. Unti-unting inangat ni Jaime ang paningin niya at nagsalubong ang kanilang mga tingin. Iba't-ibang emosyon ang makikita sa mukha nilang dalawa.

"Jaime..." Medyo may kahinaang tawag ni Jonas sa pangalan niya. Samantala pumagitna naman sa kanilang dalawa si Mave habang hawak ang kamay nilang dalawa at nakatingala sa kanila na may ngiti sa labi.

They look like a perfect, complete family in that moment. Unfortunately, they're not.

"Do you know each other?" Tanong ni Mave sa masiglang tinig.

Kaagad namang nagising si Jaime sa reyalidad nang magtanong ang anak niya. Mabilis niyang inalis ang kamay ni Jonas sa kamay ni Mave at mas inilapit sa kanya ang anak. Isang pilit na ngiti ang gumuhit sa labi niya saka tinignan si Mave na may kuryusong ekspresiyon.

"A-Anak, he's an old friend." Pilit nitong inaayos ang pagsasalita kahit nangingibabaw ang kaba sa puso niya. Para ng sasabog ang puso niya sa kaba.

Wala na. Wala ng silbi ang ilang taong pagtatago niya dahil sa isang iglap lang, nagkita na ang mag-ama. Gustong magsalita ni Jonas, pero mas pinili nitong manahimik muna. Nakatitig ito kay Jaime lalong-lalo na sa anak nilang dalawa.

Gusto niyang yakapin ito nang mahigpit dahil sa wakas ay nakita niya rin ito sa loob ng ilang taong hindi niya ito nasilayan man lang. Iba sa pakiramdam, ibang-iba. His heart is exploding now with so much joy.

"Really, Papa? Then, that will be great! What is his name po?"

Tumikhim naman si Jonas. "I'm Jonas, so—kiddo." Muntik pa itong madulas. Pasimpleng sinamaan nang tingin ni Jaime si Jonas. Nagulat naman si Jaime nang bumitaw sa kanya si Mave at niyakap ang binti ni Jonas.

Tumingin naman si Jonas kay Jaime at nangungusap ang mga mata nito. Gustong-gusto nitong yakapin ang anak. Napatitig sa kanya si Jaime.


Jaime Everest Logan POV


Gustong-gusto kong buhatin si Mave at tumakbo palayo kay Jonas, but I can't do that anymore. Tila sinampal ako ng realidad na kahit kailan ay hinding-hindi ko matatakasan ang bagay na ito.

Pero hindi pa ako handang sabihin kay Mave ang lahat at hinding-hindi ko rin magagawang ibigay sa kanya ang anak ko kahit kailan.

Nakatitig lang ako kay Mave na nakayakap sa binti ni Jonas. Malaki ang ngiti nito. Napatingin ako kay Jonas na ngayon ay nakatitig sa akin. Hindi 'yon isang tingin na may balak na kunin ang anak ko at ilayo sa akin. Isang tingin 'yon na nangungusap.

Hiding Series 1: Hiding The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon