Third Person POV
Kusang bumaling ang paningin ni Jaime kay Jonas. Nagtagpo ang kanilang mga mata, isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Jonas. Walang ibang ginawa si Jaime kung hindi ang mapalunok na lang ng laway dahil sa paghaharumintado ng puso niya.
"B-Bakit?" Gusto nitong sampalin ang kaniyang bibig dahil sa pagkakautal niya.
"Thank you." He sincerely stated. Marahan namang inalis ni Jaime ang kamay ni Jonas sa kamay niya at lumayo siya ng kaunti rito.
"For what?"
"For staying with me." May kislap ang mga mata nito habang sinasabi ang katagang iyon kay Jaime.
Isang tipid na ngiti lamang ang iginanti ni Jaime. He has a lot of questions running in his mind, but he knows that this is not the right time to ask those. Hindi na umimik si Jonas.
"How are you, Daddy?"
"I'm fine. Have you visited Lerwick?"
"Not yet po. We stayed here, Daddy."
Napatingin si Jaime kay Maverick na nakatunghay kay Jonas habang hawak ang kamay nito. Hinaplos naman ni Jonas ang pisngi ng anak niya. Umiwas ng tingin si Jaime ng bumaling ang tingin ni Jonas sa kaniya.
"I thought you were going to leave us."
"I won't. Hindi ko kayo iiwan."
Ibinalik ni Jaime ang paningin sa kaniyang mag-ama. Nag-echo sa pandinig niya ang sinabi ni Jonas. Pumasok naman si Khalil kasama ang isang doctor at nurse.
"Anak, come here." Tawag ni Jaime sa anak. Lumapit naman ito sa kaniya. Lumayo muna sila sa kama upang matignan ng doctor si Jonas. Matapos tingnan ng doctor si Jonas, lumapit si Khalil sa kaniya.
"So, how is Jonas, Doc?"
"Maayos na ang pasyente, pero kailangan niya pa ring manatili rito sa hospital ng ilang araw para tuloy-tuloy ang kaniyang paggaling. Sa ngayon, huwag ninyo munang pagalawin ang pasyente para hindi bumuka ang kaniyang tahi. Reresitahan ko na lang siya ng pain reliever at antibiotic." Paliwanag ng doctor sa kaniya bago iabot ang isang papel. Tiningnap ito ni Khalil saka siya tumango.
"Thanks, Doc."
Tumango naman ang doctor at umalis kasama ang nurse. Bumaling naman si Khalil kay Jonas.
"Narinig mo naman ang sabi ng doctor. Huwag mo ng balaking tumakas ulit." Paalala ni Khalil dito. Jonas just hissed. "'Tsaka, isa pa pala. Pupunta dito mamayang hapon si Lolo at Matthew. Sina Tita at Tito naman bukas pa ang balik." Dagdag nito dahilan para umangat ang tingin ni Jaime. Hindi niya naitago ang sobrang pagkabigla.
'S-Sina Don Ceferino at Matthew?' Kinakabahang sambit nito sa kaniyang isipan.
"Tsk. Do something just to stop them, Khalil." Malamig na wika ni Jonas sa pinsan niya. Napakamot naman sa ulo si Khalil at hilaw na ngumiti.
"Eh, insan. Wala na akong magagawa, pinagbantaan ako ni Lolo. Ayokong dagdagan ang galit niya saka isa pa, nasabi ko na ang dahilan kung bakit lumala ang lagay mo."
Nagkasalubong ang kilay ni Jonas dahil sa sinabi ni Khalil. Kaagad siyang kumuha ng isang unan at binato kay Khalil. Napangiwi si Jonas nang maramdaman niya ang pagsakit ng kaniyang tagiliran. Ito ang dahilan para mapabalik sa reyalidad si Jaime.
"Hoy, ano 'yan? Jonas, 'yung sugat mo." Agarang puna ni Jaime rito.
Tumigil naman si Jonas at inis na napabuntong-hininga.