Chapter 24

416 13 2
                                    

Jaime Everest Logan POV



"Are you sure about this, Jaime? Aalis talaga kayo?" Lovely ask while I was packing our clothes. Tumigil ako saglit bago ko siya tiningnan. Nakita ko na parang siya ay maiiyak.

Napabuntong-hininga naman ako. Ayoko sanang umalis, pero para sa kaligtasan namin at para rin sa kaligtasan nila ay gagawin ko 'to. Alam kong madadamay sila sa gulong ito kapag hindi ako umalis dito. Ayokong mapahamak sila dahil sa amin.

"I'm sorry, Love. I promise to Mave that we will stay at Jonas' place before his birthday, and I don't want to break that promise to him. You know that I will do everything just for my son even though I don't like it."

I lied. Mas okay na 'yon na wala silang alam.

Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya saka niyakap na lang ako. Niyakap ko rin siya. Napahiwalay naman kami nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napatingin ako doon at nakita ko si Mave na may ngiti sa labi.

"Papa, Daddy is here na po." Excited niyang sabi.

Alam kong hindi na ito makapaghintay. Tumango ako sa kanya saka ko tinuloy ang pag-aayos ng mga gamit namin sa maleta.

Napatingin ako kay Lovely. "Nasaan pala si Lerwick?" Tanong ko sa kanya at nakita ko ang lungkot sa mga mata nito. I heave a deep sigh.

Kahapon, nang mag-usap kaming tatlo, labis talaga ang kanyang pagtutol sa pasya ko. Simula kahapon, hindi na niya ako kinakausap hanggang ngayon. Nakaramdam ako ng kalungkutan. Tinapik naman ni Lovely ang balikat ko.

"Alam kong hindi ka rin matitiis ni Kuya, Jaime. Hindi iyon papayag na basta ka na lang aalis na hindi ka niya makakausap. Alam mo namang may gusto 'yon sa—"

"Love." I warned him.

Ayoko nang marinig pa iyon. Mas nasasaktan ako para kay Lerwick. Kapag naririnig ko ang katagang 'gusto ako ni Lerwick', nasasaktan ako dahil alam ko ang pakiramdam ng hindi mahalin at piliin ng taong mahal mo. Naranasan ko rin iyon dati.

Napayuko na lang ako. All this time, Lerwick is always there for me. Walang araw na hindi niya ipinaparamdam sa akin na mahalaga ako sa kanya, na mahal niya ako, pero...wala akong ginawa kung hindi balewalain lamang iyon.

"Love, alam kong hindi ito ang unang beses na humingi ako ng tawad. Sorry for not loving your brother. Sorry kung nasasaktan ko siya."

Ngumiti naman siya at tinapik ang balikat ko.

"Ano ka ba, ayos lang. Naiintindihan ko naman. Hindi pinipilit ang puso kung sino ang mamahalin mo." Nakangiti niyang sabi saka natawa pa kalaunan. Natawa na lang rin ako.

"Sige na, naghihintay na si Mave. Excited masyado." Sabi niya ulit.

Tumango na lang ako at tipid na ngumiti. Kinuha ko ang isang maleta at kinuha naman ni Lovely ang maleta ni Mave. Naunang lumabas si Lovely kasama si Mave. Tumigil ako saglit sa labas ng pinto at saglit na tumingin sa kwarto. I'll miss this place.

Isinara ko na ang pinto at sumunod sa kanila pababa. Hinanap ng mga mata ko si Lerwick, pero wala talaga akong makita ni anino man lang niya. Tumingin na lang ako sa dinadaanan ko saka na ako lumabas ng bahay.

Nakita ko si Jonas na naghihintay sa amin sa labas ng gate. Nakasandal ito sa kotse niya habang nakahalukipkip. Medyo magulo pa ang buhok niya. Batay sa ayos niya, alam kong galing siya sa opisina. Umiwas ako ng tingin ng magtagpo ang aming mga mata.

Tumigil kami sa mismong labas ng gate at tumingin ako kay Lovely. Kaagad niya naman akong niyakap ulit kaya niyakap ko rin siya.

"Mamimiss kita, Jaime. Mag-ingat ka palagi, huh? Kakamustahin mo ako palagi." Saad nito kaya napangiti naman ako.

Hiding Series 1: Hiding The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon