Third Person POV
Napabuntong-hininga si Jonas habang palabas ng bahay. Hindi pa rin nito maintindihan kung bakit gano'n ang naging pag-uusap nila ni Jaime. He's just offering him a coffee. Nagpaalam lang naman ito sa magandang paraan para kitain ang mga kaibigan niya at hindi si Valerie. They argued over pointless things.
Isinuot nito ang kaniyang helmet saka inilabas ang kaniyang cellphone. He checks all the CCTV footage that is connected to his phone. In-activate na rin nito ang isang emergency signal para kung sakaling may hindi mangyaring maganda, malalaman niya kaagad at maililigtas ang kaniyang mag-ama.
Nang maisaayos ang lahat, kaagad siyang sumakay sa kaniyang Ducati Superleggera V4. Inilagay na rin nito ang kaniyang earpods sa kaliwang tenga at kaagad na siyang nagmaneho paalis.
Sa isang dako, makikita si Jaime na nakatayo at nakasandal sa railings ng veranda habang nakatanaw kay Jonas na paalis. Sinundan nito ng tingin ang sinasakyan hanggang sa mawala ito sa kaniyang paningin. Tumingala ito sa kalangitan at napabuntong-hininga. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Hindi niya alam, ngunit nakaramdam siya ng kaba. Kaba na hindi niya matukoy kung para saan. Ipiniling niya ang kaniyang ulo saka lumapit sa kaniyang laptop at kinuha ito.
"Matutulog na lang siguro ako." Bulong niya sa sarili. Papaalis na siya nang mahagip ng kaniyang mata ang kape na ibinigay ni Jonas. Hinawakan niya ang mug at napansin na hindi na ito gano'n kainit. Lumalamig na ito nang paunti-unti.
Kinuha niya ito at tinikman. Humagod sa kanyang lalamunan nito ang maligamgam na kape. Nilasahan ng kaniyang dila ang pagkatimpla nito. Hindi gano'n kapait at hindi gano'n ka-creamy at hindi rin gano'n katamis. Tamang-tama lang sa lasa na gusto niya. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. Sa totoo lang, nakuha ni Jonas ang panlasa niya.
Binitbit niya ito papasok ng kuwarto at isinara ang sliding door. Ipinatong niya ang laptop sa study table.
"Let's sleep na po, Papa." Inaantok na sabi ni Maverick sa kaniya na nakaupo sa kama at humihikab pa.
"Wait lang, 'nak." Saad niya at ginulo ang buhok ng anak saka tumayo upang tumungo sa kusina bitbit ang mug ng kape.
When he reached the kitchen sink, he stared at the coffee. He was about to pour the contents into the sink when he came to an abrupt stop. Napatitig siya sa kape. Sumandal siya sa sink.
"Sayang naman kung itatapon ko." Sabi niya sa kaniyang sarili bago ubusin ang kape. Pagkatapos ay hinugasan niya ang baso saka siya nagmumog at uminom ng tubig.
"Sana lang ay makatulog ako nito." Dagdag niya bago balikan si Maverick na hinihintay siya.
Samantala, sa isang silid naman kung saan mayroong mahabang mesa at mga upuan, makikita ang pitong tao na nag-uusap. Ang set-up ng silid ay parang sa isang conference room ngunit iba ang mga bagay na nakalatag sa mahabang mesa. Sa halip na mga laptops at mga dokumento, naroon ang mga baril, explosive devices, rifles, mga kutsilyo, shuriken, crossbows, at marami pang iba.
"Felix, anong oras na? Parating na ba si bossing?"
"Oo, sinabi na ni Khalil kanina ang lokasyon at oras, siguradong parating na 'yon."
"Huwag ka kasing mainip Marvin. Alam mo namang kasama niya sina Jaime at Maverick, 'di ba?" Saad naman ni Sylvester. Nanahimik na lang si Marvin habang inaayos ang gloves niya.
"Anong sabi ng mga tauhan natin, Felix? Naayos na ba nilang lahat?" Tanong naman ni Khalil.
"Nandoon na sila kanina pa. Naset-up na rin nila ang mga kailangan."
Tumango naman si Khalil bilang tugon. Napatingin siya sa kaniyang relo. Pasado alas otso na, may isang oras pa sila bago ang paglusob na gagawin nila.
Sakto namang bumukas ang pinto at bumungad sa kanila si Jonas. Kaagad na nagsitayuan ang lahat at binati ito. Hindi sumagot si Jonas bagkus ay dumiretso ito sa pinakagitna ng silid at tumingin sa kanilang lahat.
"Is everything ready?"
"Yes, bossing. Siyempre kami pa." Sagot naman ni Sylvester at nag-salute pa.
"Ang galing. Akala mo siya ang may pinakamaraming nagawa." Bulong ni Blair sa isang tabi. Mabuti na lang at hindi ito narinig ni Sylvester, kung hindi ay magbabangayan na naman silang dalawa.
"Good."
"Ito lang ba ang kakailanganin natin, boss?" Tanong ni Lucas. Pinasadahan ng tingin ni Jonas ang lahat ng mga weapons sa mesa.
"Pack everything, then follow me afterwards." Seryosong saad ni Jonas at naunang lumabas ng silid. Sumunod naman si Raziah palabas na kanina pa nakasandal sa dingding at walang imik.
"Iba talaga itong si Raziah natitiis niyang hindi magsalita." Puna ni Lucas habang kinukuha ang dalawang baril sa mesa.
"Hindi kaya napapanis ang laway no'n?" Tanong naman ni Felix sa kanila. Kaagad namang natawa sina Sylvester, Lucas, at Marvin maliban lang kina Blair at Khalil na seryosong nag-aayos ng mga dadalhin nila.
"Hoy mga dipungól tigilan niyo na 'yan, bilisan niyo na lang ang pag-aayos diyan kung ayaw niyong malintikan kay boss." Puna ni Blair at kinuha ang isang black box na may lamang mga first aid kit.
"Edi wow, Blair. Edi wow." Pang-aasar ni Sylvester sa kaniya.
Nanliit naman ang mga mata ni Blair. "На? Hampáslupa ka." Ganti nito at napairap bago lumabas ng silid.
Napailing na lang si Khalil nang pagtawanan si Sylvester nina Lucas at Marvin.
"Bwisít talaga ang pandak na 'yon." Nakabusangot niyang saad habang padabog na isinisilid sa isang itim na backpack ang mga lubid at hooks pati ang shuriken.
"Okay lang 'yan, pre. May point siya." Pang-aasar ni Felix at kaagad kumaripas ng takbo palabas ng silid bitbit ang dalawang gun cases bago pa siya mabatukan ni Sylvester.
Pigil naman ang tawa nina Khalil, Lucas, at Marvin dahil sa mga kalokohan ng kasama nila. Lumabas na rin naman si Sylvester na siguradong hahabulin si Felix.
Kaagad kinuha ni Marvin ang isang rifle case at inilagay roon ang paborito niyang Arctic Warfare Magnum at mga magazines nito. Samantala si Khalil naman at si Lucas ay inilalagay sa iba pang gun cases at bags ang ibang gamit na naiwan. Nang maisaayos ang lahat, kaagad silang lumabas ng silid.
"Siguradong magiging exciting ang gabi na 'to." Wika ni Lucas habang binabaybay nila ang daan palabas ng headquarters.
"Dating gawi. Paramihan tayo." Nakangising saad ni Marvin kay Lucas.
"Deal. Maghanda ka ng matalo ulit."
Napailing na lang si Khalil dahil sa narinig mula sa dalawa. Napabuntong-hininga siya at inisip ang magiging kahihinatnan ng gagawin nila. Hindi niya maiwasang mangamba para sa kaligtasan nilang lahat. Ngayon kasing gabi gaganapin ang paglusob nila sa isa sa mga mansion ni Diego upang iligtas ang mga magulang ni Lovely at Lerwick.
After a few days of searching Salvador's parents' location, they finally found it. Napabuntong-hininga siya ulit. Siguradong magiging madugo ang labanan na gaganapin mamaya.
A man in his mid-30s is walking in the dimly lit hallway passing through the huge pillars. Each pillar is built within the area with five meters apart from each other. Every pillar has an orangish-colored lamp placed five meters above the ground, adding to the eerie scenery of the whole place. A man who is younger than him is silently following him. Hindi maipagkakaila ang takot sa mukha nito.
"Sa tingin mo ba hindi ko malalaman?" Umpisa ng lalaki. Hindi maipagkakaila ang inis sa boses nito. "Akala mo ba ay maitatago mo sa akin na wala na si Jaime sa bahay ninyo?" Dagdag nito dahilan para mangamba ang binata.