Chapter 30

165 9 0
                                    

Khalil Mason Del Fierro POV



Napahawak ako sa braso ko na nadaplisan ng bala. Bwisít! Pinalitan ko ng magazine ang baril na hawak ko at pinaputukan ang limang tauhan ni Diego. Kaagad akong nagtago nang sumalubong sa akin ang machine gun. Tàngina! Dehado ako!

I immediately fetch out the bomb and remove the pin. Ibinato ko ito sa puwesto nila at sunod noon ay ang malakas na pagsabog. Napadapa pa ako sa semento dahil sa impact. Pati ako damay.

Kinusot ko ang mata ko at napatingin sa paligid. Itinukod ko ang kamay ko upang tumayo, pero hindi pa man ako nakakagalaw, may malamig na bagay na dumampi sa sintido ko. Nalintíkan na. Tsk.

"I didn't know that some of Jonas's men are this weak." Nagpanting ang tenga ko. The fúck? Tumihaya ako at nakita ko ang isang babae. Napangisi ako.

"Hi, miss." Bati ko. Napangiwi ako ng mas idiniin nito ang dulo ng baril sa sintido ko. Nakikita ko ang galit sa mukha nito. Maganda siya pero hindi ko siya type.

"Hindi mo ako madadaan sa paganyan-ganyan mo, tukmól." Mariing bigkas niya. Sinalubong ko ang tingin nito.

"Tss. Edi iputok mo na? What are you waiting for?" Hamon ko. Tumaas naman ang kaniyang kilay at napangisi siya.

She was about to pull the trigger, but I immediately smacked her arm. I grabbed her left arm and pulled her closer to me, then we switched our positions. Mahigpit kong hinawakan ang dalawang kamay at idiniin ito sa sahig. Napangisi ako.

"G-Get off me!" Sigaw niya at pilit pumapalag sa hawak ko. Tinitigan ko ang mukha nito na asar na asar sa akin. Not bad. She has the looks, but I don't like her personality. Masiyadong maingay.

"So who's the weak one?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya. Nakita ko ang sobrang pagkapula ng mukha nito sa inis.

"Fûck you!" Mabilis niya akong hinead bat na hindi ko kaagad inasahan. Nabitawan ko ang kamay niya. In that moment, she immediately punched me in my face. Fûck! Mukhang nagkamali ata ako sa amasonang babae na 'to.

Napahawak ako sa ilong ko at naramdaman ko ang pagdurugo nito.

"Manyak ka!"

I immediately crouch on the floor when she kicks me right in my balls.

"Dâmn it!" Hindi ako makatayo. Tângina!

"Serves you right." Napatingin ako sa kaniya na pinulot ang baril at inirapan ako. Wala siyang ginawa kung hindi ang iwan ako dito na nakahiga sa sahig.

Bwisît!



Third Person POV



On the other hand, Jonas is carefully making his way to the basement. He slowly descends the stairs to the basement carrying the M4 Carbine. He can hear guttural sounds coming from the inside. Kaagad nitong sinipa ang pintuan at itinutok sa loob ang baril na hawak.

Agad siyang pumasok at bumungad sa kaniya ang mga magulang nina Lovely at Lerwick sa loob kung saan kapwa nakagapos at may nakakabit na bomba. Kaagad itinago ni Jonas ang baril at tinungo ang kanilang puwesto. He immediately removes the gag on their mouths. Then he can now clearly hear all their weeps.

"H-Huwag mo kaming sasaktan, m-maawa ka." Pagmamakaawa ng ina ni Lovely na halos wala ng boses.

They're really wasted. Halata ang sobrang hirap na pinagdaanan nila. Tahimik na inalis ni Jonas ang mga tali nila pati na rin ang bomba na nakakabit sa kanilang katawan.

"I'm here to help." Seryosong sabi nito sa mag-asawa.

He still has 10 minutes to leave the place.

"Kailangan na po nating makaalis." Magalang nitong saad at tinulungan silang tumayo. "We don't have enough time."

Muntik pang matumba ang ina ni Lovely dahil sa panghihina mabuti at nandiyan ang kaniyang asawa upang umalalay sa kaniya.

"T-Tutulungan mo ba kami?" Tanong ng ama ni Lovely at tanging tango ang ginawa si Jonas habang ginagabayan sila palabas ng basement.

Hawak nitong muli ang M4 Carbine at alistong minamatyagan ang buong paligid. Kitang-kita ang galak at pag-asa sa mukha ng mag-asawa. Hindi mapigilang mapahikbi muli ang ina ni Lovely.

"A-Ang anak ko. Ang anak ko n-nakuha niyo ba?" Napakunot ang noo ni Jonas at kaagad napalingon sa kanila.

"Ang anak niyo?"

"Oo. S-Si Lovely...si L-Lovely ang anak ko k-kinuha ni Diego." Puno ng hinagpis na wika ng ina ni Lovely at halos mahimatay na ito.

"Kumalma ka, mahal." Pagpapagaan ng asawa sa kaniya.

Napatiimbagang si Jonas dahil sa narinig. Hinawakan nito ang kaniyang earpiece.

"Raziah." Wika nito. "Did you catch Diego?"

"I'm sorry, Prime. He escaped into the woods, but I found a boy inside the car. He is severely wounded."

Napahigpit ang hawak ni Jonas sa baril. Kung isang simpleng bagay lang ito ay malamang kanina pa ito nadurog.

"Is he still alive?"

"Yes, Prime. I gave him first aid and I have already contacted for medical assistance."

"Okay."

Nawala na sa kabilang linya si Raziah. Agad namang napatingin si Jonas sa kaniyang relo. They still have 8 minutes left.

"We need to leave this place immediately." Wika ni Jonas at tinulungan ang mag-asawa upang bagtasin ang daan palabas ng mansion.

Wala naman silang nakakasalubong na mga kalaban dahil kahalusan sa mga ito ay napatay na ng mga tauhan ni Jonas, ngunit habang papalapit na sila sa exit, biglang lumitaw ang walong lalaki at pinaputukan sila. Mabuti at nakakubli kaagad sila sa isang pader ngunit hindi maiwasan na tamaan si Jonas sa kanang balikat nito.

"Shît!"



Jaime Everest Logan POV



Ilang oras na ba akong nakatulala lang sa ceiling? Kanina pa tulog si Mave at ako, gising na gising pa rin hanggang ngayon. Humiga na ako kaninang pasado 8:50 pm, pero ala dose na ng hatinggabi. Napaupo ako sa kama at hinilot ang sintido ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog.

Maingat akong umalis sa kama at naglakad palapit sa sliding door saka napatingin sa labas. Siguro, dahil lang talaga sa kape ni Jonas kaya hindi ako makatulog. Sana pala, hindi ko na lang talaga iyon ininom. Lumapit ako sa study table at umupo sa upuan saka binuksan ang laptop ko.

Napalingon ulit ako sa wall clock. Wala pa rin si Jonas hanggang ngayon. Akala ko ba babalik siya kaagad? Napabuntong-hininga ako. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Malamang, doon na 'yon natulog sa girlfriend niya. Pero ano nga ba ang pakialam ko at bakit ko nga ba siya iniisip?

It's his duty to be with his girlfriend. Kung sino man ang may mga karapatan sa amin ni Valerie, siya 'yon at labas na ako do'n. Si Maverick lang naman ang rason kaya siya nandito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang ganito naming set-up. Masyadong magulo. Nag-aalala lang ako dahil baka sa paglaki ni Maverick at malaman niya ang totoo, magtanim siya ng sama ng loob sa akin o kay Jonas.

Even though Jonas did something terrible in the past, I don't want Mave to detest him. Maaaring naging makasarili ako noon dahil inilayo ko si Mave sa ama niya, pero hindi naman ako naging masamang magulang para sulsulan ang anak ko na kamuhian si Jonas. Labas na si Mave sa kung ano man ang ginawa ni Jonas sa akin noon.

Napabuntong-hininga ako. Handa naman akong ipaliwanag kay Mave ang lahat pagdating ng araw, pero sana maintindihan niya lahat. I heave a deep sigh and lean on my chair. Napagdesisyunan kong magtimpla na lang ng gatas para makatulong sa akin upang makatulog ako.

Hiding Series 1: Hiding The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon