Chapter 38

303 13 0
                                    

Lerwick Ace Salvador POV



Para akong nalulunod dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko ngayon. Pain. That's what I feel right now. I tried to accept it na wala na talagang pag-asa sa pagitan namin ni Jaime, pero ang hirap pa rin pa lang tanggapin. Matamlay akong bumalik sa ICU kung saan naroroon ang kapatid ko. My mom and dad just woke up earlier and told me everything.

Matagal na pala silang hawak ni Diego. Sa pagkakaalala ko, siya ang ex ni Jaime, but I don't get it kung bakit niya iyon ginawa sa mga magulang namin. Wala naman akong maalalang may atraso ang pamilya namin sa mga Santos. If it is about business, we are not even acquainted with him.

Ang tanging sinabi lang ng mga magulang ko, may kailangan daw si Diego sa kapatid ko. I asked them about it, but they are clueless. Ang tanging pag-asa ko na lang sa ngayon ay si Lovely. Tumigil ako sa paglalakad ng marating ko ang kuwarto ni Lovely.

Napakunot noo ako nang mapansing nakabukas ito ng kaunti. Kaagad akong pumasok sa loob. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang isang babaeng nakatalikod mula sa puwesto ko. She's not a nurse or one of the attendants. Naka-civillian ito. She's holding a syringe.

"What are you doing?" I asked her. Napansin ko na natigilan ito.

Nabigla ako nang mabilis niyang inamba ang syringe sa direksiyon ko na ikinaatras ko. She kicked me in my stomach, which made me fall to the floor. Napangiwi ako at napahawak sa tiyan ko. Tangîna!

Kaagad itong kumaripas ng takbo palabas ng room. Shît!

"Who the hell are you?!" Sigaw ko at tumayo. Hinabol ko ito palabas ng room habang hawak-hawak ko ang tiyan ko. The fûck?! Is she planning to kill my brother?!

Hindi ko na nagawa pang habulin ito nang tuluyan nang makalayo at mawala sa paningin ko. Kinabahan ako. Kaagad akong bumalik sa kuwarto ng kapatid ko at tumawag ng doctor. They asked me what happened, and I told them about it. They checked on my brother, and they said he's okay.

Balisa akong pabalik-balik ang lakad sa loob ng kuwarto. Shît! Kung hindi ko iyon naabutan baka kung ano na ang nangyari sa kapatid ko. Pilit kong inaalala ang itsura ng babaeng iyon pero hindi ko man lang nakita dahil naka-mask ito.

May tao bang gustong patayin ang kapatid ko? Maraming katanungan sa isipan ko. Napatingin ako kay Lovely na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.



Jaime Everest Logan POV



Nang makabalik sina Khalil at Mave, umalis na rin ako para bumalik sa bahay at kumuha ng ilang gamit namin. Iniwan ko na lang sa kanila si Mave. Napabuntong-hininga ako habang naghihintay na bumukas ang elvator. Mamaya ko na lang kakausapin si Jonas. I wanted to talk to him, iyong seryosong usapan and I also wanted to know everything para may alam naman ako sa mga nangyayari sa kaniya. Ayokong maging clueless sa mga bagay na ginagawa niya.

Nang bumukas ang elevator, nakita ko na may dalawang tao sa loob. Isang lalaki na naka-cap at leather jacket at isang nurse. Kaagad na akong pumasok sa loob at pinindot ang 3rd floor. Habang nasa loob, medyo kinakabahan ako pero kinalma ko lang ang sarili ko. Nakatingin ako sa wall ng elevator at nakikita ko silang dalawa na nakatayo sa likuran ko. Napahawak ako sa bag ko nang makita kong titig na titig sa akin ang lalaking naka-cap.

Nang bumukas ang elevator, mabilis akong lumabas. Napahugot ako ng malalim na hininga nang mapansin kong pigil na pigil ko pala ang paghinga ko. Kaagad akong naglakad patungo sa room ni Lovely. Pasimple pa akong napalingon dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Parang may mga matang nakamasid sa akin.

Nang makarating ako sa room, nakita ko si Lerwick na hindi mapakali at tila malalim ang iniisip. Kumatok ako kaya kaagad itong napatingin sa direksiyon ko. Binuksan ko ang pinto at kaagad ng pumasok sa loob. Mabilis akong lumapit sa kaniya at dumapo kaagad ang paningin ko kay Lovely. Wala akong nagawa kung hindi ang maawa sa kalagayan nito. May pasa ang pisngi nito at may galos. May mga pasa at galos rin ang mga braso niya at may neck brace at may cast sa kaliwang paa.

Hindi ito mangyayari sa kaniya kung hindi dahil sa amin. Nilapitan naman ako ni Lerwick at hinaplos ang likuran ko.

"Kamusta na siya, Rick? Anong sabi ng doctor?"

Inalalayan ako nitong maupo sa sofa. "Ayon sa mga doctor ay stable naman siya, pero hindi nila alam kung kailan siya magigising. Bukod kasi sa pagkabali ng kaniyang paa at problema sa leeg, medyo napuruhan rin ang kaniyang ulo. He's still under observation until now. Sabi naman ng doctor kung magising siya, matatagalan siyang makakalakad muli." Paliwanag nito dahilan para makaramdam ako ng lungkot at panlulumo.

Napatingin ako ulit kay Lovely. Sa mga panahon na kailangan niya ako ay wala ako sa tabi niya. Wala man lang akong naitulong sa kaniya. Napaluha na naman ako. Tumayo ako at lumapit sa higaan niya saka hinawakan ang kamay niya.

"You should have told me, Lovely. Bakit mo sinekreto sa akin ang lahat?" Mahinang tanong ko sa kaniya at pinunasan ang pisngi ko.

Nag-usap pa kami ni Lerwick saka na ako nagpaalam sa kaniya para umalis. Sinamahan ako nito hanggang sa labas ng kuwarto.

"Kamusta na nga pala si Jonas?" Tanong niya. Pumihit ako paharap sa kaniya.

"Maayos na siya." Tumango naman siya. Napabuntong-hininga ako at hinawakan ang braso niya. "Ikaw, ayos ka lang ba?"

Tumingin ito sa akin. Ngumiti ito pero matamlay. "Sa totoo lang hindi eh, but I have to be strong for them." Wala akong nagawa kung hindi ang yakapin na lang ito.

"Alam kong magiging maayos rin ang lahat. Hayaan mo, dadalasan ko ang pagdalaw sa'yo dito." Sinserong saad ko. Niyakap niya rin ako.

"Salamat, Jaime."

Humiwalay ako ng yakap sa kaniya at ngumiti. Saglit ko munang tiningnan si Lovely bago ako nagpaalam para umalis. Dumaan naman ako sa kuwarto nina Tita at Tito. Napangiti ako nang makita ko silang dalawa na masayang nag-uusap. Kumatok muna ako bago pumasok sa loob.

"Jaime!" Masiglang tawag ni Tita sa akin. Kaagad akong lumapit sa kanila at niyakap silang dalawa. Napansin ko ang pagbabago sa pisikal nilang anyo. Medyo nangayayat silang dalawa.

"Kamusta po?" Tanong ko at humiwalay ng yakap sa kanila. Hinawakan naman ni Tita ang kamay ko at pinasadahan ako ng tingin.

"Naku, ayos na kami. Ikaw kamusta ka na?"

"Ayos lang po ako, Tita." Nakangiting sagot ko. "Ano po ba ang nangyari?" Dagdag ko.

Nagkatinginan naman sila ni Tito. Hinaplos ni Tito ang likuran ni Tita. Napansin ko na hindi talaga maganda ang naranasan nila sa kamay ni Diego. Nasasaktan ako dahil mukhang nagkaroon ng trauma si Tita.

"Huwag niyo na pong sagutin, Tita. Ayos lang po." Bawi ko. Umiling naman siya.

"Hindi namin alam ang nangyari. Someone abducted us. Pinahirapan nila kami. Kinuha nila ang ilan sa mga ari-arian namin. Nalaman namin na si Diego ang may pakana no'n. Wala kaming alam kung bakit niya iyon ginagawa at pati ang anak namin ay...dinamay niya." Kaagad akong tumayo upang yakapin si Tita dahil nagsimula na itong umiyak.

Mga ilang segundo ay tumigil siya sa pag-iyak at humiwalay ng yakap sa akin. "Pero nagpapasalamat kami dahil may nagligtas sa amin, ijo." Nakangiti niyang sabi. Kinutuban naman ako at alam kong si Jonas ang tinutukoy niya.

"Alam namin na hindi siya miyembro ng kapulisan, pero kahit ganoon ay sobra ang pasasalamat namin sa kaniya dahil sa pagliligtas niya sa amin. Hindi niya kami hinayaang masaktan. Mabait ang batang iyon, ijo." Nakangiting paliwanag ni Tita sa akin.

Hindi kaagad ako nakaimik sa sinabi ni Tita.

"Tatanawin namin itong malaking utang na loob sa kaniya." Dagdag naman ni Tito.

Isang tipid na ngiti ang ibinigay ko. Gusto kong maiyak, hindi dahil sa lungkot o kung ano man, pero dahil iyon sa ginawa ni Jonas para sa kanila.

Hiding Series 1: Hiding The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon