"Sasha, baka pagalitan na naman tayo ni Don Agustus nito..." ani ni Cindy habang naglalakad kami patungo sa kanila.
Niyaya ko kasi siya na pumunta sa kanila dahil wala naman kaming klase sa huling subject namin. I like their house. At saka, may iba akong pakay.
Cindy is my classmate and also my friend. Natatakot kasi ito na pagalitan ng papa ko. Pero gusto ko kasi tambayan ang bahay nila kaysa sa bahay namin.
"Cindy, don't worry, okay? Ako ang bahala. At saka maaga pa. Mamaya na ako uuwi sa amin. Sobrang boring do'n." ani ko sa kanya.
Wala na siyang nagawa kundi sabayan ako sa paglalakad. And I don't wanna listen to her even if she would say no.
May sundo naman ako pero gusto ko talagang maglakad.
Halos kalahating-oras din ang nilakad namin bago kami nakarating sa kanila. Basang-basa ang uniform ko ng pawis kaya hinubad ko ito at tanging puting sando nalang ang suot ko at ang aking saya.
I immediately sat down on their chair which was made of bamboo. Kung tutuusin, hindi naman malaki ang bahay nila ni Cindy. Ibang-iba sa bahay namin na malaki na pwede kang tumakbo sa loob ng bahay.
Their house was just made of wood. Maliit lang siya. May maliit na sala, kusina, at dalawang kwarto. But I liked it here. Mas gusto ko pa nga ang maliit na bahay kaysa sa mansiyon na walang kabuhay-buhay.
"Tayo lang dito. Alam mo naman sina nanay at tatay, nagtatrabaho sa pinyahan ninyo." said Cindy who was beside me.
Cindy's parents were working for us. Kami ang nagmamay-ari ng pinakamalaking pinyahan dito sa bayan ng El Rancho. Si Papa ang isa sa tinuturing na diyos dito sa aming bayan.
Inilibot ko ang mata ko sa kanilang bahay.
"Ang kuya mo?" tanong ko kay Cindy.
Natawa siya sa tanong ko. "Sinasabi ko na nga ba... Hinahanap mo na naman si kuya."
Inismiran ko siya. Kunwari hindi ko alam ang sinasabi niya. "W-what are you saying? Nagtatanong lang naman..." palusot ko.
"Asus! Pumunta ka lang siguro dito para makita si Kuya dahil hindi mo siya nakita sa skwelahan kanina!" she pointed.
Hindi nalang ako sumagot. I admit, I had a crush on Cindy's brother. Isa sa dahilan kung bakit ako pumupunta sa bahay nila ay para makita ang kuya niya.
Wala kasing klase ang mga senior high school tuwing biyernes kaya hindi ko siya nakita. Nasa ikalabing-dalawang baitang na ang kuya ni Cindy, habang ako ay nasa grade ten pa lang.
"Si Kuya Hugh, siguro nasa pinyahan din tumutulong kina nanay at tatay. Gano'n naman talag 'yon. Kapag walang klase, tumutulong siya sa pinyahan." saad ni Cindy.
I smiled. One thing I liked about Hugh was, he was hard working. Mabait din siya at magalang. Tingin ko sa kanya, mukhang maginoo naman.
"Sa banyo lang ako." paalam ko kay Cindy.
Tumayo na ako at pumunta sa kanilang likod-bahay kung nasaan ang kanilang maliit na banyo na pinagdampi-dampi lang na kahoy ang bubong.
Sa ilang beses ko na pabalik-balik dito, nakabisado ko na ang bahay nila, hindi na rin ako naiilang na gumalaw. I moved like I owned the house.
Naisip ko na dapat na sanayin ko na ang sarili ko dahil kapag mag-asawa na kami ni Hugh, isang pamilya na kami.
Nakagat ko ang labi ko sa iniisip. Nalunod ako sa aking pagdedeliryo kaya deritso kong nabuksan ang banyo.
"Ay butiki!" sigaw ko.
Agad akong napatakip ng mata nang makita ko si Hugh na naliligo. Gaya ko ay nagulat rin siya sa pagsulpot ko. He immediately grabbed the towel, then he wrapped it around his body.
YOU ARE READING
El Rancho Series 1: Twist of Temptation
RomanceSi Sasha Isabel Sanches ay isang haciendera. Sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking pinyahan sa bayan ng El Rancho. Sa kabilang banda, si Hugh El Salvador naman ay isang hamak lamang na trabahador ng pinyahan ng pamilya Sanchez. Sa hindi inaasaha...