Chapter 18

295 7 1
                                    

Nakaupo kami sa kulay itim at malawak niyang kama habang ginagamot niya ang sugat ko. His face was so serious while aiding my wounds but I could clearly see that his jaw was clenching.

Sa bawat pagdampi ng bulak sa mga sugat ko, dama ko ang galit niya. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang galit niya.

Sunod naman niyang dinampian ng bulak ang labi  ko na nanunuyo. He stopped for a while when his eyes situated on my dry lips. Then, his eyes traveled to mine. Hindi nagtagal ang tingin niya doon dahil iniwas niya rin ito kaagad, at binalik niya ang paggamot sa sugat ko sa gilid ng labi.

I didn't know how managed to be calm in front of him. Sa sampung taon namin na hindi nagkita, paano ko nagawang kumalma? Why did I not act violently when I saw him after what he did to me?

Dahil siguro sa lahat ng pinagdaanan ko, yakap lang niya ang kailangan ko.

I missed him...

Pinigilan kong huwag umiyak sa harapan niya. Hindi na kami gaya ng dati.

"Who did this to you?" nanggagalaiting tanong niya nang ang pisngi ko naman ang ginamot niya.

His eyes were raging mad. Parang nag-aapoy ang mga mata niya sa galit.

"B-basta,"

Natigil siya sa pagdadampi ng bulok. Kumunot ang noo niya nang tingnan niya ako.

"Basta? Are you serious?" he asked in disbelief.

Napalunok ako. Hindi ako sanay na ganitong may emosyon siya.

Hindi ko talaga alam kung paano umasta sa harap niya ngayon.

Maya-maya ay lumamlam ang kanyang mata. Hindi na niya ako pinilit pa na magsalita. He saw that I was uncomfortable.

Sa simpleng paghawak niya sa balat ko, nawawala lahat ng sakit sa puso ko. Pakiramdam ko, safe na ako.

Pagkatapos niya akong gamutin, niligpit niya ang medicine kit.

"Magpahinga ka na. Dito ka na matulog sa kwarto ko. May gagawin lang ako sa office. Just call me when you need something. Nasa labas lang ako," ani niya.

"Salama—"

Hindi pa man ako tuluyang nakakasagot ay umalis na siya. Wala na akong nagawa kundi sumampa sa kama ni Hugh at humiga.

Inamoy ko ang unan at ang kumot niya.

It smells like him...

Dahil sa pagod at sa nangyari na rin sa akin, agad akong nakatulog.

Kinabukasan, nagising nalang ako nang may breakfast na sa maliit na mesa sa tabi ng kama. Nandoon na rin si Hugh.

He was still wearing his usual grim face.

"A-ahm... Hugh, uuwi na ako..." kinakabahan na ani ko sa kanya. "S-salamat sa pagpapatuloy..."

He sipped on his coffee. Then, he gazed at me.

"Kyle Deverio, sound engineer in AZIZ Broadcasting company, grandson of the CEO... Siya ba ang nagtangkang gumahasa sayo?"

Nagulat ako sa sinabi niya.

Paano niya nalaman lahat ng iyon tungkol kay Sir Kyle?

"Siya ba, Sasha Isabel?" ulit niya.

Ngayon ko lang ulit nadinig na binanggit niya ang pangalan ko. And, it affected me differently. It sent warmth on my chest.

Tumango ako.

Lumapit siya sa akin, at inilahad ang gatas. Agad ko rin naman iyon tinanggap.

"I already took care of him."

El Rancho Series 1: Twist of Temptation Where stories live. Discover now