We stopped at the front of my apartment. Wala pa ring tigil ang pagbuhos ng ulan. Akmang bababa na ako ng sasakyan ngunit naurong ang paa ko nang makita ang tubig ulan.Hanggang tuhod na ang tubig.
Dumungaw rin si Hugh sa labas ng sasakyan. Ganoon nalang ang pagtataka ko nang hubarin ni Hugh ang kanyang sapatos. Ngunit napaiwas ako nang tingin nang sinimulan na niyang tanggalin ang sinturon niya at ibinaba ang kanyang zipper.
"H-hugh... W-what are you doing?" nauutal na tanong ko habang nakatingin sa kawalan.
He didn't answer. Instead, he pulled his pants down. My eyes widened in shock when he stepped out from his car with his shorts on. Sumulong siya sa baha, pagkatapos ay naglakad papunta sa kabilang pintuan ng sasakyan kung nasaan ako.
"Ride me,"
Nabulunan ako sa sarili kong laway nang marinig ang sinabi niya. He was still holding the umbrella. Iba ang nasa isip ko sa sinabi niya. Kung sana pwedeng mahugasan ang utak, matagal ko na ginawa.
"Sumampa ka sa likod ko. I want to give you a piggyback ride para hindi ka mabasa," ani niya at saka nilahad ang kanyang likod.
His back was wide and broad. Naalala ko na naman noon na palagi akong pinapasan ni Hugh kapag pupunta kami ng burol.
He would give me a piggyback ride dahil sabi niya, hindi naman siya kagaya ni Victor na may kabayo. Siya ang paborito kong sakyan noon.
"Sasha Isabel, saka ka lang ba sasakay kapag hanggang leeg ko na ang tubig?"
Doon ko lang ako natauhan. Kahit nag-aalangan, dahan-dahan akong sumampa sa likod ni Hugh. Natigil ang hininga ko nang bahagya niyang nahawakan ang pwet ko.
I heard him cleared his throat. Agad rin naman iyon bumaba sa hita ko, at doon na siya humawak.
Nang makarating na kami sa gate, pinahawak sa akin ni Hugh ang payong, at siya na mismo ang nagbukas ng gate.
He carried me towards the apartment. Nagpalapag na ako sa kanya nang makarating na ako sa tuyo na bahagi.
"Ahm... Hugh, gusto mo bang pumasok na muna?" I offered.
Nakapaa lang si Hugh habang nakaputing long sleeves pa rin ngunit naka boxer shorts nalang siya.
Parang sanay na sanay pa rin siyang magpaa. Sa kabila ng mga naabot niya ngayon, walang arte niya pa ring sinulong ang baha.
"B-baka gusto mong magkape..." dagdag ko.
Inayos ni Hugh ang kanyang medyo basang buhok, tapos tumingin sa 'kin.
"Tamang-tama, gusto kong magpainit," he answered.
Nauna na akong maglakad papunta sa kwarto ko na nasa ikalawang palapag. Sumunod din naman siya sa akin.
Medyo nahiya pa ako nang buksan ko ang pintuan. Isang kwarto lamang ang nirentahan ko kaya medyo maliit lang ang space. Sobrang tangkad pa ni Hugh na halos maabot na niya ang kisame.
"P-pasensiya na... medyo maliit lang talaga ang space rito..."
He was not focusing on me nor what I was talking. His eyes were pinned to somewhere. Nang tingnan ko ang tinitingnan niya, nakatingin 'yon sa mga panty ko na nakasampay.
Agad kong kinuha ang mga panty ko na nakasampay malapit sa bintana. Nagmamadali kong nilagay ang mga panty ko sa aking maliit na drawer.
"S-sandali lang, ikukuha lang kita ng kape..." I said panicking.
Nag-init ako ng tubig sa heater. I offered Hugh a sit. Umupo rin naman siya. Habang naghihintay na uminit ang tubig, kumuha muna ako ng mga damit sa kabinet.
YOU ARE READING
El Rancho Series 1: Twist of Temptation
RomanceSi Sasha Isabel Sanches ay isang haciendera. Sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking pinyahan sa bayan ng El Rancho. Sa kabilang banda, si Hugh El Salvador naman ay isang hamak lamang na trabahador ng pinyahan ng pamilya Sanchez. Sa hindi inaasaha...