Chapter 3

330 7 1
                                    


Nagyaya ang aming buong section na maligo kami sa talon kasi sabado naman kaya walang klase. I was so excited. Wala naman si Papá at Mamá dahil nasa kabilang bayan sila. Bukas pa sila dadating.

Ako na ang nagdala ng mga babaunin namin dahil nag-order naman ako ng isang buong lechon, prutas at marami pang iba.

"Sasha! Dito tayo! Medyo malalim!" anyaya ni Cindy sa akin.

Nakalusong na siya sa tubig habang ako ay nasa cottage pa lamang. Naghahanda lang ako ng aking susuotin.

Hinubad ko na ang aking t-shirt at itinira nalang ang kulay dilaw ko na bra, tapos nakamaong lang na shorts.

Nakita ko pang tinitingnan ako ng mga kaklase kong lalaki lalong-lalo na si Victor. I didn't mind them, instead, I dipped myself to the water then swam towards Cindy's direction.

"Laki pala ng boobs mo, 'no?"

Nahampas ko sa braso si Cindy dahil sa sinabi niya nang makalapit na ako.

"Sira ka talaga!" natatawang saad ko.

"Totoo naman kasi. Tapos sobrang puti mo pa. Kahit nga tatlong oras ka magbilad sa araw, pupula ka lang..." dagdag niya.

Tinuro niya ang mga kaklase namin na mga lalaki na nakatingin sa akin mula sa kalayuan. "Tingnan mo nga ang mga lalaking iyon, halatang pinagpapantasyahan ka."

I just shrugged my shoulder. "They can watch but they can't touch," pabiro kong sabi.

Kapwa nalang kaming natawa at naligo na.

Habang nagpapaunahan kami ng langoy ni Cindy at nagsasabuyan ng tubig, may narinig kaming mga ingay na paparating. Mga boses ng mga lalaki.

And there, I saw group of boys coming. Kasama na doon si Hugh.

"Himala, gumala si Kuya..." Cindy murmured.

Nilingon ko siya. "Hindi ba gumagala ang Kuya mo?" tanong ko.

"Kung walang klase tumutulong naman 'yan sa pinyahan. Skwela at trabaho lang naman ang inaatupag niyan. Ngayon ko lang siya nakitang gumala kasama ang mga kaibigan niya." sagot ni Cindy.

Nagkibit-balikat lang ako at ngumisi. "Buti nalang dito sila gumala." pabiro kong saad.

"Nagpaalam kasi ako kanina sa kanya at sinabi kong maliligo ako sa talon kasama ka."

When I looked at Hugh's direction, I startled when I saw him looking at me. Even from afar, I saw how his jaw clenched. Maya-maya ay biglang bumaba ang tingin niya sa leeg ko, pagkatapos ay bumalik sa mata.

May naramdaman akong kuryente na dumaloy sa buong katawan ko sa paraan ng pagtitig ni Hugh sa akin. Tila may galit at pagbabanta sa mga mata niya.

Natigill lang ang pagtitinginan namin nang tinawag siya ng isang baban. Doon ko lang napansin na may kasama rin pala silang babae.

Nasa kabilang cottage ang mga kaibigan nila.

Lumapit si Hugh sa mga barkada niya. Ang babae ay nanatili pa rin sa tabi niya. Sa tingin ko'y kaedad lang ni Hugh ito.

Binalingan ko nalang ang tingin ko kay Cindy na nakatingin rin sa deriksiyon ng kuya niya.

Nakabusangot ang mukha nito.

"Kasama na naman ang Celeste na 'yan! Parang linta kung makakapit kay Kuya..." she murmured grumpily.

"Celeste?" I curiously asked.

"Oo! Naiinis nga ako sa kanya. Palagi yang pumupunta sa bahay! May gusto kay kuya 'yan, eh," she jeered. "Bago lang 'yan dito sa El Rancho. Nakabili kasi ng lupa at bahay ang tatay niyan dito. Dalawang linggo pa lang niyan dito, pero feeling close na..."

El Rancho Series 1: Twist of Temptation Where stories live. Discover now