Chapter 12

249 7 0
                                    


It was already midnight. Nagpahatid ako sa driver namin papunta sa bahay nina Hugh. Kailangan ko siyang makausap para klaruhin kung bakit hindi siya pumunta. Pero kahit 'wag na. I just need one hug from him.

The rain was pouring hard. While I was still wearing my birthday gown, bumaba ako sa sasakyan at naglakad mag-isa papunta sa bahay nina Hugh. Ako lang mag-isa habang nakapaa dahil maputik na ang daan. I was soaking wet.

Sumasabay ang mga luha ko sa ulan. Mabibigat ang bawat hakbang ko habang papalapit sa bahay ni Hugh. The heavy rain equalled the heaviness I am feeling inside me. I couldn't weigh the pain, it was suffocating me.

I badly need him right now. My heart was so heavy. Maiintindihan ko kung bakit hindi siya makapunta kahit ano pa ang dahilan niya. Gusto ko lang makita siya ngayon at mayakap. I badly need his comfort.

Gusto kong umiyak sa balikat niya. After all, siya lang ang makakaintindi sa akin. Sa mga ganitong sitwasyon, si Hugh ang sandalan ko. I know he will listen to me with no judgment. Many would hear my agony but nobody listens; only Hugh, just Hugh.

"Hugh!" malakas na tawag ko nang makarating na ako sa tapat ng bahay nila.

Basang-basa na ako ng ulan ngunit wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ngayon ay makita si Hugh.

Madilim ang bahay nila at sobrang tahimik.

Kahit nauubusan na ako ng lakas, malakas ko pa ring kinatok ang pintuan nila. "Hugh! Buksan mo 'to! Please, Hugh! Kailangan kita..."

But didn't receive any response. Parang walang tao sa bahay nila.

Umikot ako sa likod ng bahay nila at doon kumatok na naman ngunit wala pa rin. Sumasakit na ang kamay ko sa kakakatok pero mas matindi pa ring sakit ang nararamdaman ko sa puso ko.

"Hugh! I need you! Kailangan ko ng masasandalan, Hugh..." I weakly uttered. I sounded like I was begging.

Napaupo nalang ako sa maputik na lupa at doon umiyak. My voice was cracking. Walang awat ang pagbuhos ng luha ko. Nawawalan na ako ng pag-asa na may sasagot pa dahil wala talagang tao.

I wasn't bothered by the cold which was embracing my skin. Si Hugh ang kailangan ko ngayon.

Nasaan ka ba Hugh? Kailangan na kailangan kita...

Maya-maya ay nakita ko ang aming driver na papadatying. Nakapayong ito at papalapit sa akin.

"Ma'am Sasha! Umuwi na po tayo! Hating gabi na po at sobrang lakas ng ulan!" sigaw ng aming driver na si Mang Badong.

The pouring rain was defeaning us that we could hardly hear our own voices.

Umiling ako. Tumayo ako at kinatok muli ang pintuan nina Hugh.

"Hugh! Hugh! Lumabas ka! Nandito ako!"

Para na akong tanga. I was desperate. Malapit ko nang maubos ang boses ko sa kakasigaw. Umaasa ako na bubukas ang pintuan at lalabas si Hugh para yakapin ako.

Isang yakap niya lang, ayos na ako...

"Ma'am Sasha! Umuwi na po tayo!" sigaw ulit sa akin ni Manong Badong.

Hinarap ko siya. "Dito lang ako, Manong... Maghihintay ako na bubukas ang pintuan ni Hugh..."

My lips were trembling.

Malungkot akong tiningnan ni Manong Badong. May awa sa mga mata niya habang tinitingnan ako.

"Wala na po sila diyan, Ma'am Sasha... Umalis po sila at walang nakakaalam kung saan sila pumunta..."

Parang nabingi ako sa sinabi ni Manong Badong. Nanghihina ako, na parang kahit anumang oras ay matutumba ako. Nakatulala ang mata ko at sunod-sunod na tumulo ang mga luha.

El Rancho Series 1: Twist of Temptation Where stories live. Discover now