"Anong ginagawa mo rito? Hinahanap ka ng kaibigan mo," gulat na gulat na tanong ng driver ng sasakyan na pinasukan ko.My tears were continuously streaming. Awang-awa na ako sa sarili ko.
He was about to call Sir Kyle but I stopped him by grabbing his hand.
"Please po, tulungan niyo ako. Hindi ko po siya kaibigan," umiiyak na pagmamakaawa ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na ito. I was completely blanked and helpless. Nanginginig na ako sa takot.
Nakikita ko ang pagkabahala sa mukha niya.
"Pero sabi ng lalaki na iyon, kaibigan ka raw niya at may deperensiya ka raw sa utak,"
I shook my head. "Hindi po, tinangka niya akong gahasain..."
The middle-aged man gasped in shock. "Irereport natin siya sa pulis, hija!" he stated, concerned.
Umiling ako. "Huwag na po, ilayo niyo muna ako rito nagmamakaawa ako sa inyo..."
Dahil sa hiling ko, siguro naawa rin sa akin ang matandang lalaki kaya agad siyang tumalima sa sinabi ko. He maneuvered the car. I was relieved when I got away with Sir Kyle.
Hindi ko na talaga kaya pa na magtrabaho sa kompanyang iyon. Bahala na.
"Dadalhin na muna kita sa bahay ng amo ko. Mas safe ka do'n, hija..."
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Manong. I laid my trust on him at this moment. I have nowhere to go. I don't have friends either. Kinakabahan ako na baka puntahan ako ni Sir Kyle sa apartment dahil alam niya kung saan ako nananatili.
Hindi mawala sa isip ko kung paano niya ako pilit na hinalikan, kung paano niya sapilitang hawakan ang kamay ko, kung paano niya pwersahang pinunit ang damit ko, kung paano niya ako sakalin para lang magawa ang gusto niya.
Bakit ba sa akin nangyayari 'to? Pinaparusahan ba ako ng diyos? Masama ba ako para mangyari sa 'kin 'to?
I never did something horrible and bad towards my fellows. Ni hindi ko nga sila sinaktan. Ni hindi nga ako nagtanim ng galit sa iba kahit pa sobrang sakit ng ginawa nila sa 'kin.
I did all my best to be kind.
Pero bakit nangyayari sa akin lahat ng ito?
Bigla nalang huminto ang sasakyan sa isang malaking bahay. It was a four-storey house made of glasses. It was a mansion type of house but the walls were made of glasses.
"Pasok ka muna, hija. Mabait ang boss ko. Gamutin natin 'yang sugat mo," malumanay na wika ng matandang lalaki.
He assisted me towards the house. Yakap ko ang aking sarili at sinikap na takpan ang dibdib ko dahil napunit ang aking damit. Para akong basang sisiw na nakasunod sa lalaking tumulong sa akin.
When I entered the mansion, I was really mesmerized. Nakakahiyang tumapak sa sahig nito dahil tila walang kaali-alikabok.
"Umupo ka muna, hija. Pupuntahan ko lang si Mr. Salvador sa kanyang opisina," he stated before entering the elevator.
Ang bahay na ito ay may sariling elevator. I didn't hear clearly what he said because I was occupied by the image of the house. Tumango nalang ako.
Inilibot ko ang buong paningin ko sa buong bahay.
There was even a fireplace. Naglakad ako at dinungaw ang nasa likod ng parte ng bahay mula sa dingding na salamin. Napanganga ako nang makitang may malaking swimming pool doon na umiilaw pa.
The whole pool area was giving me an aesthetic vibe. From the yellowish and golden lights around the pool, from the blue water reflecting on the glass walls, to the colorful fountains.
Sobrang yaman siguro ng nakatira dito.
Narinig ko ang pagbukas ng elevator. Nadako ang mata ko doon. Unang lumabas ang driver na tumulong sa akin kanina at sumunod ang lalaking hindi ko inaasahang makita.
Nanigas ang katawan ko at nalaglag ang panga ko sa sahig.
Our eyes met, and just like me, his eyes delighted for a second when he saw me but it returned in being emotionless right away.
"Miss, iiwan muna kita kay Mr. Salvador. Nangako naman siyang tutulungan ka niya. Kailangan ko na kasing umuwi dahil hinihika ang bunso ko, kailangan kong dalhin sa hospital," the driver explained.
Pero wala sa kanya ang atensiyon ko, kundi nasa lalaking nasa harapan ko.
Hugh Salvador...
"Mr. Salvador, mauuna na po ako. Kayo na po ang bahala sa kanya. Maraming salamat po sa tulong na binigay ninyo sa akin para maipagamot ang aking bunso,"
Tumango lang si Hugh. And after that, the driver left. Ngayon, kaming dalawa nalang ang natira.
He changed a lot.
From the tone of his body, from his height, from his facial features— everything.
The only thing that stayed the same on him is his eyes.
We were jud staring at each other. Doon lang ako nabalik sa ulirat. The driver was nowhere to be found.
"A-aalis na ako," nauutal na sabi ko kay Hugh.
His face remained emotionless. "Aalis ka nang ganyan ang itsura mo?" he said with a hint of sarcasm in his voice.
Bago pa man ako makapagsalita, hinawakan niya na ang kamay ko at hinila ako papunta sa elevator kung saan siya lumabas kanina. We entered the elevator until we stopped at the upper part of his house.
Pumasok kami sa isang itim na pintuan.
Napanganga ako dahil sa ganda ng kwarto niya. Parang lahat yata ng gamit na makikita mo sa kwarto niya ay puro babasagin. The main wall was also made of glass. Konti lang ang ilaw sa kwarto niya. It was a little bit dim.
It was so large and wide. The other corner of his room were black in color.
Halos isang palapag na ang kwarto niya.
"Maligo ka. Just wear my t-shirt and boxer for the meantime." he casually said.
Habang pinapakinggan ko si Hugh, napansin ko na mas lalong lumalim ang boses niya at medyo tumangkad rin siya.
He guided me towards the bathroom. Sobrang laki at linis din ng banyo niya. Mas malaki pa sa apartment na nirerentahan ko.
I still couldn't process the happenings on this day. I almost got rape, and now, I was with Hugh.
After ten years, I finally saw him...
But he was so different from the Hugh I knew.
Hindi ko mapigilan ang luha ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang luha na 'to. I don't know what to do, and what to feel. My eyes said it all.
I'm tired, confused, afraid and...
Longing...
YOU ARE READING
El Rancho Series 1: Twist of Temptation
RomanceSi Sasha Isabel Sanches ay isang haciendera. Sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking pinyahan sa bayan ng El Rancho. Sa kabilang banda, si Hugh El Salvador naman ay isang hamak lamang na trabahador ng pinyahan ng pamilya Sanchez. Sa hindi inaasaha...