Chapter 13

266 5 0
                                    

Dalawang araw na ang nakakalipas simula noong malaman ko na umalis si Hugh, at dalawang araw na rin ako nakakulong sa kwarto ko. Ni wala akong gana kumain at hindi na rin ako pumapasok sa eskwela.

I was just too heartbroken...

Sobrang daming tanong sa isip ko. I didn't know what happened to Hugh, why he left— everything.

Mugtong-mugto ang mata ko dahil walang araw na hindi ako umiiyak. Every night, I let the dark comfort me. Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Mayroon na akong ideya sa isip ko kung bakit ako iniwan ni Hugh pero takot ako aminin sa sarili ko. Mahirap aminin na niloko ako ni Hugh.

Wala talagang may alam kung nasaan sila Hugh. Nawala nalang sila na parang bula. Pati si Cindy ay wala na rin sa eskwela.

I kept gaslighting myself that Hugh still loves me or it could be there was an emergency kaya kailangan nilang umalis at hindi niya na alam kung babalik pa siya kaya napilitan siyang sabihin sa akin na niloko niya lang ako. Maybe, nagmamadali sila kaya hindi siya nakapagpaalam sa akin.

I kept holding to the good possibilities.

Lumabas ako sa kwarto, at bumaba sa para pumunta sa kusina.

Nakita ko si Papá na may kausap na tauhan sa pinyahan. Nasa pintuan lang ito dahil hindi talaga pinapasok ni Papá ang mga tauhan namin sa pinyahan sa aming mansiyon.

Sobrang baba ng tingin sa mga ito. Pero kung tutuosin, kung wala sila, hindi namin matatamasa ang ganitong buhay. Ako ang nahihiya sa ugali na mayroon ang aking ama.

"Pinipiste na po ang pinyahan kaya ang mga pinya ay hindi masyadong maganda ang bunga. Kaunti lang ang mga naani," one of our men reported.

"Punyeta! Gawan n'yo ng paraan! Ayusin ninyo ang mga trabaho ninyo, mga mangmang!" galit na galit na sigaw ni Papá.

Napayuko na lamang ang aming tauhan.

"Umalis ka na! Nag-iinit ang ulo ko sayo!"

Nagmamadaling umalis ang aming tauhan na medyo matanda na.

Bumalik na sa loob si Papá. Dumapo ang atensiyon niya sa akin. A loob ng dalawang araw ay hindi ko sila kinakausap.

"Hoy, ikaw. Ayusin mo ang sarili mo dahil sa susunod na taon, kapag dise otso ka na, magpapakasal kayo ni Victor."

Sumidhi na naman ang galit ko. But I stayed my face firm and blank.

"Ayaw ko." matigas kong sabi.

Papa's face crampled in anger. "Wala kang magagawa, Sasha! Papakasalan mo si Victor, sa gusto mo man o hindi!"

"Ayaw ko nga, Papa! Hindi ko mahal si Victor!"

"Putanginang pagmamahal na 'yan, Sasha! Hindi ka yayaman sa pagmamahal na 'yan! Ang piliin mo, diskarte!" he pointed out.

I bravely faced him. "Hindi diskarte ang tawag sa ginagawa mo, Papá, panlilinlang at panggagamit ang tawag do'n!"

Kailangan kong depensahan ang sarili ko dahil walang gagawa no'n para sa akin kundi ang sarili ko lang. At the end of the day, I only got myself.

"Ano bang pinagmamalaki mo? Ang hampas-lupa na Hugh na 'yon? Iniwan ka nga niya, hindi ba?" he added.

Natahimik ako. I couldn't met his eyes because at some point, it was true. Iniwan ako ni Hugh nang walang paalam.

He softly chuckled. "Gusto mong mamuhay kasama ang lalaking 'yon sa putikan?"

Nagtaas ako nang tingin.

"Mas gusto ko pang mamuhay sa putikan kaysa mabulok sa miserableng buhay na 'to." I deliberately said.

My father teasingly smirked. "At naniniwala ka talagang mahal ka niya?"

"Mahal ako ni Hugh."

Lumapit sa akin si Papa.

"Kung mahal ka niya, hindi ka niya ipagpapalit sa pera."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong ibig niyong sabihin?" nagtatakang tanong ko.

He smirked once again.

"Binigyan ko ng dalawang milyon si Hugh at ang pamilya niya para magpakalayo-layo. At kung talagang mahal ka niya, hindi niya tatanggapin ang pera at ipaglalaban ka niya..."

Umiling ako. "H-hindi totoo 'yan! Sinungaling ka!"

"Just be thankful to me. Sasha. Kung hindi dahil sa akin, peperahan ka lang niya. Nasilaw siya sa pera!"

Nagsimulang magpatakan ang luha ko. Hindi ko akalaing magagawa ni Hugh iyon. Sabi niya mahal niya ako at hindi niya kailangan ng yaman ko.

Nakuha na niya lahat sa akin. I gave him everything... my body, my heart and my soul.

Am I that really gullible and dumb for not seeing Hugh's real intention? Nabulag nga ba ako sa pagmamahal ko sa kanya? Did he really take advantage of my innocence? Nagpadala nga ba ako sa matatamis niyang salita?

"People nowadays, will do everything just to survive kahit manggamit pa sila ng tao, Sasha, lalong-lalo na ang mga taong kagaya ni Hugh na isang kahig, isang tuka. Gano'n lang din ang gagawin mo kay Victor,"

Kahit rumaragasa ang luha ko at naninikip ang dibdib sa sakit, hinarap ko ang Papá.

"Hindi ako magpapakasal kay Victor kahit patayin mo man ako."

I won't do to others what they did to me. Hindi kakayanin ng konsensiya ko ang manggamit ng ibang tao. Hindi porket ginawa sa akin, gagawin ko din sa iba. Tama lang na ako ang masaktan, wag na 'yong iba.

Galit na galit si Papa. He closed the distanced between us and he slapped my face real hard. Halos mabingi ako sa sampal niya.

Hindi pa rin makuntento si Papa. Sinampal niya ulit ako nang malakas. Pagkatapos, hinila niya ang buhok ko at itinapon sa sahig.

"Magpapakasal ka lang, hindi mo pa magawa! 'Yon lamang ang silbi mo sa pamilyang 'to!" he shouted angrily.

Walang sinabi ang sampal at sabunot niya sa akin sa sinabi niya. Those words were cutting my heart into millions of pieces. He only treated me as his investment. Pinalaki niya ako hindi bilang anak niya, ngunit isang bagay na magagamit niya pagdating ng panahon.

I saw my mother coming. Nang makita ako, agad niya akong inalalayan patayo.

"Ano ba, Agustus?! Papatayin mo ba ang anak mo?!" sigaw ni Mama kay Papa.

"Magsama kayong dalawa! Mga walang silbi!" wika ni Papa saka kami tinalikuran.

Niyakap ako ni Mama, at doon na ako umiyak. She was also crying.

"I'm so sorry, anak... Sobrang dami kong pagkukulang sayo... Pasensiya kung naduwag ako... I'm such a useless mother..."

Habang pinapakinggan si Mama, hindi mapigil ang luha ko. I've been waiting for this to happen. Hindi ko kayang magtanim ng galit kay mama. Alam kong nadala lang din siya sa takot niya kay Papá. I want her to be brave and defend herself.

"Thank you for making me strong, Sasha..."

I hugged her tightly.

"Thank you for being brave..."

Ilang buwan ang lumipas nagpaalam si Mama na pupunta sila ni Papa sa siyudad para sa aming negosyo. May kailangan kasi ayusin sa aming pinyahan dahil hindi na ito kumikita, kaya kailangan nilang pumunta sa Maynila para kausapin ang pamunuan ng agrikultura.

Pati ang aming factory ay hindi na rin maaasahan pa.

Mama and I were in good terms, bumabawi naman siya kahit papaano. Nababawasan rin ang bigat sa dibdib ko. Pero kami ni Papá, hindi kami nag-uusap o nagpapansinan man lang.

Habang pauwi ako galing sa eskwelahan, may tumawag sa akin na nagpagunaw ng mundo ko.

"Naaksidente ang mama at papa mo. Miss Sasha..."

El Rancho Series 1: Twist of Temptation Where stories live. Discover now