Chapter 14

268 6 2
                                    


It was been a year since the accident happened to my parents. Mamá was dead while Papá was comatose. Nahulog ang van na kanilang sinasakyan sa bangin habang papauwi sila.

Masakit sa akin ang nangyari sa mga magulang ko. Kahit papaano, mga magulang ko pa rin sila. Bago pa lang kami nagkaayos ni Mamá ngunit kinuha agad siya. While Papá, I always still pray for him to wake up no matter what he had done.

My life was atrocious. I'm all miserable and alone.

Sobrang dami kong pasan na problema at responsibilidad sa balikat ko. Simula noong mawala si Mamá at ma-coma si Papá, napasa sa akin ang responsibilidad ng aming mga negosyo.

Dahil wala na kaming pagkukuhanan ng pera, napilitan akong ibenta ang lupa namin at ang pinyahan dahil wala na naman kaming mapapala sa pinyahan. Nasara na rin ang aming factory dahil wala na kaming produkto at kanya-kanya na ring nagsialisan ang aming mga tauhan dahil wala na kaming pampasweldo.

Milyon-milyon ang binabayad ko sa hospital dahil sa pagkaka-coma ni Papá.

Habang tumatagal, nauubos na na ang mga ari-arian namin.

Nasa kusina ako, at nakaupo. I was staring at the cupcake with a little candle on.

Madilim ang buong bahay, at tanging flashlight nalang galing sa cellphone ko ang nagsisilbi kong liwanag. Dahil sa dami ng problema na iniisip ko, nakalimutan kong magbayad ng kuryente.

Mapait akong napangiti habang tumutulo ang luha na nakatingin sa cupcake.

"Happy birthday to me..." I whispered to myself, then I blew the candle at the top of the cupcake.

It was my eighteenth birthday, and supposed to be my début. I celebrated it all alone with a heavy baggage of problems.

Walang tao sa bahay, walang katulong, walang drivers dahil lahat ng mga sasakyan namin ay nabenta na. Ang tanging natira nalang sa amin ay ang bahay.

Hindi ko lubos akalain na darating kami sa puntong ganito.

Umiikot nga talaga ang mundo. Hindi sa lahat ng oras ay nasa taas ka. Pero para sa akin, every day is a blessing. Kailangan natin iyon ipagpasalamat. Lilipas din ang kalbaryong ito. Makakabangon rin ako.

Hindi ko na inaalintana ang hirap at sakit, dahil sa dami ng sakit na napagdaanan ko, namanhid nalang ako.

While I was studying on my upcoming exams, I received a call from the hospital.

"Hello?" bungad ko.

"Good news, Miss Sanchez. Nagising na po ang Papá niyo."

Dahil sa balita na iyon, agad akong pumunta sa hospital kung nasaan si Papá. Nagpara pa ako ng tricycle para makapunta sa hospital.

Halo-halo ang nararamdaman ko pero nangibabaw pa rin ang saya dahil pagkatapos ng isa at kalahating taon, sa wakas, nagising na rin ang Papá.

Kay tagal ko itong hinintay.

When I finally arrived at the hospital, I immediately ran towards Papa's room. Pagkabukas ko pa lang ng pintuan, agad kong nakita si Papá na buhay na buhay.

Nang magtagpo ang mata namin, his eyes watered. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

I couldn't hold back my tears. It was so good to see him finally opened his eyes.

"Papá..." umiiyak na sambit ko.

Niyakap niya ako pabalik.

"I'm sorry, anak..." mahinang wika niya.

El Rancho Series 1: Twist of Temptation Where stories live. Discover now