Chapter 2

287 4 1
                                    


"Señorita, pinapababa na po kayo ng papá ninyo." tawag sa akin ng aming katulong.

I was just wearing a light floral dress. Pupunta kasi kami ng pinyahan para tingnan ang mga pananim.

Actually, I didn't like going there. Pero dahil nandoon si Hugh, pupunta ako. I want to see him.

Inamoy ko muna ang t-shirt niya bago lumabas ng kwarto.

Lumabas na ako at sumakay na sa aming van. Nandoon na rin si papá at mamá.

When we arrived at our plantation, we saw our men there working. Abala silang lahat.

May mga body guards kami. Bawat isa sa amin ay pinapayungan habang naglalakad.

Nang makita kami na paparating, mas lalong naging abala ang mga tao namin.

Binabati nila kami kapag napapadaan kami sa kanilang harapan. I knew they treat us like gods but for me, we were all equal. I looked at them with the same level as me.

Therefore, I don't want special treatments from others. Pantay lang kaming lahat.

Si papá ay may kinakausap na trabahador. Nilibot ko ang tingin ko sa pinyahan at doon nakita ko ang nanay at tatay ni Cindy.

Lumapit ako doon. The guards tried to follow me but I told them not to.

"Nay Alice, Tay Edward! Magandang araw po!" nasisiyahang bati ko sa kanila.

Akmang magmamano ako sa kanila ngunit pinigilan nila ako.

"Huwag na, hija... Madumi ang mga kamay namin. Baka madumihan ka," nag-aalala na ani ni Nanay Alice.

I just tsked. "Sus! Wala 'yon."

Ako na ang lumapit sa kanila at kinuha ang kamay nila para magmano.

"Ang bait na bata talaga... Maganda pa." Tatay Edward commented with amusement.

Ngumisi lang ako. Then, my eyes were fixed to Hugh who was busy putting the pineapples in the basket. He wasn't looking at me.

I sweetly smiled. "Magandang araw, Hugh..."

Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Para lang siyang walang narinig habang patuloy pa rin sa pagtatrabaho. I felt a light pain in my heart.

"Sasha! Come here!" striktong tawag sa akin ni Papá.

Nagpaalam ako kina Nay Alice at Tay Edward. Bago pa man ako umalis doon sa kanilang pwesto, tinapunan ko muna ng tingin si Hugn. Ganoon pa rin, hindi nga niya ako tiningnan.

"Sinabi ko naman sayo na huwag kang makikipag-usap sa mga taong narito. Hindi natin sila kapantay." pangaral sa akin ni Papá.

Hindi nalang ako kumibo. My father is a strict man. Hindi lingid sa kaalaman ko maliit ang mga tingin niya sa mga taong nagtatrabaho dito sa pinyahan at sa mga taong nasa mababa lang.

He wants me to get close to those people who have names here in El Rancho. Iyong mga taong may mga malalaking negosyo.

Sumakay na ako sa sasakyan ngunit tumingin ako sa deriksyon kung nasaan si Hugh. Ganoon nalang ang gulat ko nang nakatingin din siya sa akin.

When he saw me looking at him, he looked away immediately.

Somehow, that made me smile.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Hugh. Mahirap siyang basahin.

"Sasha, sagutin mo na kasi ako." Pangungulit sa akin ni Victor, kaklase ko.

Palagi kasi siyang nagpapapansin sa akin. Ayaw ko naman sa kanya. His family owns large lands here in El Rancho. Siya ang gusto ni Papa na maging kaibigan ko. But I don't like him dahil mayabang siya

"Pwede ba, Victor. Stop annoying me. I don't like you. At saka hindi naman kita pinayagan na manligaw sa akin saway ko sa kanya habang nasa loob kami ng classroom. Wala pa ang teacher namin kaya todo ang pang-iinis niya sa akin.

After the morning class, me and Cindy went to the canteen to buy lunch. May baon si Cindy pero binilhan ko pa rin siya dahil gusto ko siyang ilibre. Hindi naman sa naaawa ako sa kanya, I just want to give her something that I have because she is my friend. And as her friend, I always got her back.

At saka crush ko rin ang kuya niya. Ayaw ko naman sabihin ni Hugh na pinapabayaan ko ang kapatid niya.

While eating in the canteen, I saw Hugh coming. Nagsimula na naman mag-init ang mukha ko.

Nanigas na lamang ako sa kinauupuan ko nang umupo si Hugh sa tabi ko.

"Kuya, kumain ka na ba?" Cindy asked. Nasa tapat ko siya nakaupo.

Kinuha ni Hugh ang baonan niya at binuksan

"Kakain pa lang," Hugh said seriously. Binuksan niya ang kanyang baonan at laman no'n ay kanin na may daing na nasa ibabaw ng kanın niya.

Nagkatinginan kami ni Cindy. Naiilang siyang ngumiti sa akin na tila ba nahihiya ngunit binigyan ko siya nang malawak na ngiti.

"Let's eat!" I announced.

I want to break the awkwardness. Ayaw kong mailang sila kapag kasama nila ako.

Hugh was just seriously eating.

"Hugh, may inorder akong mga ulan. Kumuha ka," alok ko kay Hugh

"Ayoko." He firmly answered.

Katabi ko nga siya pero hindi man lang siya tumitingin sa akin. Kumakain lang siya na parang wala siyang pakialam sa mundo. Some of the students were looking at us pero tinapunan ko lang sila ng nagbabantang tingin. After that, they would look away.

"Uhm... Hugh? Can I have some of your daing?"

Doon niya lang ako tinapunan ng tingin. I gave him a small smile. His face was emotionless.

"Hindi to bagay sayo."

"Nakatikim na ako niyan! May ganyan nga sa bahay dahil nagpapabili ako sa yaya ko sa palengke," I initiated.

Noong una akong nakatikim ng daing ay doon kina Hugh. Pinakain ako ni Cindy no'n. I also tried eating kamote. Lahat ng mga kinakain ni Hugh at Cindy ay kinakain ko para maka-relate ako sa kanila. But I enjoyed it. Masarap siya.

Hugh continued eating. Medyo nahiya naman ako dahil nanghingi pa ako sa kanya. Napangiti nalang ako nang binigay ni Cindy ang daing niya sa akin.

"Masarap yan," she said.

"Thank you, Cindy! You're the best!" I exclaimed.

"Hindi mo dapat siya pinapakain ng ganyan, Cindy. Kapag nasira ang tiyan niyan ikaw pa ang mananagot. Wala tayong pera para ospital niyan." Biglang sabi ni Hugh.

Kinunotan ko siya ng noo. Palagi nalang siyang ganyan. Bakit ba ang sama lagi ng tingin niya sa akin? Pakiramdam ko ayaw niya sa akin. He always misunderstood my intentions.

"Nandiyan naman si Victor para ipagamot siya..." pang-aasar ni Cindy sabay tawa.

I threw him a death glare. "Tumigil ka nga, Cindy!"

Natigil sa pagkain si Hugh. "Sinong Victor?" nanatili pa rin ang striktong boses ni Hugh. But this time, his voice was coated with irritation.

"Nanliligaw kay Sasha!" gatong ulit ni Cindy.

Hugh just tsked. A moment after, he spoke. "Ikaw, Cindy, huwag ka munang magbo-boyfriend. Bata ka pa." pangaral niya sa kapatid.

Cindy pursed her lips. "Oo naman, Kuya."

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa mauna nang matapos si Hugh. Niligpit niya ang kanyang baonan at saka nilagay sa bag.

Tumayo siya. Ngunit ilang hakbang palang ang nagagawa niya ay nilingon niya ako. My heart skipped when our eyes met.

"Ikaw, huwag ka munang magbo-boyfriend. Maghintay ka."

Iyon ang huling sinabi niya bago kami tinalikuran.  Parang nabingi ako sa sinabi ni Hugh. Hindi ko mapigilang ngumiti. Hindi ko naiintindihan ang ibig niyang sabihin ngunit masaya ako na kinausap niya ako.

Oo, Hugh... Maghihintay ako...

El Rancho Series 1: Twist of Temptation Where stories live. Discover now