I couldn't look at Cindy directly into her eyes. Pagkatapos namin magkaayos ni Hugh, dinala niya ako ulit sa El Rancho. Kaya ngayon, nasa balkonahe kaming dalawa ni Cindy. Hindi namin magawang tingnan ang isa't isa. Thing were awkward between us.
Naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hangga't sa nagsalita na siya.
"I was so hurt about what your father did to us, Sasha. Galit ako sa pamilya mo, at sayo." She started while her back was facing me.
Nakatanaw lang siya sa malawak na taniman mula sa aming balkonahe.
Dama ko ang sakit sa boses niya. Her voice said it all, at naiintindihan ko iyon.
"Galit ako sayo dahil hindi mo man lang naipagtanggol ang kuya ko..."
Nilingon niya ako habang may namumuong luha sa mata niya.
"All those times, kayo pala ng kuya ko. Ngunit hindi mo sinabi sa akin,"
I looked up to her.
"Gusto ko sana sabihin sayo pero natatakot ako..." ani ko.
"Natatakot saan?"
Nagbaba ako ng tingin. "Natatakot ako na baka malaman ni Papá..."
She softly chuckled. "Eventually, nalaman niya din. Kaya nga pinapatay siya ng Papá mo, hindi ba?"
I pursed my lips when I looked at her into her eyes. "I was foooled by my father, Cindy... Akala ko iniwan ako ni Hugh at pinagpalit sa pera. That the same night of my eighteenth birthday, I went to your house even if the rain was pouring hard... Hinahanap ko si Hugh pero wala na kayo do'n..."
Pinunasan ko ang luha na pumatak sa mata ko.
"Pero nagpatuloy pa rin ang buhay ko. Starting that day, my fate had twisted. My dad and mom got into the accident. My mom died right away pero comatose si Papá nang ilang taon, but later on, he still died..."
My voice was shivering while reminiscing those horrible days. Hindi ko na kaya siguro balikan pa ang lahat nang 'yon. It was a nightmare.
"Naubos na ang lahat nang ari-arian namin dahil sa mga utang... I was so young back then but I had those heavy baggages on my shoulders..."
Cindy was already crying while hearing my words. I saw emphaty on her eyes.
"I was all alone, Cindy... I had no shoulder to cry on that time... Kumakain ako nang mag-isa, natutulog nang ako lang... I celebrated my birthday with just a single cupcake... Kumakapa ako sa dilim kapag hindi ako nakakapagbayad ng kuryente... Kinaya ko 'yon nang mag-isa..."
I was crying hard to the point na hindi ko na namalayan ang pagyapos nang mahigpit sa akin ni Cindy. Medyo nagulat pa ako pero niyakap ko siya nang mahigpit pabalik.
I missed her so much...
Napapikit ako habang yakap ko siya. Doon ako mas lalong umiyak sa balikat niya. This is what I am waiting to happen. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na magkakaayos kami.
At ito na nga 'yon.
"I'm s-sorry too, Sasha... I'm sorry that you had to go through it all a-alone..." she said while sobbing.
I caressed her back to ease her. "No need to say sorry, Cindy... Ako nga may kasalanan sayo..."
"Shh... Let's not talk about it. Ibaon nalang natin 'yon sa limot, Sasha."
Walang mapagsidlan ang saya ko dahil maayos na rin ang lahat. Nagkaayos na kami ni Cindy. We finally fixed our bond.
Namasyal kami ni Cindy sa buong El Rancho. Nagpunta rin kami sa aming dating eskwelahan. Pakiramdam ko'y bumalik ulit kami sa dati. Lahat ng mga alaala namin sa bawat sulok ng El Rancho ay bumalik.
YOU ARE READING
El Rancho Series 1: Twist of Temptation
RomanceSi Sasha Isabel Sanches ay isang haciendera. Sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking pinyahan sa bayan ng El Rancho. Sa kabilang banda, si Hugh El Salvador naman ay isang hamak lamang na trabahador ng pinyahan ng pamilya Sanchez. Sa hindi inaasaha...