Chapter 5

400 5 2
                                    

"Sasha, maayos na ba ang paa mo?" tanong sa akin ni Mamá habang nasa hapagkainan kami, kumakain kasama si Papá.

"Opo, Mamá." I answered.

Tatlong araw silang wala sa bahay. Kahapon lang sila umuwi. At tatlong dalawang araw na rin akong hindi nakakapasok sa iskwela dahil medyo masakit ang aking gitnang parte. Hirap akong makalakad at makakilos.

Ang alam lang ng aking mga magulang ay natapilok ako kaya hindi ako makalakad. I've been faking my leg injury to cover up what happened between me and Hugh in the cottage.

"Sasha, kamusta na pala kayo ni Victor?" tanong sa akin ni Papá.

Here we go again.

"We're not friends," I answered.

Nagtaas ng tingin si Papa sa akin habang nakakunot ang noo niya.

"Dapat lang na kaibiganin mo si Victor dahil may malaki silang lupa dito sa El Rancho, at pagdating ng panahon, kapag nagkatuluyan kayo, magiging malawak na ang ating pinyahan." litanya niya.

Ganito naman siya palagi. Palaging negosyo, pera at yaman ang nasa isip niya. Nabibigay nga niya lahat ng mga materyal na bagay na gusto ko pero hindi niya nabibigay sa akin ang pagiging ama niya.

Nalilimutan na nila ang kahalagan ng pamilya dahil sa pera.

Gaya nina Cindy at Hugh, hindi naman sila mayaman pero masaya naman sila. They were full of love.

Tiningnan ko si Mamá para humingi ng tulong ngunit binigyan niya lang ako ng maliit na ngiti.

I smiled bitterly inside my head. As usual, she doesn't have a word to say. In terms of argument, she won't talk. Palagi nalang siyang sunod-sunuran kay Papá.

Nagpaalam na ako sa kanila para pumasok sa klase. Habang nagtuturo ang guro namin, parang lumilipad pa rin ang utak ko.

Before long, the teacher ordered us to get art and measuring materials for our activity. Gagawa kasi kami ng three dimensional illusion.

Nang gagamitin ko na ang ruler, natigilan ako. Pinagmasdan ko ang haba ng ruler at parang tangang napangisi nang maisip ang sandata ni Hugh.

Hinanap ko ang eleven inches at tiningnan iyon.

Tangina...

Ganoon pala kahaba ang sandata ni Hugh. Hindi ko lubos akalain na napasok iyon sa bukana ko dahil sa sobrang laki at haba nito.

Kaya pala hindi ako nakalakad ng tatlong araw...

"Hoy! Malapit na magpasahan tapos hindi ka pa nangangalahati!" pabulong na bulyaw sa akin ni Cindy.

Doon lang ako nabalik sa ulirat. Hugh kept running inside my head.

Hinay lang sa pagtakbo sa isipan ko, Hugh. Baka madapa ka at masugatan. Mag-aalala ako.

Hayst... Baliw na talaga ako...

"May problema ka ba? Parang balisa ka," biglang tanong sa akin ni Cindy habang papalabas kami ng classroom.

Pupunta kami sa labas para bumili ng mangga. I was craving for it.

Balisa ako dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Cindy na kami na ng kuya niya o huwag nalang. But at the end, I decided to tell her because after all, she's my best friend.

Huminga muna ako nang malalim bago sabihin kay Cindy ang tungkol sa amin ng kuya niya.

"Cindy? Huwag kang mabibigla sa sasabihin ko ha?" I asked hesitantly.

Tumango naman siya. "Ano ba 'yon?"

Hinawakan ko ang kamay niya. Pinikit ko ang mata ko bago sabihin ang gusto ko sabihin sa kanya.

El Rancho Series 1: Twist of Temptation Where stories live. Discover now