Chapter 10

317 5 0
                                    


"Papá, tama na!" umiiyak na awat ko kay Papá na binubugbog si Hugh.

Hugh was just there, accepting my father's punches. Ni hindi siya lumaban, umiiwas o sumalag sa mga suntok ni Papá. Nagpapasuntok lang siya.

I tried to stop my father but he wouldn't listen.

"Papatayin kita! Hayop ka!" Papá shouted in rage.

Parang pinapatay ako habang tinitingnan ang mukha ni Hugh na puno ng dugo.

Hindi ko na nakayanan na tingnan pa si Hugh na bugbog sarado kaya iniharang ko ang sarili ko para protektahan si Hugh.

"Tumabi ka diyan, Sasha! Papatayin ko ang hampaslupa na 'yan!" galit na galit na sigaw ni Papá.

Namumula na ang mukha niya sa galit. His eyes were bloodshot too.

Marahas akong umiling. "No, Papá! Mahal ko si Hugh!"

Mas lalong nagalit si Papá sa sinabi ko.

"Isa ka pang malandi ka!"

Kinuha ni Papa ang braso ko at pinalayo kay Hugh. Malakas akong itinulak ni Papá kaya natapon ako sa sahig. Iyak lang ako nang iyak.

He diverted his attention to Hugh again, and he threw him multiple punches and kicks. Nakahiga na si Hugh sa sahig.

I looked at my mom who was just standing and watching my father almost killing the man that I love. I tried to seek help from her, and let Papá stop from what he was doing. Nangungusap ang mata ko habang tinitingnan siya pero iniwas niya lang ang kanyang tingin at umalis sa kwarto.

My mother refused to help me...

Ano pa bang aasahan ko? She's my dad's pet.

"Papá! Stop it! I love him!"

Sinubukan kong pigilan ang kamay ni Papá ngunit hindi sapat ang lakas ko para pigilan siya. Iniwakli ako ni Papá kaya sa pangalawang pagkakataon, nasadlak ako sa sahig at tumama pa sa kahoy ng kama.

Napadaing ako sa sakit.

Lumapit sa akin si Papá at akmang sasampalin ako ngunit mabilis na nakabangon si Hugh para pigilan ang kamay ni Papá na dadapo sa akin.

He bravely faced my father.

"Ako nalang,"

Tumayo ako at niyakap si Hugh. Napaupo nalang siya sa sahig dahil sa sobrang panghihina kaya dinaluhan ko siya. His face was covered with blood.

Kahit nanghihina siya, bumangon pa rin siya para pigilan si Papá. That action was more than the love I received from my parents.

With tears blurring my eyes, I faced my father.

"Papá, kung papatayin mo si Hugh, patayin mo na rin ako!" sigaw ko.

My life will be lifeless without Hugh.

"Nahihibang ka na ba, Sasha? Isang kagaya niya na hampas-lupa ang gusto mo?! Kahit kailan, bobo ka talaga!"

Those words were like knives stabbing my heart multiple times. Parang pinatay niya na rin ako.

"Hindi siya bobo, Don Agustus. Sadyang hindi lang kayo makaintindi,"

Akmang susugurin na naman ni Papá si Hugh ngunit hinarang ko ulit ang sarili ko para hindi niya masaktan si Hugh.

I diverted my gaze to Hugh.

"Hugh... Tama na..." ani ko sa kanya dahil kapag magsasalita pa siya, mas lalo lang siyang masasaktan.

"Ayos lang sa akin na bugbogin niya ako at tapakan ang pagkatao ko ngunit hindi ako makakapayag na ikaw ang saktan niya at sabihan ng masama." said Hugh.

For the first time in my life, someone defended me. Not my mother, but my lover. Hugh was endlessly filling  the absences of my parents.

Tiningnan ko si Papá. Nagmamakaawa akong tumingin sa kanya. I crawled towards him and hugged his feet.

With my tears continuously streaming down to my face, I looked up to him.

"Papá, mahal namin ang isa't isa... Sana maintindihan mo kami... 'Yon lang ang hinihingi ko sayo."

Parang binibiyak ang puso ko habang nakikiusap kay Papá. I realized that up until now, I still need to beg for love. Kahit sa kanila, hinihingi ko pa rin ang pagmamahal.

I thought life is simple and happy, but the truth is, it's complicated.

"Hindi natin siya kapantay, Sasha! Inuuto ka lang ng lalaki na 'yan para makuha ang yaman natin!"

"Hindi totoo 'yan, Papá! Hindi ganyang tao si Hugh!"

I father's face crampled. "Tauhan lang natin siya, Sasha! Hindi mo ba nakikita ang pagkakaiba ng buhay ninyo? Langit ka, at siya ay isa lamang putik."

"May pangarap rin naman ako, Don Agustus. Nagsisikap ako sa buhay para pagdating ng araw, magiging karapat-dapat ako sa anak ninyo. Hindi sa lahat ng oras, nasa putikan lang ako." saad naman ni Hugh.

Hinawakan ko ang kamay ni Hugh.

"Kung hindi niyo talaga kami matatanggap, itakwil niyo nalang ako, Papá. I won't ask anything from you. Kalimutan niyo nalang na may anak kayo..."

"Isa kang haciendera, Sasha! At ang lahat ng ari-arian natin ay mapapasayo balang araw!" Papá initiated.

I smiled bitterly. "Hindi ko kailangan ng lahat nang iyon, Papá. Without me, all of those wealth will vanish when the time comes. Kapag matanda na kayo, mapupunta lang sa wala ang lahat ng ari-arian ninyo."

My father went silent for a while. Tila nag-iisip siya. Then after that, he both looked at me and Hugh.

He heaved a deep sigh.

Kinuha ni Papá ang kamay kong nakapalibot sa binti niya at pinalayo iyon.

"Kung hindi ko kayo mapipigilan, wala na akong magagawa. Basta ikaw Hugh, alagaan mo itong anak ko. Mag-aral muna kayo nang mabuti."

Nabuhayan ako sa sinabi ni Papá. Nagkatinginan kami ni Hugh, gaya ko, bakas rin ang saya sa mata niya.

"Ngunit, bago ko kayo payagan sa inyong gusto, may sasabihan muna ako sayo, Hugh." dagdag ni Papá saka tiningnan si Hugh..

"Ano po 'yon?" Hugh asked.

"Sa susunod na linggo ay ika-labing pitong kaarawan ni Sasha. At gusto ko, simula ngayon,  hindi na muna kayo magkikita ni Sasha hanggang sa araw ng kaarawan niya."

My forehead curled. "Anong ibig mong sabihin, Papá?" nagtatakang tanong ko.

"Ang ibig ko sabihin, sa kaarawan mo na siya magpapakita. Sa kaarawan mo mismo, ipapakilala ko siya sa ating buong angkan. Dumating ka ng saktong alas nuebe nang gabi. Pagkatapos no'n, malaya na kayo at makukuha niyo na ang aking abiso."

Dahil sa tuwa, napayakap ako kay Papá.

"Maraming salamat, Papá!" naiiyak kong sambit sa kanya habang yakap ko siya.

Naiiyak ako sa tuwa.

Ngayon ko lang naramdaman na nagpakaama siya sa akin. Right now, I can say that he is my father. Sobrang saya ko. Para akong dinuduyan sa mga ulap sa sobrang saya.

After we talked, he left my room.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Hugh at nagyakapan. We were both smiling because after a week, we would finally get my father's blessing.

Konting tiis nalang...

El Rancho Series 1: Twist of Temptation Where stories live. Discover now