Hugh and I decided to keep our relationship private. Tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam na kami na. Patago lang kaming nagkikita dahil alam kong kapag nalaman ni Papá na may relasyon kami ni Hugh, hindi ko alam kung anong gagawin niya kay Hugh.But if that would happen, I will fight for Hugh no matter what. Sabay naming haharapin si Papá.
"Kamusta ang araw mo? Napagod ka ba?" Hugh softly asked while caressing my hair.
Nakayakap ako sa kanya habang siya naman ay nakahawak ang braso sa likod ko tapos ang isang kamay ay hinihimas ang aking buhok.
Nandito kasi kami sa lumang classroom dito sa pinakadulo ng eskwelahan. Walang tao dito kundi kami lang. Nakaupo ako sa kandungan ni Hugh habang siya naman ay nakaupo sa lumang upuan.
I pouted. "Ayos naman... Pero nahirapan talaga ako sa algebra..." nakanguso kong sabi.
Hugh gave me a peck kiss on my lips. "Ako bahala diyan. Tuturuan kita,"
Napangiti ako sa tuwa tapos hinalikan rin siya sa labi.
"You're the best boyfriend ever!" I quietly exclaimed.
Hugh is a STEM student. Aside from that, he was also a top student. Sa totoo lang, iskolar si Hugh ng aming paaralan dahil sa angking talino niya. Most of the school clubs were led by him. Presidente din siya ng council.
Galing ng boyfriend ko!
Napatingin si Hugh sa aking labi. "Tuyo na naman ang labi mo," he commented.
I pursed my lips. "Tuyoin talaga ang labi ko. Ganyan na siya noon pa."
Nanlaki ang mata ko nang biglang akong bigyan ni Hugh ng halik. "Babasain ko para sayo."
I responded to his kisses.
Sinipsip niya ang pang-ibabang labi ko at ang pang-itaas. Pinapadaan niya ito ng kanyang mga labi. Our kissing lips created a squelching sound.
Then minutes afte he stopped.
"'Yan, basa na, " he playfully said.
Pabiro ko siyang hinampas sa kanyang dibdib. Kunwari lang talaga 'yon para madama ko ang matigas niyang dibdib.
Pagkatapos naming magkita ni Hugh ay bumalik na kami sa kanya-kanya naming klase. Nang oras na ng uwian, pinauna ko na umuwi si Cindy. Ang buong akala niya ay nakauwi na ako pero hinintay ko pa talaga ang kuya niya para sabay kaming umuwi.
Sinabi ni Hugh na ihahatid niya daw ako. Sinasadya talaga namin na gabi na magkita para hindi kami makilala. Madilim na kasi kaya walang makakapansin sa amin.
Nagtago ako sa medyo madilim na parte ng puno na nasa labas ng aming gate. When I saw Hugh coming out from the gate, myself felt lively. He immediately found me. Lumingon muna siya sa palagid para siguraduhing wala ng tao bago siya lumapit sa akin.
Nang makalapit na siya sa akin, agad niya akong niyakap. Agad ko rin naman pinulupot ang braso ko sa kanya. Matagal akong niyakap ni Hugh. Damang-dama ko ang pagod niya sa paraan ng paghinga niya.
"Pahinga ko..." Hugh murmured.
Automatically, my lips curved into a smile. Parang dinuduyan ang puso ko sa saya dahil sa sinabi Hugh. It really means everything to me to be Hugh's pahinga. That after a very long and tiring day, just one hug from me, all his tiredness would wash away.
Siya rin ang pahinga ko at ang buhay ko.
Magkahawak ang kamay namin ni Hugh habang naglalakad sa madilim na parte ng daan. Takot ako sa dilim, pero kapag kasama ko si Hugh, panatag na panatag ako.
YOU ARE READING
El Rancho Series 1: Twist of Temptation
RomanceSi Sasha Isabel Sanches ay isang haciendera. Sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking pinyahan sa bayan ng El Rancho. Sa kabilang banda, si Hugh El Salvador naman ay isang hamak lamang na trabahador ng pinyahan ng pamilya Sanchez. Sa hindi inaasaha...