"Sanchez, Sasha Isabel C., With honors..."
I graduated high school with an honor. The moment my name was called, I stepped on the stage. Unlike others who had their parents with them, I accepted my award all alone. Mag-isa akong umakyat ng stage dala-dala ang litrato nina Mamá at Papá.
Sayang lang at sunod-sunod silang nawala. Ni hindi man lang nila nasaksihan ang pagtatapos ko.
While I was at the center of the stage, I saw sympathy in the eyes of everyone. Some of our teachers cried while watching me.
But I showed no emotion. Pagod na akong umiyak. Pero kapag nag-iisa, umiiyak nalang ako. Walang gabi na hindi ako umiiyak. I was hugging myself for comfort.
I was eating alone, sleeping alone, and living alone. Parang sementeryo ang bahay kapag uuwi ako, lalo na kapag gabi.
Habang nakahiga ako, naiisip ko si Hugh. Despite of what he had done, I still love him. Magtatatlong taon na akong walang balita sa kanya at sa pamilya niya.
I think love is not meant for me.
Lahat nalang ng minamahal ko ay nawawala.
My life has turned upside down. My fate was twisted.
One time, Victor visited me in the house. Kapag walang ginagawa si Victor ay madalas niya akong binibisita sa bahay. Kahit papaano, naiibsan niya ang kalungkutan ko. Minsan, may nakakausap ako.
Bukod kay Cindy, wala na akong ibang kaibigan pa. And now, Victor and I created a strong bond of friendship. He's a true friend.
"Sasha, live with me. Magpakasal tayo," he proposed.
It has been Victor's proposal for me. Gusto niyang magpakasal ako sa kanya para magkasama na kami at hindi na ako mag-iisa.
Dinaan ko nalang ito sa tawa.
"Victor, alam mo na naman, hindi ba?" ani ko habang nakaupo kami sa sofa.
He sighed. "Inaalala lang naman kita. Kapag mag-asawa na tayo, you will not live here in your lonely mansion anymore."
Maliit akong ngumiti. This mansion has a special place in my heart. At ayaw kong iwan ito nang basta-basta. It may be lonely, but my memories here were alive.
"Mahal kita, Sasha... Higit pa sa kaibigan..." he added.
Alam ko naman na may espesyal siya na pagtingin para sa akin. Pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Hindi naman siya masama, pero ayaw kong pilitin ang sarili ko sa bagay na hindi ko gusto.
I'll be more miserable.
I looked at him straight in the eyes. "Alam kong nag-aalala ka sa akin, Victor. But we are better to be just friends. Balang araw, makakatagpo ka rin ng tamang babae para sayo dahil mabuti kang tao. Nagpapasalamat ako sayo sa kabutihang binibigay mo sa 'kin."
Bumuntong-hininga nalang siya. Inaasahan niya na ang sagot ko. Sa totoo lang, ito lang talaga ang palagi kong sagot kapag napag-uusapan namin ang ganitong bagay.
"By the way, saan ka nga pala mag-aaral ng college?" I diverted the topic.
"Mag-aaral ako sa abroad. Kung sana papayag ka lang na magpakasal tayo, edi sana sabay tayong mag-aaral. Pwede naman tayong mag-aral habang mag-asawa tayo," sagot naman nito.
I just pursed my life. Tingin niya siguro sa pag-aasawa ay laro-laro lang. Madaling sabihin pero mahirap gawin.
At isa pa, marami pa akong pangarap para sa sarili ko. I can go through it. I can do it.
Kahit mag-isa nalang ako, nagsikap ako sa buhay. Kahit masakit sa loob ko, binenta ko ang bahay para dahil 'yon nalang ang meron ako. With those money, I can sustain my financial needs, and my self. Napagpasyahan ko na ang fourteen million na nakuha ko mula sa pagbebenta ng bahay, ay gagamitin ko 'yon sa aking pagkaka-college. Ngunit ang sampong milyon ay ibinayad ko sa mga utang ni Papá kaya apat na milyon nalang ang natira sa akin.I decided to pursue my college in Manila. I will enroll in one of the best universities in Manila all by myself.
I took one glimpse of our house one last time while holding my baggages. Hindi ko mapigilang hindi maluha. Sobrang dami kong masasayang alaala dito sa bahay na ito.
"Balang araw, mababawi rin kita..." I murmured to myself.
After that, I turned my back towards my home.
Habang nakasakay ako sa bus papalayo sa El Rancho, parang pinipiga ang puso ko. I couldn't believe that I'll be living this beautiful hometown where pineapples were sweet, fields were green, lands were wide, mountains and hills were so fine, the falls were melodic, and people wear perfectly imperfect.
El Rancho is a land of temptations...As I continue my journey in the main city, I will no longer turn back. I will not crawl into the temptation anymore.
Because the last time I crawled, I was dragged and couldn't stand up.
I will come back stronger. Babalik ako kapag ayos na ako. Mahirap man talikuran ang bayan na pinaglakhan ko, pero kinakailangan.
The more I stay, the more pain I would feel. Those awful memories were like deja vús which will keep flashing back inside my head.
Nagrenta ako ng maliit na apartment dito sa Maynila, malapit sa school na pinapasukan ko. Kahit may pera ako, kailangan ko pa rin magtipid dahil habang buhay ko na bubuhayin ang sarili ko nang mag-isa.
Ang natitira kong pera ay idineposito ko sa banko para mapanitiling safe iyon. Halos kalahating milyon din ang babayaran ko kada-semester sa Acosta State University. I knew it was expensive but I don't want to deprived myself from a formal education.
Libre ang mangarap pero magastos.
Ang Acosta State University ang pinakamahal na eskwelahan dito sa Maynila. Dito rin ako sana balak ipasok ni Mamá at Papá kapag college na ako. Unfortunately, wala na sila kaya ako nalang ang magtutupad ng pangarap na iyon.
Sa wakas, first year college na ako. I decided to enroll in bachelor of arts in journalism because I really wanted to become a journalist. Pangarap ko na talaga 'yan noon pa.
Gusto ko kasing maghatid ng totoo na balita, hindi 'yong puro chismis lang. It should be relevant and reliable.
Alam kong hindi madali pero kakayanin.
Lumipas ang ilang taon, buhay pa rin ako at todo ang pag-aaral. It wasn't easy. May mga pagkakataon na habang kumakain ako mag-isa sa apartment, kusa nalang tutulo ang luha ko. Maybw it was because of too much loneliness.
The old me has gone. Ibang-iba na ako sa dating ako. I became aloof. I don't want to be near with someone. Dahil pakiramdam ko kapag may lalapit sa akin o makikipagkaibigan, sasaktan lang nila ako at lolokohin. May nagtagkang manligaw pero walang nakalampas kasi ayaw ko.
I didn't let myself get attached to someone.
I was traumatized because of what Hugh and Cindy did to me. Niloko ako ni Hugh, at iniwan ako ni Cindy para lang sa pera.
I already learned my lesson.
Nagsikap ako hanggang sa makapagtapos ako. Gaya ng graduation ko sa senior high school, dala ko ang picture nina Mamá at Papá sa pag-akyat ko sa stage.
This time, my tears fell down while facing the crowd. I was at the center of the stage standing firmly.
Sobrang tatag ko. After what I've been through, I am here standing at this stage with a degree. Nakaya ko lahat ng iyon nang mag-isa.
Finally...
---------
Author's Note:
Slow update muna kasi start na ang klase. I rarely have time to write. Hope you understand. 😊
YOU ARE READING
El Rancho Series 1: Twist of Temptation
RomanceSi Sasha Isabel Sanches ay isang haciendera. Sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking pinyahan sa bayan ng El Rancho. Sa kabilang banda, si Hugh El Salvador naman ay isang hamak lamang na trabahador ng pinyahan ng pamilya Sanchez. Sa hindi inaasaha...