Chapter 27

396 13 2
                                    


Wala si Hugh dahil may inaasikaso pa sa pinyahan. Now that he is a business man, he is also a busy man. Gusto niya sana ako isama ngunit hindi ako pumayag.

I preferred staying in the house.

While I was cooking, biglang dumating si Cindy sa kusina. She was wearing her golden silk robe.

"Ah... Cindy, kumain ka na..." I invited her.

Isa rin sa dahilan kung bakit ako hindi sumama kay Hugh ay dahil gusto kong makausap si Cindy.

I didn't understand why she was acting different towards me, as if she hates me. Wala naman akong ginawang masama sa kanya.

Mapakla siyang ngumisi. "Why would I eat that? Baka may lason pa 'yan."

Sinubukan kong pilit na ngumiti. "Hindi naman siguro..."

"Buti pa, ipakain mo nalang 'yan sa aso."

"Wala namang aso dito, Cindy..." malumanay kong sagot.

Wala naman talagang aso na alaga si Hugh.

Parang natahimik siya pero nakataas pa rin ang kilay niya.

"P-pwes, bibili ako." Agap niya.

Medyo natawa ako sa inasta niya. I realized that she was still the Cindy I once knew.

Cindy, my best friend...

Her face frowned. "Huwag ka nga tumawa!"

"P-pasensiya na..." natatawa kong saad. Hindi ko lang talaga mapigilan.

She crossed her arms, then she faced me. "Stop acting like we're okay, Sasha. Hindi ibig sabihin na ayos na kayo ni kuya ay ayos na din tayo."

Those words cut deeper than a knife. Coming from the person who you treated like a sister and a best friend.

Sinubukan kong huwag maluha.

"Cindy, may problema ba?"

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kami umabot sa ganito.

She chuckled humourlessly. "Stop acting like you're innocent! Huwag kang umasta na parang hindi mo alam ang lahat!"

"Alam ang ano?! I don't know, Cindy! I don't really know!"

I bursted out. I didn't fathom the pain and confusion. Hindi ko na alam. Gulong-gulo na ako.

I saw Cindy's eyes watered.

"I missed you, Cindy... Ten years ago were the living hell of my life... "

Iniwas niya ang tiningan niya sa akin. She slightly looked up to stop her tears from falling.

"Nawala sa 'kin ang lahat... Including you," I added. "I wanted to tell you my pain but you were gone..."

She looked at me with rage in his eyes. "Hindi kami mawawala kung hindi kami binura ng tatay mo dito sa El Rancho!"

Nagulat ako sa pinagtapat niya.

"A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.

Bahagyang ngumisi si Cindy.

"Remember your birthday? 'Yon ang gabing umalis kami dito sa El Rancho dahil pinaalis kami ni Don Agustus."

Nangunot ang noo ko. "P-pero... Sinabi ni Papá sa akin na tinanggap niyo ang dalawang milyon para layuan na ako ni Hugh..."

Mapaklang tumawa si Cindy.  "Your father is a liar."

I was so confused... Ibang-iba ang sinabi ni Papá sa akin.

"Kuya went to your birthday," saad na naman niya na hindi ko sinang-ayunan.

"Hindi pumunta si Hugh sa birthday ko, Cindy. I've waited for him but he never came!"

"Natural, hindi siya nakapunta. Alam mo kung bakit?" she stated. "Dahil pinapatay siya ng Papá mo!"

My jaw dropped when she said that. Slowly, my tears started dropping. Napanganga ako. Nanginginig ang buo kong kalamnan dahil sa sinabi ni Cindy.

Paano?

Nanubig ang mata ni Cindy.

"My kuya was all dressed up that night para lang makadalo sa birthday mo. He spent all of his savings para lang makabili ng bagong damit at sapatos dahil sabi ng Papá mo, ipapakilala na siya sa buong angkan niyo... That was the first time I saw him very excited and happy..."

Pinunasan niya ang luha na pumatak sa mukha niya, at tiningnan niya ako sa mata.

"But it turned out to be the most horrible night in his life... Dinakip siya ng mga tauhan ng tatay mo, then he was shot."

Habang pinapakinggan ko si Cindy, hindi mapigil ang luha ko sa kakapatak. I couldn't imagine the pain of Hugh.

"Luckily, someone helped him. And at the same night, pinalayas kami ng Tatay mo sa El Rancho. At ang sinabi mong binigyan kami ng dalawang milyon?" she chuckled. "Hindi kami nakatanggap ni piso! Para kaming mga kuting na pinalayas ng gabi habang bumubuhos ang ulan!"

Sinubukan kong lumapit kay Cindy ngunit lumayo siya sa akin.

"I-I'm sorry..." Iyon nalang ang tanging nasabi ko.

Hindi ko inakala na aabot sa ganoon si Papá para  paglayuin kami ni Hugh. He went overboard.

Umiiyak na ngayon si Cindy. Ngayon, unti-unti ko nang naintindihan. I know where her anger coming from.

"We moved to the city pero nang kaming tatlo lang ni Nanay at Tatay... Pero tatlong taon kaming nagpalaboy-laboy dahil wala kaming matirhan... We were fighting for our lives in the street, Sasha! Hindi mo alam 'yon!"

"Sorry... Sorry, Cindy!"

Umiling siya. "May awa pa rin talaga ang diyos. After that, kinuha kami ni Kuya at dinala sa Italya. Lahat ng pinagdaanan namin ay hindi mababayaran ng sorry lang."

Walang awat ang pagtulo ng luha ko. I felt very guilty for my father's deed.

"Kaya galit na galit ako dahil pagkatapos ng lahat ng ginawa ng pamilya mo sa 'min, bumabalik pa rin si Kuya sayo! At sobrang kapal ng mukha mo para landiin ang kuya ko!"

Dahan-dahan akong lumuhod sa harapan ni Cindy. I asked for her forgiveness in bended knees.

Tama naman siya. Sobrang kapal ng mukha ko para bumalik pa sa kuya niya. Sobrang laki ng pinsala na dinulot ko sa pamilya nila. Naiintindihan ko kung bakit galit na galit si Cindy sa akin.

"Cindy, I'm sorry... I didn't know... Sana mapatawad mo 'ko. At nais ko lang malaman mo na kaibigan pa rin ang turing ko sayo... Thank you for telling me everything. Ngayon alam ko na at humihingi ako ng tawad. Don't worry, I will leave you alone from now on. Makakaasa kang hindi ko na kayo gugulohin..."

Bawat kataga na lumalabas sa bibig ko ay galing sa puso ko. I sincerely apologized for what my family had done to them. Kahit masakit, lalayo ako sa kanila. Para rin ito sa ikakatahimik naming lahat.

"I was just blinded by lies. But I was broken too... I also lost everything. I lost my family, I lost you, I lost your brother... Pareho rin naman tayong nasaktan. I've been living my life alone. Nasaktan ako no'ng nawala ka... Sobrang sakit..."

Habang sinasabi ko iyon, walang tigil ang pagbuhos ng luha ko. Cindy was just looking at me while her tears was also continuously falling.

We were both victims. And I couldn't blame her if she couldn't forgive me.

Pagkatapos no'n ay tumayo na ako.

"Aalis na ako, Cindy. At pangako kong hindi na ako magpapakita sa inyo ulit. I'm sorry for the trouble that my father caused you. Patawarin niyo rin sana si Papá. Nagawa lang niya 'yon dahil sa pagmamahal niya sa 'kin. I'm sorry ulit... I will forever treasure the memories that we shared, Cindy..."

El Rancho Series 1: Twist of Temptation Where stories live. Discover now