Chapter 6

312 5 0
                                    

Walang mapasidlan ang sakit na naramdaman ko kay Hugh. Akala ko crush lang pero tangina... minahal ko pala.

He was the man I'd be willing to risk everything. But I was so wrong about him. I assumed too much. Akala ko may ibig sabihin na iyong nangyari sa amin.

While I was walking at the corridor, I saw Hugh and his friends coming.

"Hi, Sasha! Pahingi naman ng number mo," ani ni Lance.

Ngumiti ako. "Sure!"

Nasa tapat ko lang si Hugh pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. Nagpanggap lang ako na wala siya sa harapan ko.

Kinuha ko ang ballpen ko at sinulatan ang kamay ni Lance.

Lance's face celebrated like a victory when he finally got my number. Tinutukso naman siya ng mga kaibigan.

"Tatawagan kita mamaya, ha?" nasisiyahang sabi ni Lance.

I gave him my scandalous smile. "Ikaw bahala..."

Bago ko pa man sila malampasan, tiningnan ko muna si Hugh. He was giving me his dark aura. His teeth gritted and his jaw was moving continuosly.

Nasaktan man niya ako pero hindi ko pwede ipakita sa kanya na apektado ako. I don't want him to see me that I am hurting and miserable.

Hugh was my first love and my first heartbreak. Minahal ko siya kaya nasasaktan ako nang ganito.

Sabay kaming naglakad papalabas sa gate ni Victor dahil nauna nang umalis si Cindy dahil pinapauwi na siya ng kanyang tatay.

Habang ako, naiwan sa classroom kasama ang aking mga kagrupo para sa aming group reporting. Sakto naman na kagrupo ko si Victor kaya sabay na kaming lumabas nang matapos ang aming reporting para bukas.

"Sasha, pwede ka ba sa sabado?" Victor asked.

Hindi naman pala masama si Victor. I just misjudged him.

"Anong meron?" tanong ko sa kanya.

Napakamot siya sa ulo na tila ba nahihiya. "Mangangabayo ako—"

I almost choke of what Victor said. Iba ang pangangabayo na nasa isip ko.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Victor habang hinahagod ang likod ko.

"Oo... Nabulunan lang..." sagot ko naman. "Ano nga pala ang sinasabi mo?" balik ko ng topic.

"Mangangabayo ako sa burol. Nasubukan mo na ba ang horseback riding?"

Umiling ako. "Hindi pa. Di ako marunong."

Ibang pangangabayo kasi ang nasubukan ko.

"Sama ka sa akin! Isasakay kita sa likod. I'm sure masaya 'yon!" he said in a lively tone.

Pumayag ako na sumama kay Victor na mangabayo sa burol. It sounds exciting and an adventure. Gusto ko rin kasi makalanghap ng preskong hangin sa burol. I want to unwind.

After all the heartache, I deserve a break. It's hard to accept pain if you are genuine all along. Hindi ko naman hiniling na gustohin ako pabalik ni Hugh, but he gave me hope.

That night, he was so real, sweet and tender. I saw love in his eyes or maybe I am just assuming again.

When the Saturday came, sinundo ako ni Victor sa bahay. Nakasakay nga siya ng kabayo na kulay brown. He looked like a cowboy in his outfit.

Habang ako, nakaputing fitted na sleeveless sando at nakamaong na shorts. Tapos nakasuot rin ako ng leather boots na kulay brown.

"Mag-iingat kayo!" nakangiting ani ni Papá.

El Rancho Series 1: Twist of Temptation Where stories live. Discover now